CHAPTER 06

506 21 0
                                    

CHAPTER 06 | Thief |

I woke up early for the Saturday, kahit walang pasok maaga pa rin akong nagigising. I stretched my body and lean to get my phone on my bedside table.

I opened my Facebook App and scroll on my feed. Nakita ko pa ang isang patama post ni Lian na agad kong tinawanan.

Lish Anya Gui:

“Gano'n na lang 'yon! Pagkatapos ng lahat ayon lang?”

Sinong kaaway nito? Ex na naman niyang hindi na nagpapakita? Pati si Mae ay nag-comment din kaya I did the same.

Mara Elaisle Avilla:

Kaya nga!

Rona Serene Norriente:

May pinaghuhugotan ba kayong dalawa? @Mara Elaisle @Lish Anya

I continued scrolling on my feed, bigla akong napasinghap nang dumaan ang friend suggestions ko. My jaw drop when I saw his new profile picture.

Prineson Monte Amis

I opened his profile, I smirked to myself when I realize how my stalking mode turns on. The last time I stalk him, 'yung tinulongan niya ako sa bathroom ay hindi pa ito ang profile picture niya.

Ngayon naman ay naka-suot siya ng grey na suit while holding a champagne on his right hand, nasa right angle niya rin ang camera.

"Gwapo sana, ang sungit nga lang!" Naalala ko na naman ang embarrassment na natamo ko sa cafeteria.

"Did he really throw my hanky? Sayang naman 'yon, mahal din ang panyong 'yon, ah! That was channel for Pete's Sake!" Actually, I don't mind kung hindi niya isauli ang panyo ko. He's right, I have lots of it and I can afford buying hundreds of it. Kaso ang malamang itinapon niya lang iyon, nakakapanlumo.

Bakit ka naman manlulumo Rose? It's just a hanky!

Am I sad kasi hindi niya binigyan ng value ang binigay ko?

"Oh, geez!" Pinilig ko ang ulo dahil may giyera na sa loob ng utak ko. Nang makita ko ang add friend icon, hindi ko alam pero natigilan ako.

Should I add him as a friend? Magkakilala naman na kami kaya sige, I added him as a friend. Sana lang marunong mag-confirm ang lalaking ito.

After scrolling on my feed, tumayo na ako at naghilamos. I did my usual morning rituals bago nagpasiyang bumaba sa kusina para hindi na ako dalhan ng pagkain ni Tine sa kwarto.

Nagulat pa ako nang marinig ang boses ni Mommy. Parang once in a blue moon lang kasi na marinig ko ang boses niya ng ganito kaaga.

"Pinapakain kita sa pamamahay na 'to pagkatapos 'yon ang gagawin mo sa 'kin! You're a thief!" Nangunot ang noo ko nang marinig ang galit na boses ni Mommy.

Nagmamadali kong tinungo ang kusina, nanlaki na lang ang mga mata ko nang makitang nakaluhod at umiiyak na si Tine sa harap ni Mommy. Nagmamadali akong tumakbo, lumuhod at dinaluhan si Tine. I don't care anymore if I lost my proper ettiquetes in front of my mom.

"What are you doing Serene!" Bahagya pa akong napatalon sa sigaw niya, tila ba nabaling niya ang galit sa 'kin. Nang makita niya ang gulat ko ay ikinalma niya ang sarili, my mom don't shout at me, mukhang nagulat lang talaga siya sa biglang pagsulpot ko. "What are you doing Serene," mas kalmadong aniya.

"Mom, What happened?" Sinubukan kong itayo ang umiiyak na si Tine pero hindi ko siya mahila kaya nanatali ako sa tabi niyang nakaluhod.

Nilingon ni Mommy and dinning table na para bang nandoon ang sagot. My jaw dropped when I saw the necklace I gave Tine. Agad kong nahulaan ang nangyayari.

"That poor maid stole your necklace Serene! I didn't raise a thief on this house." May kumirot sa dibdib ko sa sinabi ni mommy.

"Mom, Tine didn't stole it," I said. She picked up the necklace and show it in front of my face.

"Then how can you explain this? This is the evidence Serene, darling!" she said with arrogance, tiningnan ko ang kaawa-awang si Tine. Napapikit na lang ako nang mariin, I felt guilty, this is my fault.

