VALENTINE'S SPECIAL

319 12 0
                                    

VALENTINES SPECIAL
Prineson Monte Amis



Dear Prine,
                   Hey Love! I'm Writing this letter because I want to do something special for you. Thank you for your love and patience. Thank you for your cheer up and smiles. You always inspired me to walk on my favorite path.

Happy hearts day! Thank you for coming into my life. I always appreciate you and your kind and simple gestures. You made me the happiest girl alive. I love you always!

Love, Serene


I smiled after reading the letter she sent me. I grabbed my phone and texted her.

Ako:
I received your letter, thank you, Love.

She immediately replied to me.

Serene:
Always, see you later!

I smiled and kept my phone. Muli kong binasa ang letter niya para sa ‘kin, kulang na lang ay sauluhin ko na.

“Prine, you’re going out with Serene today right?” Pumasok siya sa kwarto ko.

“Yes Mom, why?” Lumapad ang ngisi niya. Agad siyang umupo sa kama ko kaya bumangon ako. Mukhang mas excited pa siya sa ‘kin.

“Did you plan everything? Where are you going to bring her?” Kumunot ang noo ko.

“Mom, a-ah. . .” Hindi ko alam paano sasabihin sa kanya. I’m sure she won’t like my idea. Hindi rin naman siya ang isasama ko roon kaya ayos lang.

“Oh, gosh. Don’t tell me you don’t have any plan where to date her? I know a lot of expensive restaurants, Son. I’m sure we can make a reservation. Did you prepare a cake or wine? Music perhaps?” Nataranta siya. Nasapo ko ang noo at agad na napailing.

“No, Mom. . . I have other plans,” I said. Not as expensive as what she’s thinking. But I know she will like it.

“What is it? Which restaurant?” she asked. Medyo kumalma na.

“It’s not a restaurant.” I don’t know how to tell her. “Mom, let me handle this. Ako na po ang bahala rito.” She sighed, mukhang napagtanto niya na wala siyang magagawa para sa plano ko.

“Okay fine, I have a gift for Serene, give it to her okay?” Tumango ako at hinayaan siyang umalis. Napabuntonghininga naman ako nang makaalis na siya.

Nang dumating ang oras ay naghanda na ‘ko. I also checked the people I called to help me and they said that everything was good already.

Binuksan ko ang aking drawer at kinuha ang kulay pula na box doon. I put it on my pocket before going out.

I drove my car to their mansion. Nagpaalam ako saglit kina Tito at Tita na lalabas kaming dalawa.

“You looked good today,” I said nang makasakay na siya sa sasakyan ko. Lumapit ako sa kanya at mas lalo ko pang naamoy ang matamis niyang pabango. I fixed her seatbelt before driving to where we’re going.

“Saan tayo?” Hindi ko sinagot ang tanong niya. “So, it’s a surprise,” aniya nang hindi makatanggap ng sagot mula sa ‘kin.

Ngumisi ako at kinuha ang kamay niya. I kissed the back of her palm and intertwined our fingers together. Hindi ako nagkamali nang makita ang engagement ring namin sa daliri niya.

Binaba ko ang kamay naming dalawa ngunit hindi ko ito binitiwan. I played the ring on her finger with mine. Ngayon ko lang napansin na medyo maluwag ito sa daliri niya.

It was a short drive, malapit lang kasi ang pupuntahan namin.

“Lupa n’yo ‘to hindi ba?” she asked. Tumango ako at inakay siya paakyat sa hagdan.

“How did you know?” tanong ko pabalik.

“Nakapunta na ‘ko rito before, noong nagkaroon ng polo event dito.” She’s right, minsan nga ay rito dinadaos ang polo events.

Sa taas ng hagdan ay naghihintay ang isang golf cart na pinahanda ko. She smiled sweetly at me, probably she’s thinking na pinaghandaan ko talaga ang araw na ‘to. She’s right though.

I held her hand, tinulungan ko siya na makasakay sa golf cart bago ako umikot para sa kabilang seat.

