Chapter 02

751 27 6
                                    

Chapter 02: Say Goodbye to the Love We Can't Have

▰▰▰▰▰▰▰▰▰▰

/felixir/

“Pre, nabalitaan mo na?”

Saglit kong binalingan ng tingin si Kevin na kararating lang. Ilang segundo ko ring sinipat ang buong pagkatao niya. May bitbit-bitbit siyang turon sa kaliwang kamay at ang cellphone sa kanan. Ibinalik ko rin agad ang atensyon ko sa assignment ni Travis na kinokopya ko.

Ga-graduate na lang kami, next week kailangan pang gumawa ng requirements. Bakit kasi late magbigay? Iyong ibang section papetiks-petiks na lang sa gilid habang kinakabisa ʼyung kantang Farewell.

Naramdaman ko ang paggalaw ng upuan sa aking tabi at ang pagpatong ni Kevin ng kamay niya sa aking braso. May nasagap na naman itong kung anong klase ng tsismis.

“Mukhang magkakabalikan na si Kuya Val at Athena.” Huminto ako sa pagsusulat. Isinara ko ang notebook ni Travis saka ipinukol ang buong atensyon kay Kevin.

“Saan mo naman narinig 'yan?”

Si Kuya Val magkakaroon ng girlfriend? Mas malabo pa yata sa crushback na matagal ko ng hinihintay ʼyan.

“Nasa bundok ba bahay niyo o nakalimutan mong i-stalk si Athena kagabi? Nag-myday siya ng convo nila ni Kuya Val. Tingnan mo pa.”

Inilabas niya ang kanyang cellphone at binuksan ang Messenger. Kaunting slide pa ay nakita na niya ang myday ni Athena na convo nga nila ni Kuya. She was asking him if he could be part of her 18 roses and Kuya agreed.

Bakit hindi ako kasama?

“Pumayag lang sa 18 roses, magbabalikan na?” Pinalo ko ng ballpen ang kamay niyang nakapatong sa balikat ko. “Kumopya ka na lang ng assignment.”

“Kagabi pa ako pinakopya ni Travis,” he said with a smug grin and looking at him makes me want to smack his face. Akala mo siya ang sumagot ng assignment niya sa MIL.

Elementarya pa lang ay kaibigan ko na ang magpinsang sina Kevin at Travis. They were really inseparable back then and then I joined them later on. Kahit noong high school, palaging pare-pareho kami ng section and Travis' parents has a hand on it. Ngayong senior high school lang talaga kami naghiwa-hiwalay kasi nasa STEM si Travis at sinundan ako ni Kevin sa HUMSS. Trip lang namin.

“Teka nga, bakit pumunta ka pa kay Travis, pwede mo namang pa-picture-an tapos send na lang sa chat. Sumilay ka na naman kay Athena, ano?”

“Gago, hindi,” sagot ko sabay sipa sa paa niyang nakaharang.

Saktong nahagip ng mata ko ang pigura ni Athena sa may pintuan kaya dali-dali akong tumayo at naglakad patungo sa trash bin na katabi rin ng pinto namin. Kunwari may itatapon ako.

“Felix.” Muntikan pa akong mabilaukan sa sarili kong laway nang marinig ang maliit at malambing na boses ni Athena. Gagi, feeling ko nakiliti ang tainga ko roon.

Tumingin ako sa kanya. Atras-abante ang dila ko sa loob ng aking bibig. Gagi, ano bang dapat isagot kapag tinawag ka ng crush mo?

“Pwedeng humingi ng favor?”

Sunod-sunod ang naging paglunok ko. Sigurado akong pinagtatawanan na ako ni Kevin.

“Sure! What is it?” I asked plastering the nicest smile I could show at the moment. Sana hindi ako nakakahiyang tingnan.

Inilabas niya ang isang kulay lilang sobre at inabot sa akin. Kinuha ko ito at hindi sinasadyang magdausdos ang mga palad namin. Nablangko ako bigla. Parang nilipad ng hangin ang laman ng utak ko.

FLS #5: Felixir Gatcheco Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon