CHAPTER 4: Not in the Human Realm

Start from the beginning
                                    

"But something is really fishy," biglang sabi ni Flame, ngayon ko lang ulit siyang narinig magsalita "Is there a chance that she's a spy?"

--

Lumabas kami ng office pero naguguluhan pa rin ako. Sinamaan ko ng tingin si Flame. Maka-spy siya wala naman akong ginagawang masama. Pinabasa ko kay Kairo ang mga nasa isip ko kaya dun nila nalaman na totoo ang mga pinagsasabi ko.

Pero nagtataka pa rin ako, all these time akala ko nasa mundo ako ng mga tao but I was summoned into a place that is far more interesting. Siguro naman hindi ako mahahanap ni Doyle dito. 

Napatigil ako, then does that mean I'm free? Hindi na ako hahabuling ni Doyle? Napasinghap ako sa naiisip. Napatigil ako sa paglalakad kaya nilingon nila ako. Lumapit si Tracy sa akin.

"okay ka lang girl?" nag-aalala niyang tanong sa akin " Lean I know that this is too much--"

"Malaya na ako" bulong ko, hindi ko maiwasang mapangiti at mapaluha, tiningnan ko ang naguguluhan nilang mga mukha at napangiti. "M-malaya na ako!" sigaw ko at yumakap kay Tracy. Halos bumuhos lahat ng luha ko dahil sa saya.

"Wala akong pakialam kung saan ako napunta, masaya ako! masayang-masaya ako!"

Napangiti lang sila sa akin, halos lumabas na sa puso ko ang kaligayahan. Malaya na ako, hindi ako mahahanap ni Doyle.

--

The Headmaster officially enrolled me as a Safiara student. Sa Academy, may iba't-ibang grupo ng mga estudyante. May Class A-D, sa Class A mahahanap ang pinakamatataas ang marka both theoretical at practical, sumusunod naman and Class B hanggang D. 

Sa Theoretical, ang mga studyente ay nagiging magclassmate base sa rank, sa practical naman, Ang mga studyanteng may mga kapareho ang ability ay nasa isang klase. Pero nagkakaroon ng shuffle training every Friday kung saan nagtratraining ang mga studyante kasama ang iba pang mga studyante sa ibang grupo ng ability.

Nalaman ko din na ang edad ko ay para sa senior na tulad nina Shane pero kailangan kong mag take ng exam, kapag hindi ako pumasa ay mapupunta ako sa freshmen, na ayaw kong mangyari. 

"Okay lang yan, hindi naman halata na senior ka na" natatawang sabi ni Tristan sa akin at kindatan ako. Tiningnan ko siya ng masama at tinalikuran siya.

"Wag kang mag-alala sigurado kaming papasa ka" malambing na sabi ni Kairo. Lumapit ako kay Kairo at bumelat kay Tristan, buti pa si Kairo naniniwala sa akin "Pero diba hindi mo pa na try ang pag-aaral sa isang university o paaralan? paano kung yung ipa-exam sayo wala sa mga pinag-aralan mo sa bahay niyo?"

Bigla akong natakot at napatigil. Mangiyak-ngiyak akong tumingin kay Shane.

"Sh-Shane" sabi ko "Paano kung hindi ako makapasa? mapupunta ako sa klase ng mga babies?" mangiyak-ngiyak kong tanong sa kanya. Niyakap niya ako at pinatahan.

"Okay lang yan, Baby ka rin naman" sabi ni Wade at tumawa. Tumawa din si Tristan at si Kairo. Si Luke nagbabasa lang sa gilid pero halatang natatawa din.

Tiningnan ko sila ng masama, pag ako nakapasa.

--

Makaraan ang tatlong araw ng hindi pagtulog dahil sa pagbabasa ay natapos na rin ako sa pagtake ng exam. Nasa office kami ni Headmaster, nandoon silang lahat. Nagtaka ako kung bakit nandoon silang lahat, wala bang silang pasok?

Binigay ko kay Luke ang mga libro at mga handouts na pinahiram niya sa akin. Busy silang lahat dahil may mga sarili silang ginagawa pero nung binagsak ko ang mga libro sa harapan nila, nagulat sila.

Tiningnan ni Wade yung makakapal na libro at gulat akong tiningnan.

"Tinapos mo lahat 'to?" gulat niyang tanong "That's three years worth of lessons!"

SAFIARA ACADEMY: BOOK ONEWhere stories live. Discover now