CHAPTER 6

27 5 0
                                    

Sinalubong kaming dalawa ni Johnson ng parents ko at nagmano ako sa kanilang dalawa. Katatapos lang nila magligpit ng mesa nang naabutan namin sila sa loob.

"Anak, buti nga lang at kasama mo ang kaibigan mo." sabi ni mama

"Nagabihan po kami ng uwi kasi puno na ang jeep dahil maraming sumakay." tugon ko at umupo kami ni Johnson sa kawayan na bench.

"Sinong naghatid sa inyo dito?" tanong ni papa

"Kapitbahay ko po ang naghatid sa amin dito at nagpaalam din naman ako sa mama ko na dito ako makikitulog." sagot ni Johnson

"Iiwan ko muna kayo dito at marami pa kaming gagawin." paalam ni mama  at bumalik sila sa kanilang ginagawa.

Katatapos lang namin magbihis ni Johnson nang lumabas kami sa tapat ng bahay namin para bumili ng siomai. Medyo marami pang tao sa paligid namin kaya may bumibili pa ng siomai sa kapitbahay. Naabutan ko si Sandro na nagbabantay sa food cart.

"Pre!" pagtawag ko sabay manly hug kay Sandro.

"Anong sadya mo pre?" tanong ni Sandro at umupo kami sa

"Pabili ng siomai." saad ko at umupo kaming dalawa sa tig-iisang monoblocks sa gilid ng food cart.

Napansin ko na nakatitig si Johnson kay Sandro habang nakangiti.

"Hoy!" ginulat ko si Johnson.

"Sorry, nakita ko kasi ang ex ko." sabi ni Johnson habang nahihiya at nagulat ako sa sinabi niya.

"Ano? Ex mo si Sandro?" tanong ko

"Hindi! Kamukha lang siya ng ex ko pero hindi niya kakambal si Sandro." sagot ni Johnson

"Di ba ikaw iyong parating bumibisita sa bahay ni Ford last school year?" tanong ni Sandro at tumango si Johnson.

"Pre, nakalimutan mo nang magtanong sa amin kung anong flavor ng siomai." paalala ko sabay kamot ni Sandro sa kanyang ulo.

"Oo nga pala! Anong flavor ng siomai ang gusto niyo? Chicken, beef, pork, or Japanese siomai?" tanong ni Sandro

"Same as usual." sagot ko. Alam naman ni Sandro na chicken siomai ang gusto ko.

"Japanese siomai." sagot ni Johnson

"Spicy or not?" tanong ni Sandro habang naghanda ng siomai sa maliit na paper plate na hugis oblong.

"Spicy." sabay na sagot naming dalawa ni Johnson.

"Drinks?" tanong ko

"Sago't gulaman." sabay na sagot ulit naming dalawa ni Johnson.

Biglang kakaiba ang tingin ni Sandro sa aming dalawa. Nagtataka siguro siya dahil nagkataon lang siguro na halos magkaparehas kami ng order.

"Teka, magjowa na ba kayo?" tanong ni Sandro habang nagtataka

"Hindi, sweet lang talaga kami." sagot ko

Ibinigay ni Sandro sa aming dalawa ang tig-iisang siomai at sago't gulaman. Biglang dumating si Gerald habang nakaparada ang kanyang motorsiklo sa harapan namin kasama si Rachel na naka-angkas sa motorsiklo. Nang makita ko si Gerald ay nagmamadali akong umalis pero pinipigilan niya ako.

"Hoy, nasaan ba ang kiss mo sa akin?" tanong ni Gerald

"Bakit ba kita hahalikan? Boyfriend ba kita?" pagtanggi ni Johnson

Binalewala ni Johnson si Gerald at umalis siya papunta sa harapan ng bahay namin dala ang kanyang siomai at sago't gulaman. Sinundan ko siya at di na ako nagpaalam kay Sandro. Tumabi ako sa kanya habang nakaupo kami pareho sa sidewalk.

Breathe With Me (COMPLETED) ✔Where stories live. Discover now