CHAPTER 15

462 19 0
                                    

CHAPTER 15 | Number |

I broke down, it always happened kapag masyado ko ng dama ang pressure ng pagiging Norriente. Kapag ganito, lagi ang takbuhan ko ay ang mga kaibigan.

Kahit gabi na ay pumayag pa rin silang makipag-kita sa 'kin, they even brought their things para dito na matulog at para sabay na kaming pumasok bukas.

They knew about my struggles, about my family, and about that stupid engagement with someone I don't know. Kapag hindi ko na kaya ang bigat na nararamdaman sila lagi ang sumbongan ko. Having Lian and Mae by my side is the best thing I had in this world.

Sila 'yung kaibigan na hindi ka iiwan, I know they also had their fair share of struggles, si Lian sa Ex niya, si Mae sa family niya, pero hindi sila maramot magbigay at mag-comfort. Very unlikely to my family, minsan talaga mas dama mo pa ang concern ng ibang tao kaysa sa sarili mong family.

Mae gently tapped my back as she comfort me, nandito na kami ngayon sa kwarto ko. I told mommy na may gagawin kaming projects, kahit hindi ako mag-rason papayag naman siya na mag-sleep over dito ang mga kaibigan ko.

"Tahan na okay?" si Lian na ngayon ay  ipinapahiram ang balikat niya sa 'kin. Umayos ako ng upo at pinunasan ang luha, katatapos ko lang sabihin sa kanila ang mga nararamdaman ko.

"Don't worry guys, I'm fine, I'll be fine," I told them para hindi na sila mag-alala. "It's just I felt unloved, feeling ko mas mahal pa nila ang kompanya nila sa 'kin." Tumingala ako dahil naiiyak na naman ako.

"Minsan talaga may mga bagay na ginagawa ng mga parents natin na hindi natin maintindihan. Hindi man natin maintindihan pero ginagawa nila 'yon para sa ikabubuti natin." Inisip ko ang sinabi ni Lian. Makabubuti ba ito sa 'kin? To take away my freedom? It sucks!

"I guess not, not all." Natahimik kami nang magsalita si Mae. Ibang-iba ang pananaw niya sa pamilya kompara sa 'ming dalawa ni Lian.

"Sad to say pero iba na ang panahon ngayon. Iba na ang klase ng generation natin ngayon. Maybe we all want the traditional teenager lalo na't we are a country who value culture. Pero hindi natin mapipigilan ang pagbabago, nagbabago ang nakasanayan, nagbabago ang pinapaniwalaan." Hindi ko maintindihan si Mae pero pinagpatuloy namin ang pakikinig.

"We all believe that parents are always right, we all believe na sila dapat ang sinusunod. Yes it should! Pero hindi lahat Rose, lahat tayo binigyan ng kalayaan at karapatang pumili. Hindi porquet magulang sila, tama na sila, hindi porquet matanda at mas may alam sila sa mundo ay tama na sila. They may be older, wiser and have more experience than our age, pero hindi nila masasabi kung ano ang tama at nararapat para sa isang tao, kung ano ang dapat para sa isang tao. Hindi sa lahat ng bagay dapat sunod-sunoran lang tayo, may mga pagkakataon na kailangan din nating tumayo sa sarili nating mga paa at gawin ang mga bagay na gusto natin para sa sarili. We own ourselves, then it's just right that we decide for ourselves." I saw the glint of anger in Mae's eyes. I understand her, alam ko kung gaano kalalim ang pinanghuhugotan niya.

Mae has a point, para sa 'kin hindi tama 'tong ginagawa ni mommy sa 'kin. Hindi tama ang fix marriage na 'to para sa 'kin.

Pero ano nga ba ang magagawa ko? I'm just Rona Serene who knew nothing in this world.

"You can always fight you know, you can always voice out and shout what you feel to them," tulalang ani Mae. Nang tingnan ko si Lian ay tahimik lang siya.

"May plano na ako." Napabaling ako kay Lian nang seryuso siyang magsalita.

"What is it?" I said with hope.

"Mag-hire tayo ng lalaki ta's pagpanggapin mong boyfriend sa harap ng parents mo. Kapag ayaw talaga makipag-tanan ka ta's doon ka tumira sa bahay namin sa probinsiya." Napabuntonghininga ako, akala ko naman ano na ang plano niya.

"Ano ka? Nasa teleserye!" singhal ni Mae. Sa huli ay nagtawanan na lang kami.

