Chapter 05

620 30 5
                                    

Chapter 05: We Cry for Petty Reasons

▰▰▰▰▰▰▰▰▰▰
/felixir/

"Hindi ka ba nagsasawang bigyan ng kahihiyan ang pamilyang ito, ha Felix?"

My mouth was left ajar as dad's words echoed around the whole house. Past midnight na ngunit walang nakapigil kay dad para gisingin ang lahat ng tao sa bahay.

Nakaabang si Irish na suot pa ang kanyang anti-rad glasses sa may hagdanan. Napatayo naman si mom mula sa pagkakaupo sa sofa nang makita kaming pumasok. Kaagad siyang lumapit kay dad at hinimas-himas ang magkabilang braso niya upang pakalmahin ngunit hindi nagpatinag si dad. Maski ang paborito niyang anak na si Kuya Val ay hindi nagsasalita at nakaabang lang sa maaaring mangyari.

"Dad, dad, please let me explain." Lumapit ako sa kanya. Hahawakan ko na sana ang kanyang mga kamay ngunit mabilis niya itong naiiwas.

"Explain? Ano pang ipapaliwanag mo? Aksidente ang nangyari? Gasgas na ʼyang palusot na ʼyan. Hindi kita pinalaking bastos at sinungaling!"

"Dad, maniwala ka sa'kin. I swear! Hindi ako ʼyun. No. Hindi. Hinding-hindi ko magagawa iyon," I defended myself while staring at my hands. Parang ang dumi ko namang tao sa paningin nila.

Matapos naming mag-usap ni Alyssa ay siyang dating ni daddy. I was explaining to him on his way to Mr. Garcia's office pero hindi niya ako pinapansin. Nang makita niya si Kuya ay saka pa lang siya nagsalita. Mas gusto niyang makuha ang detalye kay Kuya.

"Tayo na lang ang nandito, Felix. Huwag ka ng magsinungaling."

Unti-unti akong nag-angat ng ulo. "Please. Nagsasabi ako ng totoo." Lumingon ako sa likod ko kung saan nakatayo si Kuya habang nakakrus ang kanyang mga braso. "Kuya ʼdi ba naniniwala ka rin sa akin. Tell them, please."

Defend me, please. Sobrang favorite ka nila kaya baka kapag ikaw ang nagsabi ay makumbinsi mo sila.

"I'll only believe kapag nakuha na natin ang results ng paternity test."

Bukas-sara ang bibig ko, naghahanap ng tamang salitang isasagot. My hopes went up only to get hurt... again. Akala ko naniniwala siyang hindi ko magagawa iyon? Ipinagtatanggol lang niya ako kanina ʼdi ba?

I don't know about the specific but Kuya Val said they had a deal. Kapag naipanganak na ni Alyssa ang bata ay magpapa-paternity test kami. Kapag positive, aakuin ko ang bata at pakakasalan si Alyssa.

Nine months. That's enough time for Alyssa to think thoroughly.

But my parents-my dad-doesn't have any confidence on me that I wouldn't do such unforgivable act of being a jerk. Kampante pa akong pumayag sa gusto ni Alyssa only to be disappointed na wala palang tiwala ang mga magulang ko sa akin.

"Bukas na bukas ay uuwi ka ng Sariaga! Huwag kang babalik dito hanggaʼt hindi ka nagtitino!"

"D-dad please, paano ʼyung-ʼyung graduation ko? Ang birthday ko?" I asked frantically. I pursed my lips. Intrusive thoughts started to run rampant on my head. I tried to shake it off only to fail. "Dad, ilang araw na lang naman ʼyun. Nangako naman na ako na uuwi ako ng Sariaga."

Mahalaga sa akin ang graduation ceremony na iyon tutal uuwi na ako kina lolo para doon magpatuloy ng pag-aaral. Iyon ang unang beses na makakasama ko sila ni mom sa stage. Last time na rin para makasama ko ang aking mga kaibigan. Those two who never once doubted me.

"Alam mo palang ga-graduate ka. Bakit ka gumawa ng kalokohan, Felixir Raphael?"

"Dad, please believe me. Hinding-hindi ko magagawa ʼyun." Lumingon ako kay mommy. I was pleading to her with my eyes but she just nodded as a response.

FLS #5: Felixir Gatcheco Where stories live. Discover now