I tried to reach for his arms and atleast do something to hurt him using my long nails but he's too strong for me to handle. I was literally praying that someone...someone would see us and rescue me.

I can't die like this. I can't die...in pain.

Akala ko naawa sa akin si TJ dahil bigla niya akong nabitawan at marahas akong bumagsak sa sahig habang hawak ang leeg kong masakit. Napapaubo pa ako at hinahabol ko ang aking hininga. Dahil sa abala ako sa sarili saka ko pa napagtanto ang nangyayari sa harapan ko.

TJ was on the floor while a man was punching him non-stop. Kahit nakatalikod ang lalaki, hindi ako magkamaling hindi siya makilala.

It was Mike.

Marahas niyang tinayo si TJ na ngayon ay duguan na ang mukha. On Mike's side profile, I saw how furious he was. Madilim niyang tinitingnan si TJ na may ngiti pa rin sa labi kahit hindi na halos makita ang mukha niya dahil sa dami ng dugo. One straight punch to his abdomen and TJ flew few inches away from Mike...then he glanced at me. Hindi na ako nagtaka kung bakit gano'n na lang siya kalakas. He was a policeman after all.

The darkness I saw faded in an instant. Tumakbo agad siya sa akin at bago pa man ako tuluyang makapagsalita ay nagdilim na ang aking paningin at nawalan na ako ng malay.

Naririnig ko ang pagtangis nang kung sino sa paligid at ang pag-uusap ng mga tao na naroon.

"Tama na 'yan, Reonn. She's now fine. Hindi 'yan makakatulong kung magigising siyang umiiyak ka pa," I've heard dad.

Nakapikit pa ang mga mata ko, inaalala kung ano ang nangyari sa akin. Kumunot ang noo ko nang maalala nga ang mga iyon.

Child...murderer...losing my breath...and Mike.

"Hindi ako puwedeng hindi maiyak, Colton! Muntik nang mamatay ang anak natin kung hindi pa siya natulungan ni Mike!" mom spat while crying.

"I'm a bit late, ma'am. I'm sorry," dinig kong sagot naman ni Mike.

"The asshole is on jail now, Tita. Please, tahan na po," si V.

Unti-unti akong nagbukas ng mga mata at napapikit ako ulit dahil sa ilaw na unang nakita ko. Hindi ko alam kung ilang oras na ba akong nakatulog dito pero hindi na masakit ang leeg ko. I tried opening my eyes again and it was still blurry for me, but there were people around me na hindi masyadong malinaw sa paningin ko. Siguro dahil sa tagal kong nakapikit lang.

When I finally adjusted, they went closer to me. It was my mom held my hand very tight. Naramdaman kong hinaplos niya ako sa aking ulo habang naiiyak na naman siya.

"Are you feeling fine, anak? M-May masakit ba sa'yo? Nagugutom ka ba?" sunod-sunod niyang tanong sa akin. But my eyes to the man behind them, looking at me intently.

Umiling ako. "Ayos lang po ako," sagot ko.

"He's in jail anak. We'll make sure that he'd pay for what he did to you, okay?" naiiyak niya pa ring sabi.

"Tita, stop crying na. Mabuti pa, umuwi na po muna kayo. Wala pa kayong tulog," tonog nag-aalalang sabi ni V at tumango naman ang mga magulang ni V. Sa likuran nila V ay ang tahimik lang na si Tito Marky.

"Mom...umuwi na muna kayo ni dad. Maayos lang po ang pakiramdam ko," kumbinsi ko sa kanila.

"Ako na muna bahala dito, Reonn. Go home and rest," sabat ni Tito Marky.

Napatingin ako kay dad at lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo.

"Babalik kami agad, Lana," si dad at tumango ako.

Handa na sila sa pag-alis at nagpaalam na. Tatlo na lang silang naiwan ngayon sa kwarto ko. Napatingin ako kay Mike na hanggang ngayon ay hindi pa rin inaalis sa akin ang mga titig.

The Mistress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon