CHAPTER 25

13 3 0
                                    

(Johnson's POV)

Kinagabihan ay pumunta ako sa flower shop nina Richard at nakasarado na ang shop nang dumating ako. Aalis na sana si Richard pero nakita niya ako. Binuksan niya ulit ang lock ng pinto at pumasok kami sa loob.

"Nasaan ang mama at stepfather mo?" tanong ko

"Umalis sila kaninang hapon dahil papasyal sila sa Bohol." sagot ni Richard

Binigyan ako ni Richard ng flower bouquet na may iba't ibang uri ng kulay ng daisy. Medyo kinilig ako ng konti para sa kanya.

"Nagustuhan mo ba ang bouquet?" tanong ni Richard

"Oo, ang ganda kasi." sagot ko

"Dapat kasingganda ng bulaklak ang ngiti mo kapag nakikita kita." pang-aakit ni Richard

Naramdaman ko ang tibok ng puso ko at parang nahulog na ako sa kanya.

"Johnson, ikaw ang mine ko! Puwede ba kitang ligawan?" tanong ni Richard

Nagulat ako sa tanong niya. Paano kung babalikan ako ni Ford? Pinilit kong ngumiti para maging maayos ang lahat.

"Silence means yes." deklara ni Richard

Inilapit niya ang kanyang mukha sa mukha ko pero kinabahan ako. Sa halip ay hinalikan niya ako sa noo.

1 week later...

Isang linggo na kaming magsyota ni Richard pero nami-miss ko na si Ford. Di talaga maiwasan ang mga tsismosa na nakabantay sa aming dalawa ni Richard pero di ko sila pinansin. Nakita ko si Ford na may kasama na naman ibang babae habang nasa harapan ng bahay namin. Masaya kami habang kumakain kami sa hapagkainan ng bahay namin. Binisita kasi nina Auntie Lorraine [mama ni Richard] si mama kasama si Richard at Steven [stepfather ni Richard na afam]. Hindi naman naninibago ang afam kapag nag-uusap kami dahil nakakaintindi naman ito ng Tagalog.

"Mare, na-miss ko na ang mga luto mo!" sabi ni Auntie Lorraine

"Na-miss ko na rin kayo mare at nakahanap ka na ngayon ng foreigner." tugon ni mama

"Ikaw, may bagong nagpapatibok na ba ng puso mo?" tanong ni Auntie Lorraine at biglang nabilaukan si mama pero buti nga lang at uminom siya kaagad ng tubig.

"Hindi na ako maghahanap ng iba kasi napakamalas ko sa pag-ibig." sagot ni mamaBiglang nakatingin silang lahat sa aming dalawa ni Richard nang nilagyan ni Richard ng caldereta ang plato ko.

"Mare, ang sweet talaga ni Richard kay Johnson!" sabi ni Auntie Lorraine habang kinikilig

Napansin ko na nakasimangot silang lahat maliban kina Auntine Lorraine, Steven, at Richard. Wala akong ideya kung bakit sila nakasimangot.

"I hope that their relationship will become stronger." tugon ni Steven

"Yes, honey! Mapagmahal talaga si Richard at manang-mana siya sa akin." sabi ni Auntie Lorraine

Sa halip na masaya ang salu-salo namin ay naging malungkot dahil naging controversial ang lovelife ko.

"Hindi mo pala sinabi na boyfriend mo na si Richard!" nadismaya si mama

Medyo nasaktan lang ako ng konti sa sinabi ni mama dahil di ko sinabi sa kanila na boyfriend ko si Richard at di rin nila alam na hiwalay na kami ni Ford.

"Mare, maayos naman ang anak ko at wala naman siyang ginagawang masama." ani Auntie Lorraine

"Sharon, just be happy to your son!" payo ni Steven

"Tanggap naman namin na may boyfriend si Johnson pero sa pagkakaalam namin, hindi si Richard ang kanyang syota." sabi ni Tito Randy

"Baka nag-break na po sila ni Ford before pa naging boyfriend ni Johnson si Richard." tugon ni Rachel

Breathe With Me (COMPLETED) ✔Where stories live. Discover now