CHAPTER 9

23 6 0
                                    

(Johnson's POV)

3 days later...

*START OF CONVO*
Johnson: Hello! Ba't napatawag ka?
Michael: Sabi ni insan Ford na pumunta ka raw dito sa hotel.
Johnson: Anong gagawin ko diyan? Bakit niya ako pinapunta?
Michael: Walang sinabi sa akin si insan.
Johnson: Sigurado ka?
Michael: Oo, wala talagang sinabi si insan.
Johnson: Sige, pupunta na ako diyan.
Michael: Ok, bye! Enjoy your day!

Si Michael ay pinsan ni Ford pero hindi namin siya kaklase noon sa campus namin dahil magkaiba kami ng school. Nakikita ko siya minsan sa bahay nina Ford kapag bumisita siya kaya matagal na niya akong kilala.

Pumunta ako sa hotel na sinasabi ni Michael at nagulat ako nang pagpasok ko ng hotel ay may nagtakip sa mga mata mo ng panyo.

"Hoy, sino ka? Bakit ako naka-blindfold?" tanong ko

"Johnson, si Michael 'to. Inutusan lang ako ng baby mo." sagot ni Michael habang itinali niya ang panyo.

"Di ba sinabi mo kanina na i-message mo sa akin ang room number ni Ford?" tanong ko habang nagtataka.

"Pinagbawalan kasi ako ni insan." sagot ni Michael

Inalalayan niya akong maglakad habang naka-blindfold ako. Muntik na sana akong madulas habang umaakyat ako sa hagdan.

"Johnson, dahan-dahan lang!" saad ni Michael

"Sorry!" sabi ko

"Sa third floor pa tayo pupunta." sabi ni Michael

Nang makarating na kami ng third floor ay huminto kami sa paglalakad at tinanggal na ni Michael ang panyo na nakatakip sa mga mata ko. Pagkatapos niyang tanggalin ang blindfold ay di ko namalayan na umalis na pala siya na parang multo.

"49" binasa ko ang room number na nakadikit sa pinto.

Binuksan ko ang pinto ng sinasabing hotel room ni Ford at namangha ako sa decoration ng isinabit sa pader. May mga litrato ko na nakasabit sa banderitas. May mga nakasabit din na Christmas lights kahit na hindi pa araw ng Pasko. Napangiti ako dahil nag-effort pa talaga si Ford para sa akin.

"Hay naku, Ford! Ang galing mo talaga mag-effort para sa akin." kinausap ko ang sarili ko.

Biglang tumibok ang puso ko nang pinatugtug ang isang kanta na mesyo pamilyar sa akin pero masyado ko nang nakalimutan ang title.

🎵 Akala ko mapapansin ang iyong pagtingin
Nabaling pa sa iba ang 'yong damdamin
Kung saan-saan nakarating
Makita lang ang isang para sa akin 🎵

Nagulat ako nang biglang may yumakap sa likuran ko at nagustuhan ko ang pagyakap niya sa akin.

🎵 Kailan kita mamahalin?
Kailan ako iibigin?
Nanabik na puso ay dinggin? 🎵

"Ba't mo alam ang title ng favorite song ko?" tanong ko

"Nagkataon lang siguro pero to be honest, sa'yo talaga naka-dedicate ang kanta na pinatugtog ko." sagot ni Ford

🎵 Naghahanap, naghihintay ako
Nananalangin ang puso ko
Umaasa pa rin ako
Naghahanap, naghihintay ako
Nananalangin ang puso ko
Umaasa pa rin ako 🎵

Kinuha ko ang isang litrato na nakasabit sa banderitas na nakadit sa pader. Bigla akong natawa nang tinignan ko ang stolen shot ko sa ilalim ng puno ng acacia sa campus namin noon.

"Sino ba ang nag-picture nito sa akin?" tanong ko habang tinignan ang litrato.

"Inutusan ko si Lyndon na kunan ka ng litrato sa cellphone ko dahil nahuli ka niya na nakatitig sa akin. Di kita pinansin noon kapag tinititigan mo ako baka magalit ka sa akin." bulong ni Ford

Breathe With Me (COMPLETED) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon