Chapter Eight

2.8K 154 18
                                    

Chapter Eight

Cry


"You called me last night?"

Nag-angat ako ng tingin kay Ryder mula sa pagkain. Maaga niya akong sinundo sa bahay namin. Pinili ko munang umuwi kagabi sa bahay para sana may makausap naman ako either si Mommy o kahit si Sandro dahil abala naman si Daddy sa other family niya. But Mommy wasn't there and was with her friends. Si Sandro rin ay wala sa bahay kaya sina Manang lang ang naabutan ko doon. I also thought of calling my dad pero alam ko namang nasa isang pamilya niya siya and probably busy with them. Hindi ko rin puwedeng bigyan pa ng alalahanin si Andrea at hindi pa nga natatapos ang problema niya.

So I ended up alone in my room last night...

At ngayon ay niyaya ako ni Ryder mag-breakfast na tinugunan ko nalang.

"Yeah... Pero may kausap pa ako na client kagabi kaya hindi ko na rin alam kung nasagot mo ba o hindi ang tawag ko kasi binaba ko naman agad. Aayain lang sana kitang mag-dinner kagabi... But my client also decided na mag-dinner nalang din kami, so..." I shrugged my shoulders slowly.

Tumango si Ryder at mukhang naniwala naman siya sa sinabi ko. So even if he knew na sinagot ng babae niya ang tawag ko kagabi he wouldn't think na nalaman ko...

I have decided. Dala siguro ng pag-iisa ko kagabi and all my bitter thoughts and the pain I felt ay nakapag-desisyon na ako. I won't give this up. Not because nagpapakamartir na naman ako gaya sa ilang past relationships ko noon but because I want revenge... Gusto kong pahirapan si Ryder at ang babae niya. Naisip kong kung pakakawalan ko siya ngayon maaring sumaya lang siya sa piling ng mahal niya...

I did a bit of research kagabi lang din. At may nabasa akong balita tungkol sa rumor na paghihiwalay ni Isobel Acosta at ng husband niya. Kaya naisip kong kung pakakawalan ko si Ryder ay sa wakas sasaya na silang dalawa. At hindi ko papayagan iyon.

Pagod na pagod na akong maiwan at maging kawawa sa huli. Pagod na akong masaktan. Bakit hindi naman sila ang saktan ko, hindi ba? May karapatan naman siguro akong saktan din pabalik ang nanakit sa akin...

Maybe I was losing my mind. Kahit gaano pa ako nasaktan noon ay pinapairal ko pa rin ang pag-iisip ng tama. Maybe I wasn't anymore really thinking right. Hindi naman ako mapaghiganti na tao. Nagtatampo ako sa parents ko pero wala naman akong galit sa kanila. Ganoon din siguro sa mga naging boyfriend ko. But I just really feel like I already had enough. Na sa pagkakataong ito ay hindi ko na kayang hayaan nalang ang nanakit sa akin.

I wanted so badly to hurt Ryder. Gustong gusto kong ibalik sa kaniya ang sakit na natamo ko dahil din sa kaniya. Hindi ko hahayaang maging masaya sila ni Isobel.

"Do you like their food here?" he asked pertaining to the usual breakfast we have in front of us. I just have my pancakes at french toast naman ang sa kaniya and coffee.

"Yeah," tipid ko lang na sagot.

Sa totoo lang ay ayaw ko sana munang makita si Ryder ngayon. Pakiramdam ko ay gusto ko lang siyang sampalin. Mabilis man ang lahat sa amin we still became in a relationship and we're even getting married. So he cheated on me. Fuck this cheater!

Hindi ako nakatingin sa kaniya at nasa pagkain lang ang atensyon.

Pero nang maisip na baka may iba rin siyang maisip sa kinikilos ko ay agad akong bumawi at inayos ang sarili ko. Paano ko masasakatuparan ang plano kong paghihiganti kung hindi ko aayusin?!

Nag-angat ako ng tingin kay Ryder at ngumiti. "Yes, I like this cafe. Thank you for bringing me here. Tho, ang aga naman yatang date nito?" ngumisi ako sa kaniya.

So It's You (Villa Martinez Series #4)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن