CHAPTER 14

12 4 0
                                    

(Gerald's POV)

Biglang sumama ang pakiramdam ni Johnson. Hayop kasi ang Ford na iyan at hindi siya nagdahandahan sa pag-exercise niya kay Johnson. Maliban sa lagnat, sinabi ni Rachel sa akin na napilay daw siya at maraming lumabas na puting likido habang nagkukubeta.

"Rald, nanginginig ako!" reklamo ni Johnson at binalutan ko siya ng kumot.

Nilagyan ni Gian ng sombrero na Baguio City ang ulo ni Johnson. Inalalayan ko siya patungo sa kuwarto ko at pinahiga ko siya sa kama.

"Pupunta muna ako ng kusina dahil gagawa ako ng almusal mo." paalam ko at tumango si Johnson.Katatapos ko lang gumawa ng lugaw nang biglang may kumatok nang malakas sa gate at sumisigaw pa.

"Paps, kausapin mo ako!" narinig ko ang sigaw ni Ford. Kanina pa siya sumisigaw at nagmamakaawa na kakausapin siya ni Johnson.Lumabas ako ng bahay at lumabas ako ng gate para kausapin si Ford.

"Hoy! Ba't ka nanggugulo dito?" tanong ko

"Gerald, kakausapin ko lang naman si Johnson." sagot ni Ford

"Hoy! Ayaw ka niyang kausapin dahil ginahasa mo raw siya!" sabi ko at sinuntok ako ni Ford sa mukha.

"Excuse me, gusto niya na paligayahin ko siya at nasarapan naman siya sa ginawa ko. Bakit? Naiinggit ka ba?" tugon ni Ford at sinuntok ko rin siya sa mukha.

Nagsuntukan kaming dalawa ni Ford sa daan at biglang nagkagulo ang mga tao. Para silang nanonood ng pelikula habang nagsuntukan kami. Nahinto ang away namin nang umawat ang mga barangay tanod. Buti nga lang at hindi ako nakita ng mga magulang ko and sigurado akong lagot ako.

(Johnson's POV)

Pumasok si Gian sa kuwarto na may dalang lugaw.

"Nasaan ang kuya mo?" tanong ko

"Nasa barangay hall." sagot ni Gian. Inilagay niya sa lamisita ang lugaw at umupo siya sa sahig. Biglang masama ang kutob ko sa sinabi niya.

"Bakit?" tanong ko at dahan-dahan akong bumangon sa kama.

"Pumunta kasi ang jowa mo dito para kausapin ka sana kaso lang nag-away silang dalawa nang dahil sa'yo." sagot ni Gian

"Nagsuntukan ba sila?" tanong ko at tumango si Gian

Nang tinignan ko ang cellphone ko ay nagulat ako dahil nag-text pala sa akin sina mama, Tito Randy [papa ni Rachel], at kuya.

From: Mama09******1*2

Anak, balita ko nasa bahay ka raw nina Gerald. Hindi ka ba nadamay sa suntukan nila ng friend mo?

From: Tito Randy09******9*5

Pamangkin, sabi ni Rachel sa akin na nasa bahay ka ngayon ni Gerald. Nag-aalala na ang mama mo pati na mga kapatid mo.

From: Kuya Jacob09*****2*6

Johnson, may narinig akong tsismis kanina. Totoo ba na di ka na virgin dahil nag-aanuhan kayo ni Ford?

Hindi ko na sila sinagot baka pagagalitan pa nila ako. Kinabahan ako baka malaman ng mama ko ang totoo na hindi ako straight katulad ni papa.

(Rachel's POV)

Pumunta ako sa bahay ni Gerald kasama si Hansel para tignan ang kalagayan ni Johnson dahil natataranta na kami baka alam na ni Tita Sharon [mama ni Johnson] ang secret ni Johnson. Dahil nakasarado ang pinto ng kuwarto ni Gerald ay kumatok muna ako.

*knock-knock*

"Pasok!" sigaw ni Gian at binuksan ko ang pinto.

Katatapos lang ni Johnson ng kanyang almusal nang pumasok kami sa loob ng kuwarto ni Gerald. 

Breathe With Me (COMPLETED) ✔Where stories live. Discover now