“This is fresh and nice,” she said while looking around. She’s really pretty with her peach flowy dress, simple make-up, and high ponytailed hair. 

Pinaandar ko ang golf cart, siya naman ay naging abala na sa pagtingin sa paligid. Malawak ang bermuda field, sa malayong mga gilid ay nakahelira ang puno ng mangga. It’s our family’s private property.

“What‘s that?” turo niya sa lumilipad na tela sa malayo. That’s my surprise for her.

“You’ll see kapag nakalapit na tayo.” Her eyes were full of adoration, mukhang excited na talaga siya. Binilisan ko nang kaonti ang pagpapatakbo sa golf cart. Nang makarating sa dulo ay agad kaming bumaba.

“Is that a fishball cart?” excited na aniya. Tinuro niya ang cart na napapalibutan ng kulay pulang lobo at puting tela. Ang tela ay sumasayaw dahil sa ihip ng hangin.

“Yes.”

“Oh, my! Prine!” Ngumiti siya at agad na bumaba. Nagmamadali siyang pumunta sa cart ng fishball para tingnan kung ano ang mga naroon.  Sumunod ako sa kanya at agad na pumwesto sa usual pwesto ng mga vendor.

“Fishball vendor ka ngayon?” nakangising aniya. Tumawa ako at kinuha ang boquet na nasa cart.

“Thank you,” she said sweetly.

“Now, what do you want to eat?”

“Pwede tikman ko lahat?” Kinagat niya ang ibabang labi at pinasadahan ng tingin ang paligid. There are picnic tables and chairs around.

“Sure, isang halik limang fishball,” I offered. Natatawa naman siyang umiling.

“Ang mahal naman!” reklamo niya.

“Eh? Mahal pa ‘yon sa ‘yo?” Inirapan niya ‘ko kaya natawa ulit ako. “Kidding.” Nagsimula na ‘kong mag prito ng fishball at kikiam para sa kanya.

“Thank you, Prine!” she said. Binitiwan niya ang cup ng fish balls at humilig sa ‘king braso. Pareho naming tinatanaw ang naglalakihang bundok sa malayo habang nakaupo sa mantel.

“Welcome,” I kiss the side of her lips. Agad naman siyang pinamulahan ng pisngi. Humalakhak ako at kinuha ang kamay niya.

Saglit kong nilaro ang kanyang daliri bago nagpasya sa gagawin. Kinuha ko ang singsing na nasa kanyang daliri. I saw her panicked, napabangon siya sa  pagkakahilig sa ‘kin. Bago pa siya makapagsalita ay tinapon ko na ang singsing.

“Prine!” she shouted. Gulat na gulat sa ginawa ko. “Why did you throw the ring?”

Nilabas ko ang kaheta na nasa ‘king bulsa. I showed it to her and I saw how her jaw dropped. Binuksan ko ang kaheta at ipinakita ang dala ko na bagong singsing.

“Everything started with a fix marriage, Serene. I don't want it that way ‘cause it sounds like force was done to bind us together.”

“Prine,” naiiyak na aniya. Ngumiti ako at sinilid sa kanyang daliri ang singsing. Kasyang-kasya ito.

“Gusto kong isuot mo ang engagement ring na bigay ko. Hindi ‘yong ibinigay ng parents natin,” I said and wiped her tears. Pinagmasdan niya ang bato sa kanyang bagong singsing. “Happy valentines day.”

“Happy valentines day,” naiiyak na aniya. Pinalis niya ang luha at marahang sinuntok ang braso ko. I saw the panic on her eyes. “But still! Hindi mo pwedeng basta na lang itapon ang singsing na ‘yon! Mahal ‘yon, malalagot tayo kay Mommy! Hanapin natin ‘yon Prine, saan mo binato?” I closed my eyes and sighed.

Dang! She’s so cute.

_________
Happy Valentine's Day my love!
Sending love to you all.

ヾ(˙❥˙)ノ

Fix Marriage With My Enemy (Love Academy Series #2)Where stories live. Discover now