Kabanata 34

2.5K 56 20
                                    

Happiness doesn't last long. Nakaka trauma maging masaya kahit saglit lang kung kalungkutan naman ang kapalit sa huli. We don't have any idea when or how that happiness...ends.

For days, na kasama ko siya ay mas naging nakilala namin ang isa't-isa kahit sa mga maliliit na bagay. And how ironic, pabiro naming napag-usapan ang kasal namin...in the future.

"Beach wedding or church wedding?" tanong ko habang nakahilig sa kanya.

We're at the sala watching movie from Netflix pero wala namang pumapasok sa utak ko sa pinapanuod dahil sa pustora namin.

Nasa table nakapatong ang mga paa ko habang nasa sahig ang kanya. I'm sitting in between his thighs at ang isang kamay niya ay pinipisil-pisil ang kabilang kamay ko. Nakapahinga naman sa aking tiyan ang isa.

"I don't care. Anywhere you want will do..." he whispered with a deep hoarse voice, at hinahagod ng ilong niya ang buhok ko. Making me breath uncomfortably.

Through my back, I can feel the loud beating of his heart, mirroring mine as well.

"I prefer church...as long as...ikaw ang groom ko," sabi ko.

He chuckled.

"Why? Do you have any other groom in your mind, huh?"

Umiling ako. It's...am I the only bride in your mind, Mike?

"Wala naman...Sigurado ka na bang...ako na talaga ang...pakakasalan mo?" I nervously asked.

"Yes."

Iyon lang ang sagot niya. Sana ganito na lang kami palagi. Walang nanggugulo sa utak ko at sa amin. Pero alam kong malabo iyong mangyari. May mga taong pilit talaga kayong guguluhin kahit ano pa man ang mangyari.

Kinakabukasan, nauna akong nagising dahil maaga naman kaming nakatulog. I cooked breakfast for us with the help of the online videos, of course. I need to practice my cooking skills para hindi naman ako mapahiya sa Mama ni Mike.

Nagtataka ako kung bakit ang tagal niyang bumaba, it's almost eight in the morning, pero sa pagbaba niya, mukha siyang nagmamadali. Naka damit pang alis na rin siya.

"May pupuntahan ka?" tanong ko, mukhang hindi niya pa ako napansin kahit nakababa na siya sa hagdan.

Napatigil siya at gulat nang makita ako. That look in his eyes ay biglang nagpakaba sa akin. He walked towards me at hinawakan niya ang siko ko.

"I need to go home..." aniya at mas lalo akong kinabahan.

"M-May nangyari ba? Sasama ako..." sabi ko.

Mahigpit niyang hinawakan ang siko ko at bigla na lang niya akong niyakap. He hugged me really tight that it hurts me. Mas lalo lang akong hindi mapapanatag sa ginagawa niya.

"Stay here. Babalik ako, hmm? Huwag kang aalis dito," he said almost pleading.

Napako ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko maintindihan kung bakit kinakabahan ako ng ganito.

"I'll come with you, please..." I pleaded pero umiling siya at sa halip hinalikan ako sa noon.

Hinawakan niya ang mukha ko. Ikinulong niya ito sa loob ng mga kamay niya. Palipat-lipat sa aking mata ang titig niya, na para bang ano mang oras ay mawawala ako sa paningin niya.

"Mahal na mahal kita, Lana."

He said almost a whisper. The desire, passion and anger was very clear to his eyes. Pinaghalong saya at sakit ang nararamdaman ko sa sinabi niya. Kung may lakas ng loob lang sana ako ngayon na tanungin siya sa lahat, pero hindi ko kaya.

The Mistress Where stories live. Discover now