Kabanata 38

3.6K 80 24
                                    

I went home, bringing the heavy pain on my chest. Ang bigat bigat na para bang ikakamatay ko ang sakit no'n. Sobrang hirap huminga dahil sa bawat pintig ng puso ko ay puro sakit ang nararamdaman ko.

Lumalabo ang nga mata ko habang binubuksan ang pinto ng unit ko. I have nowhere to run to. Ayokong tumakbo sa mga magulang ko. Nahihiya rin ako kay V dahil sa katangahan ko at naaawa na ako kay Tito Marky.

Magmula kay Mommy, he's there for her. Hanggang sa akin, nandiyan siya. Ayoko nang i-asa ang lahat ng ito sa ibang tao. Puso ko 'to, katangahan ko 'to kaya haharapin ko ito nang mag-isa.

As I entered my unit, I saw the man who made my world a living hell. Nakayuko siya at nakaupo sa sofa. Nang mabalingan niya ako ay napatayo siya agad.

Pain dominated me more as I looked at him disgustingly. Itinapon ko agad ang bag ko sa sahig at nagulat siya sa ginawa ko.

Isang buong lakas na sampal ang iginawad ko sa kanya kasabay ng pagtulo ng luha ko. His face turned sideways at marahan niya akong binalingan.

Pain was seen through his eyes. Hindi ko alam kung ano ang dahilan no'n. Ang sampal ko ba o ano. Kahit ano pa man, wala na akong pakealam.

"You pig!" sigaw ko. "Ang baboy mo! Binuntis mo siya habang gagawin mo akong kabet?!" sigaw ko, galit na galit.

Kumunot ang noo niya at parang hindi naiintindihan ang sinabi ko.

"W-What...are you talking about, Lana..." marahan niyang tanong.

My lips tremble as I looked at him madly. The tenderness in his eyes never made me relax for a bit.

I laughed sarcastically.

"You slept with her, huh? Tapos ngayon, kunyari hindi mo alam sino ang tinutukoy ko?"

Umiling siya, ambang hahawakan ako.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo, La-"

"Sige! Itanggi mo! Maniniwala ako! Tangina mo, Mike..." I said painfully, nawawalan na halos ng hininga.

Bakit kaya kailangan kong danasin lahat ng ito? They say, if something terrible happened to your life. It does mean, something great will be given to you in the future. Kung ano man 'yon...is it really worth it? This pain...all of these... could be worth it?

"Hindi kita naiintindihan...Please..." aniya at lapit siya nang lapit sa akin pero palayo naman ako nang palayo sa kanya.

"Shelly is pregnant, you idiot! Klaro na ba? Naiintindihan mo na ba? Ano?! Hindi mo maalala? O gusto mong huwag alalahanin..."

Bahagyang bumukas ang bibig niya pero hindi naman siya mukhang gulat. That proves he knows about this. It does mean, he made a fool once again!

Mukha siyang may sasabihin pero walang lumabas na kahit ano sa bibig niya. Sa halip ay yumuko siya. He looks defeated. He looks like he's admitting that...it's true. He got her pregnant.

Panibagong pagdurog sa puso ko ang naramdaman. This time, it's unbelievably painful. Akala ko wala ng isasakit ang lahat...meron pa pala.

"Ayoko na, Mike...Suko na 'ko," basag ang boses ko at parang nahihirapan na akong magsalita dahil sa paghikbi.
"Go on with your life, Mike...Bibitawan na kita. Your body is full of thorns...it'll hurt me if I hold unto you even more..."

Nag-angat siya ng paningin sa akin at ang lakas ng loob kong ngumiti kahit may luha sa mga mata.

This is the moment where you knew the pain is unbearable...Iyong sa sobrang sakit, wala kang ibang magawa kundi ang pilit na ngumiti. At nakakatakot iyon, kailangan ko na itong tigilan.

The Mistress Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora