CHAPTER 7

26 5 0
                                    

(Johnson's POV)

Nagising ako sa ingay ng isang lalaki habang naglalako ng isda sa daan. Nagulat ako dahil niyakap ko pala si Ford habang natutulog ako kagabi. Hindi na ako buangon sa kama baka ano pa ang gawin niya sa akin.

Natatawa ako dahil hindi pala siya nagigising kapag may dumadaan na ingay ng naglalako ng isda o di kaya'y ingay ng mga nangangampanyang politiko. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko at nag-set ako ng alarm ng isang minuto para magising si Ford at effective ang ginawa ko dahil nagulat siyya at nagising.

"Suuunnnooog!" sigaw ni Ford sabay bangon sa kama at tinatawanan ko siya nang malakas.

"Anong sunog? Tsaka ka lang magigising kapag nag-a-alarm ang cellphone ko." sabi ko

"Sinadya mo ba?" tanong ko habang lumalapit siya sa akinn at tinitignan niya ako nang masama.

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin hanggang sa napahiga ako sa kama at pumatong siya sa katawan ko. Di na ako makapagsalita dahil halos napakalapit ng mukha niya sa mukha ko. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko para ihanda ang sarili ko kung sakaling may gagawin siya sa akin.

"Hindi! Nag-set lang ako ng alarm kagabi." palusot ko

"Are you sure? Eh, mas nauna kang natulog kaysa sa akin kagabi." sabi ni Ford

Nagulat ako nang hinalikan niya ako at ipinasok pa niya ang dila ko sa bibig niya na parang nag-eespadahan. Buti nga lang at di kami gumawa ng kababalaghan sa kuwarto. Biglang nahinto ang halikan naming dalawa nang biglang may nagbukas ng pinto at pumasok pa sa kuwarto ni Ford.

"Hay, kabayo! Ang babastos niyo!" sabi ni Nanay Didith nang muntik na siyang atakihin.

Nagmamadali kaming umupo sa kama habang naka-Indian sit.

"Nanay Didith, ba't po kayo pumasok dito nang hindi nagpapaalam?" tanong ni Ford habang naiinis.

"Bakit? Masama ba?" tanong ni Nanay Didith

Si Nanay Didith ang nag-aalaga noon kay Ford noong maliit pa siya. Siya rin ang nagbabantay sa bahay simula noong nag-college sina Ate Alice at Ate Natalia. Nagtatrabaho pa noon ang mama at papa ni Ford sa pabrika pero tumigil sila sa pagtatrabaho imula noong nag-call center ang mga ate ni Ford. Kaya medyo kilala ko na si Nanay Didith dahil parati na ako pumupunta ng bahay ni Ford simula noong junior high school pa kami. Hindi pa makapagbenta ang parents ni Ford sa canteen ng school namin dahil katatapos lang ng school year.

"Ipinaghahanda ko na kayo ng almusal dahil nagbilin sa akin ang mama mo. Dahil nandito naman si Johnson ay di na kita sasaman dito sa bahay, Ford. Kapag may kailangan kayo, puntahan niyo lang ako sa bahay." bilin ni Nanay Didith sa akin at sinarado na niya ang pinto.

Tinulak niya ako sa kama at balak niya akong halikan kagaya nung ginawa niya kanina pero kiniliti ko siya sa tagiliran para di niya ako halikan katulad ng ginawa niya sa akin bago pa dumating si Nanay Didith.

"Tama na! Nakikiliti ako!" sigaw ni Ford at tumigil ako sa pagkiliti sa kanya.

Nagulat ako nang kinagat niya ang leeg ko at medyo masakit ang pagkagat niya katulad sa mga horror films na napanood ko. Kahit na masakit on the outside ay kinilig naman ako on the inside.

"Paps, may chikinini ba ang leeg ko?" tanong ko habang masama ang tingin ko sa kanya.

"Wala paps!" sagot niya kahit na obvious na may chikinini sa leeg ko.

Nag-almusal kami nang biglang pumasok si Sandro sa bahay namin na may dalang siomai na nakabalot sa cellphane. Kaagad kong kumuha ng scarf sa kuwarto ni Ate Natalia para matakpan ko ang chikinini na nasa leeg ko at bumalik ako sa hapagkainan para tapusin ang almusal ko.

Breathe With Me (COMPLETED) ✔Where stories live. Discover now