That night conversation with them helps a lot. Mas lalo lang tumibay sa isipan ko na kailangan ko na nga talagang bumuo ng plano para matigil ang kahibangang ito.

Kung hindi man ako magtagumpay sa gagawin, at least I can say that, I tried.

Wednesday nang magbunotan kami ng number para sa Music Fest. Nanlamig ang mukha ko nang makita ang numero ko. Number twenty-eight, it means fifteen ng Thursday ako kakanta. Hindi naman siya unang-una talaga pero nanlumo ako nang makitang Friday pa kakanta ang dalawa kong kaibigan.

Kay Lian ay number seventy-eight, si Mae naman ay number ninety.

"Ayos lang 'yan Babe, susuportahan ka naman namin, eh!" Ngumisi si Lian.

"Yes, Darling gusto mo magpagawa pa kami ng karatola, eh!" segunda naman ni Mae, ayan na naman sila sa pagtawag sa 'kin ng kung ano-anong endearments.

"I can do this!" I cheered myself.

Kakagaling lang namin sa baba dahil break, bukas na ang simula ng Music Fest kaya naman kinakabahan na ako. I already texted mom na bukas na ako kakanta, I'm sure she received it pero hindi pa siya nag-re-reply.

Nahuli ako sa paglalakad sa hallway papunta sa room namin, sina Lian at Mae ay magka-akbay na naglalakad sa unahan ko, may pinag-uusapan sila tungkol sa project namin. Dahil space out ako hindi ako makasabay sa kanila.

Napabaling ako sa tabi ko nang makita sa peripheral vision ko na may sumabay sa 'kin sa paglalakad. My eyes widened when I saw Prine's serious face. His jaw clenched when he felt my stare at him, bumaling siya sa 'kin kaya ako naman ang umiwas.

Kinabahan agad ako dahil sinasabayan niya ang pacing ng lakad ko na para bang magkasama kaming naglalakad kahit nagkasabay lang naman kami.

"P-prine," hindi ko na napigilang batiin siya. Tiningnan niya lang ako pero hindi na siya sumagot. "G-goodluck nga pala sa Music Fest, anong number ka?" I asked him, yumuko ako. I'm sure my face is as read as tomato because of its heating.

I know where their classroom is, tatlong classroom ang distansiya mula sa room namin bago makarating sa room nila. Malapit lang sa common bathroom ang room nila.

"Tss," aniya. Nang tingnan ko si Lian at Mae ay pareho na rin silang nakabaling sa 'kin. Agad akong kinabahan dahil pinanliitan ako ng mata ni, Lian.

"Number twenty-eight nga pala ako," ani ko sa kanya. Nagsisi agad ako bakit ko sinabi, bakit ko nga ba sinabi? Trying hard to strike a conversation? Normal lang naman siguro 'yon, we had a few interactions, he saved me a lot of times kaya may dahilan ako para makipag-usap sa kanya.

"Share mo lang," napangaga ako sa sagot niya. Huli pa ang tawa ko, huli ko na na-realize na joke pala 'yon.

"A-haha!" Para akong kambing kung tumawa! "Seryuso nga, anong number ka?" Hindi ko alam saan ako kumuha ng lakas ng loob para kausapin siya gayong marami ang nakatingin sa 'kin.

"Bakit papanoorin mo 'ko? Papalakpakan?" My jaw drop of what he said. He's so full of himself kaya hindi ko alam bakit hindi ko makuhang ma-turn off. Napakurap-kurap pa ako sa sinabi niya.

Papanoorin ko naman talaga siya, pero nakakahiyang umamin.

He chuckled at my reaction.

"Number twenty-one," aniya bago binilisan ang lakad para iwan ako. Sakto rin namang nasa tapat na ako ng room ko.

Ang puso ko, parang lalabas na sa kaba.

"Ikaw'ng bruha ka! Crush mo 'yon 'no?" Pabirong hinila ni Lian ang  buhok ko.

Agad naman akong umiling, "hindi ah!" tanggi ko. Ayokong malaman, aasarin lang nila ako.

"Hindi halata, ah?" Mae smirked at me.




Yanna Hearts
Comment/Vote/Follow :L♥️

For more updates!

Follow me on Facebook:
Yanna Yan Yan Hearts

Like My Page:
Yanna Hearts WP -Ayanna_lhi

Follow Me on Twitter:
@Ayanna_lhi

Fix Marriage With My Enemy (Love Academy Series #2)Where stories live. Discover now