CHAPTER 27

19 3 0
                                    

Pumunta si Lorraine sa bahay ni Garret at galit na galit siya kay Johnson dahil sinaktan nito ang damdamin ni Richard.

"Hi, are you Garret?" tanong ni Lorraine

"Yes po! Anong sadya niyo rito?" sagot ni Garret

Nagulat na lang si Garret nang biglang pumasok si Lorraine sa loob ng bahay.

"Johnson! Lumabas ka diyan!" sigaw ni Lorraine

Biglang nanginig, natakot, at kinabahan si Garret dahil hindi niya alam kung anong pakay ni Lorraine kay Johnson. Nagkataon naman na nagtitimpla si Mark ng kape.

"Anong ginagawa ng babae dito sa bahay mo?" bulong ni Mark

"Hindi ko alam." sagot ni Garret

Lumabas na si Johnson sa kuwarto at kagigising lang niya. Silang dalawa lang ni Lorraine ang nag-uusap sa sala habang sina Mark, Garret, at Ford ay nasa kusina at nakikinig sila sa usapan ng dalawa.

"Di mo ba itatanong sa akin kung bakit ako pumunta dito?" tanong ni Lorraine habang umiinom ng kape.

"Eh... hindi ko po kasi alam na pupunta kayo rito." sagot ni Johnson at kinabahan siya.

"Kaya lang ako pumunta dito para kausapin ka. May itatanong lang ako, mahal mo ba ang anak ko?" tanong ni Lorraine

"Opo, mahal ko si Richard!" pagsisinungaling ni Johnson at sinampal siya ni Lorraine at napahawak si Johson sa kanyang pisngi.

"Sinungaling ka! Kaya pala walang alam si Sharon na boyfriend mo si Richard kasi ginawa mong panakip-butas ang anak ko!" sigaw ni Lorraine at biglang kinabahan sina Mark, Garret, at Ford habang nakikinig sila sa usapan nina Johnson.

Gusto na sana umamin ni Johnson pero kinabahan pa rin siya kaya pilit siyang nagsisinulang kay Lorraine.

"I don't have any problems with your sexuality pero sinaktan mo ang anak ko!" dagdag ni Lorraine

"Auntie Lorraine, boyfriend ko po si Richard at may misunderstanding lang sa aming dalawa." pilit na nagsisinungaling si Johnson.

"Di mo ba ako itatanong kung bakit alam ko na nandito ka? Di mo rin ba itatanong kung bakit alam ko na ginawa mong panakip-butas ang anak ko?" tanong ni Lorraine

Di na sumagot si Johnson dahil nakokonsensya na siya sa kanyang ginawa kay Richard. Nagsisisi siya kung bakit naghiwalay sila ni Ford at nagsisisi rin siya na ginagamit niya si Richard.

"Kaya ko alam na nandito ka dahil sinabi sa akin ni Rachel. Sinabi ni Gerald kay Rachel na nandito ka kasama ng syota mo. Nagtanong ako kay Rachel kung nasaan ka at sinamahan ako ni Gerald papunta dito. Kaya ko rin alam na ginawa mong panakip-butas si Richard dahil sinabi rin nina Rachel at Gerald sa akin." paliwanag ni Lorraine

"Hindi po totoo auntie na ginawa kong pa---" biglang huminto si Johnson sa kanyang pagsasalita.

"Shut up!" sigaw ni Lorraine

Umalis si Lorraine sa bahay ni Garret at naging losyang ang kanyang beauty dahil panay sigaw siya sa kanyang komprontasyon kay Johnson. Nang makita ng tatlo na wala na si Lorraine ay tsaka pa sila pumunta sa sala.

"Paps, okey ka lang ba?" tanong ni Ford habang nag-aalala at tumango si Johnson.

"Masakit ba ang pagkakasampal ng babae sa'yo?" tanong ni Garret at tumango ulit si Johnson.

Para i-comfort si Johnson ay niyakap siya ni Ford at hinihimas niya ang ulo nito.

"Alam ko naman na nagsisisi ka na sa ginawa mo kay Richard." ani Ford

Breathe With Me (COMPLETED) ✔Where stories live. Discover now