CHAPTER 34

443 19 1
                                    

CHAPTER 34 | Compliment |

Mix black and white ang interiors ng condo ni Clark. Malaki at malawak din, lahat ng furnitures niya ay space saver kaya sobrang linis tingnan ng two floored unit niya.

"Thank you so much Clark, Pasensya na rin sa abala," I shyly said. I'm not that close to Clark pero kakapalan ko na ang mukha ko ngayon dahil makikitira ako sa bahay niya.

Aniya ay may bahay ang kuya niya sa malayo, mga four hours yata ang byahe papunta roon. His brother is at their province at next next month pa raw ito bibisita kaya walang tumitira sa bahay na 'yon ngayon. We decided to stay at Clark's condo for today, bukas ay babiyahe kami papunta roon through a rented car.

"It's okay, and there's nothing to worry. Just feel free." Ngumiti siya sa 'kin.

"Excuse me," ani Clark nang mag-ring ang cellphone niya. "Anya, oo nandito na kami. . . yes. . . no worries. . . okay, just don't exhaust your self too much."

Napangiti ako nang marinig ang conversation nila ng kaibigan ko. Masaya ako at ayos na sila. I looked at Prine who's looking at me kaya bahagya ko siyang tinaasan ng kilay.

"Aren't you tired?" he asked. Agad naman akong umiling.

"No, ikaw?" Umiling lang siya sa 'kin. My eyes widened at halos tumakas ang puso ko sa dibdib nang bigla niyang niyang hibablot ang braso ko paupo sa kulay grey na sofa ni Clark, pagkatapos ay ihilig niya ang ulo sa balikat ko.

I immediately straightened my back 'cause I felt something shiver on it. Oh, my goodness Prine! You're giving me heart attack with your moves! Ilang araw na rin naman siyang extra
clingy pero hindi pa rin ako sanay.

And we haven't talk about our relationship yet, we just knew that our feelings for each other are mutual.

Madali namang napalitan ng bigat sa pakiramdam ang nararamdaman ko. I sighed heavily and let Prine rest on my shoulder.

Clark lend us his two extra rooms, malaki ang unit niya pero siya lang mag-isa ang nakatira. After doing my night routines ay bumaba muna ako sa sala para maka-inom ng tubig. Nang makababa ay naabotan ko ang usapan ng dalawa.

I curiously looked where they are and I found them on the balcony, sitting, watching the city lights while holding a can of beer.

Hindi ko alam pero ang saya tingnan ng dalawa, si Prine at Clark pag ipinagtabi sila, parang ang lamig ng aura. Ano kayang itsura kapag kasama nila ngayon 'yung isa?

"Dude, girls always want confirmation and assurance. Gan'yan si, Anya," ani Clark. Hindi ako nagpakita sa kanila dahil gusto kong marinig ang pinag-uusapan nila.

"I don't know what to do, I just told her I love her." Pakiramdam ko ay binomba ang puso ko sa sinabi ni Prine.

Clark chuckled at him, "Girls hate confusion. Base on experience," aniya.

Kinabukasan ay maaga kaming bumiyahe papunta sa bahay ng kuya ni Clark. Smooth lang naman ang biyahe at mabuti't hindi nagka-aberya. My best friends keeps calling me from time to time making me at ease.

The house is not that big but it's enough for the two of us, besides ilang araw lang din naman kaming titira rito. Just after the setted date of the engagement party.

Pagkatapos kaming maihatid ni Clark ay agad na siyang umalis, leaving Prine and I alone. Sa ayos namin ngayon, pakiramdam ko ay nagtanan kami dahil sa engagement party na pareho naming ayaw, it's weird. Sa mga teleserye kasi na napapanood ko, nagtatanan ang couples dahil hindi nila gusto ang taong ipinipilit sa kanila.

Fix Marriage With My Enemy (Love Academy Series #2)Where stories live. Discover now