CHAPTER 22

14 3 0
                                    

Hindi na kami naghapunan dahil nabusog kami sa hinandang meryenda ni Nanay Rosa. Sa sobrang sarap ng meryenda ay masyadong naparami ang kinain namin. Pareho na kaming nakahiga sa kama habang idinikit ni Johnson ang kanyang hita sa hita ko.

"Pupunta tayo sa riverside ng Villasuerte bukas." inaya ko si Johnson

"Sure, anong gagawin natin doon?" tanong niya sabay yakap niya sa akin.

"Gusto ko lang makita ang view ng ilog dahil maraming puno na nakapaligid malapit doon." sagot ko

"Talaga? Puwede bang sumama sa atin sina Michael at Gian?" tanong niya

"Puwede naman!" sagot ko

Biglang tumunog ang tiyan ni Johnson at nahihiya siya dahil ang lakas talaga ng tunog ng tiyan niya.

"Paps, nagugutom ako!" reklamo ni Johnson habang nahihiya.

Pumasok sina Michael at Gian ng kuwarto. Nagkataon na may dala silang tatlong box ng pizza at calamansi juice.

"Wow! Nag-abala pa kayong umorder ng pagkain sa dis-oras ng gabi." sabi ko

"Nagugutom kasi kami." tugon ni Gian at bumangon kami sa kama.

Umupo na kaming apat habang naka-Indian seat.

"Tao poooooooooo!" rinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses.

"Bababa muna ako." paalam ni Michael at umalis

Nagulat kaming dalawa ni Johnson dahil pumunta ng bahay sina Gerald at Sandro. May dala pa silang maraming siomai at pancit canton.

"Buti nga lang at tulog na sina Nanay Rosa at Ate Clarisse." sambit ni Michael habang humihinga siya nang maluwag.

Umupo si Gerald sa tabi ko habang umupo si Sandro sa tabi ni Michael. Sana di marinig ng iba naming kasama sa bahay ang ingay namin.

"Wow! Na-miss ko ang siomai ni Sandro!" sabi ni Johnson habang ngumunguya.

"Masarap iyan, parang ako!" biro ni Gerald habang nagpapa-cute kay Sandro.

"Rald, nakakahiya iyang ginawa mo!" sita ni Sandro

Kinaumagahan, pumunta kami sa riverside ng Villasuerte para mamasyal at tignan ang napakagandang view ng ilog. May nakita kaming isang babae kasama ang kanyang kaibigan at nilapitan namin ni Johnson.

"Excuse me, miss! Puwede mo ba kaming picturan ng syota ko?" pakiusap ko

Narinig ko silang nagbubulungan pero buti nga lang at di sila katulad ng mga tsismosang kapitbahay ni Johnson.

"Besh, pagbigyan mo na ang mga bata para may remembrance sila na pumunta sila dito sa riverside." suhestiyon ng kasama ng babae

"Grabe ka naman, hindi ako nagdadalawang-isip. Bagay sila at parehas silang pogi." ani ng babae at napangisi sila dahil sa kilig.

"Sure!" sagot ng babae at binigay ko sa babae ang cellphone ko.

"Ok, 1... 2... 3..." sabi ng babae

"Puwede isa pa?" tanong ko

"Dahil ang pogi niyo, pagbibigyan ko kayo kahit na ilang beses kayong mag-picture!" sagot ng babae

Hindi lang isa at hindi rin dalawa kundi maraming beses kaming pnicturan ng babae sa cellphone. Buti nga lang at hindi siya reklamador bagkus ay natuwa siya sa aming dalawa.

"Thank you for your time!" pagbati ng babae sabay beso sa aming dalawa.

Hahalikan ko sana si Johnson sa pisngi pero humarap siya sa akin at aksidente ko siyang hinalikan sa bibig.

Breathe With Me (COMPLETED) ✔Where stories live. Discover now