CHAPTER 33

429 15 6
                                    

CHAPTER 33 | Run |

Kahit late at halos hindi na kami matulog ng mga kaibigan ko ay maaga pa rin akong gumising. Bumaba ako sa kusina at tinulongan si Kuya Mike, ang kapatid ni Mae na nagluluto roon.

"Salamat talaga sa pagpapatira sa 'kin Kuya," I said while helping him. His thick eyebrows furrowed, pinaningkitan niya 'ko ng mga singkit niyang mata gaya ng kay Mae.

"Ano ka ba Serene, kanina ka pa pasalamat at sorry. Ayos lang 'no! Para na rin kitang nakababatang kapatid, kayo ni Lian." I smiled warmly at him. Kuya Mike is righ,  para ko na rin siyang kuya.

Saktong pagkatapos naming mag-breakfast ay dumating si Prine. He's wearing a black pants, black jacket, and a cap, still. . . he looks good.

"So ano’ng plano natin?" si Lian nang mag-usap kami ng mga hakbang na gagawin. Nagkatinginan kami ng katabi kong si Prine. His serious eyes are peircing through me.

"I'm sure malalaman ni Tita Laura at pagtatakhan niya ang sabay na pag-absent natin ngayon Lian. She'll immediately conclude na tinatago natin si Rose. Baka mamaya lang ay sumugod na 'yon dito." Tumango ako sa sinabi ni Mae.

"Kayo ano’ng plano n’yo?" Kuya Mike looked at the two of us. Prine sighed kaya naman lahat kami ay napatingin sa kanya.

"We're doing this for them to realize how we grow up and to show them that we can decide on our own. Tatakas kami, kahit saan mapunta basta huwag lang nila kaming mahuli sa araw ng engagement party. That engagement will prison the two of us in any circumstances. Ayokong may magawa sila para mas lalong higpitan ang taling inilagay nila sa 'min para hindi maging malaya. Kaya sana talaga ay ma-realize nila ang pagkakamali nila." 

Hindi ko alam ang mararamdaman sa sinabi ni Prine. Basta alam ko, pareho kami nang nais gawin at pareho kami ng nararamdaman.

"Then you have to endure five days running away from them," si Mae.

Lian sighed, "Sigurado na ba 'to? Ako ang kinakabahan sa inyo, eh?" Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa 'min ni Prine. "I don't know but, I felt like something bad will happen." I saw how her eyes glittered. Agad namang hinawakan ni Mae ang kamay niya.

"Walang mangyayari kung hindi sila lalaban Lian," Mae said to her.

"Don't worry about us, don't worry about me. I'll be brave," I assure them.

"I know you are Rose, please stay safe. Prine, alagaan mo ang kaibigan ko." Napatingin ako kay Prine nang dahan-dahan siyang tumango kay Lian.

My heart thumped when he suddenly held my hand and squeeze it tight. "I'll take care of her," he said. Pagkatapos ay hindi na niya binitiwan ang kamay ko, na-distract tuloy ako roon.

Lahat kami ay napatingin kay Lian nang mag-ring ang cellphone niya. "Excuse me, tumatawag si Daddy," aniya bago naglakad papalayo.

"Ano!" Agad kaming naalarma sa sigaw niya. Sa gulat ay lahat kami napatayo at inabangan ang pagbaba niya sa telepono.

"Sige po, sabihin n’yo po wala. But Sad! Sige, ibababa ko na 'to. Okay po."
Pagkatapos niyang makipag-usap sa daddy niya ay hinarap niya kami.

"Guys, Mae is right. Pumunta raw si, Tita Laura sa bahay namin. It's not good to stay here anymore, I'm sure sunod na pupuntahan nila ay dito na."

"Rose, pack your things!" Lahat kami ay na-alarma na at nag-panic. "Lian, kunin mo number ni Prine at ibigay mo ang number natin. Sasamahan ko si, Rose sa taas." Tumango ako at agad na umakyat sa kwarto ni Mae kung nasaan ang mga gamit ko.

Fix Marriage With My Enemy (Love Academy Series #2)Where stories live. Discover now