"Mom, I gave it to Tine, she didn't stole itand she can't do that." Napaawang ang labi ni mommy. Ang ibang kasambahay ay tahimik na nagmamasid sa 'min, the pain and awe for Tine was reflected in their eyes.

Bumuntonghininga si mommy at nagkibit ng balikat. "Whatever, nagsayang lang ako ng oras. Grecel take my bag aalis na tayo." Tumayo ako at nakipag-beso kay mommy. 

"Next time darlingz bawas-bawasan mo ang pagiging kind, baka abusuhin ka." Muli pang pinasadahan ng tingin ni mommy si Tine bago naglakad paalis. Sa paraan ng tingin niya, para bang hindi na magbabago ang impression niya sa kaibigan ko.

Tiningnan ko si Tine. Kinuha ko ang kuwintas at lumuhod ulit sa harap niya. If I have a hanky I will give her one, kaso wala ako. My mother is so cruel to her, naaawa ako sa kanya.

"I'm sorry Tine, my mommy didn't know." Umiyak lang siya at umiling, namamaga na ang mga mata niya.

I held her hand and pressed it warmly, pagkatapos ay ibinigay ko ulit sa kanya ang kuwintas.

"Tumayo ka na, wala na si, mommy." Dahan-dahan siyang tumayo, tipid akong napangiti nang hayaan niya akong tulongan siya sa pagtayo.

"I'm really, really sorry," I said sincerely.

"H'wag na po kayong mag-sorry Ma'am, ang mahalaga po hindi ako natanggal sa trabaho."

"I won't let that, lalo na't wala ka namang masamang ginawa." Saglit pa akong natulala sa sinabi niya.

Si Tine, scholar siya sa Love Academy, ang pamilaya ko rin ang nagpapasok sa kanya roon, balita ko ay may sakit ang mama niya kaya siya muna ang nagtatrabaho para sa kanila ngayon.

How does it feel kaya na paghirapan ang isang bagay para makuha? Ako kasi nakukuha ko agad kahit anong gustohin ko.

I spent my Sunday boringly like the usual, masaya lang talaga ako t'wing school days na.

Natigilan ako sa harap ng salamin nang makita ang kwentas na may pendant na plastic na singsing. Ngumuso ako at naisip na idagdag 'yon sa mga key chains na nakasabit sa bag ko.

The plastic ring seems weird, but it seems clever. Sa lahat ng key chains na nakasabit sa bag ko, ang plastic ring lang ang pinaka-kakaiba at. . . cheap.

Hawak ko ang dalawang straps ng bag habang paakyat ako sa third floor kung nasaan ang room namin. Natigilan lang ako sa paghakbang nang makita ko kung sino ang pababang makakasalubong ko.

It's Prine again! Sa t'wing nakikita ko siya 'di ko mapigilang e-compliment siya, ang guwapo talaga. Nagulat ako nang tumigil din siya, my heart dropped when his gaze suddenly met mine. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan.

Nakatayo lang kami sa gitna ng hagdan, nagtititigan. Apat na baitang ng hagdanan ang layo namin sa isa't-isa pero kung makatitig siya ay akala mo'y kakainin niya ako.

I don't know but I suddenly wish na bumuka ang lupa at kainin na lang ako. Hindi pa rin ako nakaka-move on sa pagkapahiya ko sa kanya sa cafeteria.

Nakita ko ang dahan-dahang paglipat ng tingin niya mula sa mukha ko papunta sa gilid ko. Nang sundan ko ang line of visions niya, nakita kong nakatingin siya sa mga keychains ko!

Nakita ko ang pag-irap niya, pagkatapos ay ang pagbalik niya ng tingin sa 'kin.

"Oh si, Serene, oh!" Napalingon ako sa likod ko nang makita ang mga kaibigan ni Tine. Si Arche.

"Impakta talaga. . ." Umiling ako at nagsimula nang humakbang paakyat, hindi ko na ulit tiningnan si Prine.

Why did I stop anyway?


Yanna Hearts
Comment/Vote/Follow :L♥️

For more updates!

Follow me on Facebook:
Yanna Yanyan Hearts

Like My Page:
Yanna Hearts WP -Ayanna_lhi

Follow Me on Twitter:
@Ayanna_lhi

Fix Marriage With My Enemy (Love Academy Series #2)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt