Chapter 07

595 20 2
                                    

Chapter 07: Token of Friendship

▰▰▰▰▰▰▰▰▰

/felixir/

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa sunod-sunod na pagkatok sa pinto. Akala ko noong una, si mommy na ginigising na ako dahil mahuhuli sa klase kaso naalala ko rin kaagad na naglayas pala ako sa bahay.

I sighed and recklessly threw the pillow on the other side of the bed but it bounced off and fell. Hinayaan ko na lang iyon at nagmamadali ng bumangon dahil naririnig ko ang boses ni lola sa labas. Muntikan pa nga akong mapatid sa pagsusuot lang ng tsinelas.

Pinagbuksan ko siya ng pinto at sumalubong sa akin si lola at si Luisa, iyong babaeng pinahiram ko ng hoodie ni Russco kahapon.

It was fortunate for me that Luisa successfully stopped her twin from making me taste the power of the freezing bottled water. Walang tigil sa paghingi ng tawad si Luisa ngunit si Luis ay nakatingin lang sa akin na para bang hindi ko deserve.

"Sa wakas ay gising ka na, apo!" Pasimple kong pinag-aralan ang suot ni lola habang nagpupunas ng muta. Ilang taon na lang at tutungtong na siya sa seniorhood ngunit mababakas pa rin sa kanya ang gandang nagpaulol kay lolo. Lalo pa ngayon na pusturang-pustura siya sa beige na dress.

"Ano pong meron?" tanong ko habang kinukuha kay Luisa ang tray na dala niya na naglalaman ng dalawang klase ng agahan. I thanked her awkwardly.

Pwede naman kasi akong bumaba para kumain. They don't have to do this at hindi ako sanay sa ganito.

Luisa accepted my thanks then excused herself. Lola nodded before answering my question.

"You didn't join us for dinner last night." Saglit niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko saka nagpatuloy. "Ipapagising ka na sana ni Alejandro kaso sabi ko hayaan ka na at pagod sa byahe."

Earlier that morning, Kuya Val called them, informing that I'll be coming here. When they heard that, they let Luisa, the only available helper, to pick me up. The details of their talk? That I do not know but lolo and lola did not talk much and I also do not know how to break the ice to them.

They were genuinely happy that their grandchild visited them. Malayo rin kasi rito ang ibang anak nila. Kahit special holidays, ayaw rin umuwi ni daddy rito. May dinadamdam pa rin yata siya kay lolo. Ngayon naman ako ang may dinadamdam kay dad at kina lolo ako tumakbo.

"But you brought my breakfast here," I said presenting the tray I am holding.

"Oh! you poor boy, the morning in provinces starts at 3:00 am. Kanina pa kami gising at nakapag-breakfast na. It's 8:00 already, sweetie."

"You should have let me sleep more, La." I carried the tray inside my room and placed it on the small table beside my bed. Pagkatapos kong mag-lunch kahapon ay dumiretso ako ng tulog. Hindi na nga ako nakapagpalit ng damit.

"That, I can't. Alejandro told me to take you around here especially sa plantasyon." She entered my room. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ng kwarto ko. "We still need to decorate this room according to your taste. Let Luisa bring you to town later."

Nabanggit ko sila kay lola, excluding 'that' part. Magmula raw ng maulila sa mga magulang ay sa amin na nagtatrabaho ang kambal. Si Luisa bilang isa sa mga kasambahay at si Luis ay sa plantasyon.

"Basta ba bibigyan niyo po ako ng pera," biro ko saka kinagatan ang pandesal na may palamang butter. Bacon and egg iyong nasa plato, kainin ko na lang pag-alis ni Lola.

"I would love to, ijo. Wala ni isa sa inyo ang lumaki sa amin, wala kaming apo na nabilhan ng kung ano-ano. Kung alam ko lang na lahat sila ay aalis, una pa lang ay kinontra ko na si Alejandro na turuan sila ng tungkol sa business." She looked around my room again. This was dad's room. She's probably thinking of him. "Although your dad chose not to, siya pa ang naunang umalis."

FLS #5: Felixir Gatcheco Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon