CHAPTER 12

440 18 0
                                    

CHAPTER 12 |Bothered|

Wala nang sumagot kaya sigurado na akong naka-alis na 'yung babaeng tinawag na Lorra ni Prine. But I can still hear running water from the faucet, I'm sure naghuhugas siya ng kamay.

I bit my lower lip, bakit ba kasi ako tumakbo? Napangiwi ako nang maramdaman ang panaka-nakang pagsakit ng puson ko, agad akong napahawak doon.

I heard Prine's foot steps, pagkatapos ay narinig ko ang pagbukas ng pinto sa kabilang cubicle.

It seems like walang ibang tao sa loob ng bathroom na 'to bukod sa 'ming dalawa. My eyes widened when I heard the sound of Prine's urine.

Hindi ko alam pero na-realize ko sa sariling nakakahiya ako! Pakiramdam ko ay may kumikiliti sa tiyan ko pataas sa dibdib ko, bigla ay parang gusto kong sumigaw. Pinilig ko ang ulo nang magsimulang mag-imagine ang utak ko sa kung ano’ng ginagawa ni Prine sa kabila.

Umiinit ang pisngi ko, gosh! Ano ba 'tong ginagawa mo Serene! Ang tunog ng pag-ihi niya ay rinig na rinig ng tainga ko! Gulay naman kasi, eh!

I heard the flashing of the toilet when he's already done peeing. Next time nga ipapa-suggest ko na gawing sound proof ang cubicles. Wait, pwede ba 'yon?

Narinig ko ulit ang foot steps niya at ang pagbukas ng gripo ulit. Makakahinga na sana ako nang maluwag kung hindi lang biglang nag-ring ang cellphone ko sa bag!

~Oh, oh pag-ibig! Oh, oh pag-ibig, bakit ganito ang nada~

Natataranta kong kinuha sa bag ang cellphone ko at agad na pinatay ang tawag ni Lian. Pakiramdam ko ay sasabog na ang puso ko sa kaba. Hindi pwedeng malaman ni Prine na nandito ako!

Oh, gosh! Go with your senses Rose! Relax okay?

Hindi malalaman ni Prine na nandito ka, nasa loob ka ng cubicle remember?

"May tao pala d'yan? Para ka namang multo." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Muling nag-ring ang cellphone ko, bago pa man nito kantahin ang ringtone ko ay agad ko ng sinagot si Lian.

"Hello Rose, nasaan ka na?" Hindi ko alam paano sasagotin si Lian sa sitwasyong ito. Napailing ako nang may maisip na idea.

"Yow, Rose? Lily? Orchid?" Pangungulit niya sa kabilang linya. Aish, bahala na nga!

"Yow!" Huminga ako nang malalim tinapangan ko at nilakihan ang boses. Nagpaboses-boses lalaki ako!

"Huh? Ano trip mo, Rose?" Ani Lian, hindi ko siya pinansin. Narinig ko ang pagsarado ng gripo at ang pagbukas ng pinto. Saka lang ako nakahinga nang maluwag.

"Omay Lian!" Nanghihina kong sinandal ang ulo sa pinto ng cubicle. Ano ba kasi 'tong pinasok ko?

"Hoy ano nangyayari sa ’yo d'yan? Ayos ka lang ba? Ay Clark!" Napatingin ako sa screen ng cellphone ko. "Nanggugulat ka naman eh," ani Lian. Sino kausap nito?

Pinatay ko muna ang tawag at inuna muna ang paglabas sa comfort room ng mga boys. Mabuti na lang talaga at wala pang pumapasok.

Nagmamadali akong lumabas nang manlaki ang mga mata ko nang may makasalubong akong lalaki na papasok din sana sa bathroom. Gulat din siya at hulog ang panga nang makita ako.

"Ah, hehe namali ako nang p-pasok, boys pala 'yan,” defensive kong palusot. Tumango ako at nagpatuloy sa paglalakad. "Ano ba 'yan? Ba't kasi 'di ako nakasalamin?" bulong-bulong ko kuno sa sarili.

Nang makita ang lalaki na pumasok na sa comfort room ay nakahinga ako nang maluwag, siguro naman ay naniwala sa 'kin 'yon?

"Ay naniwala!" Napatilhi ako nang bigla akong may mabangga, hindi kasi ako nakatingin sa harapan, tinitingnan ko 'yung lalaking kapapasok lang sa comfort room. "Sorry—"  My jaw immediately dropped when I realized who I bumped into. It's Prine!

Fix Marriage With My Enemy (Love Academy Series #2)Where stories live. Discover now