Chapter 21

12 1 0
                                    


Chapter 21

“Mukang pwede naman tayong lumabas.”

“Talaga! Kaso sino naman ang ma-iiwan dito para bantayan ang mga iyan?”

“Bahala na, basta ako gutom na ako… hindi naman daw pupunta dito si Cydon,”

“Oo nga! Halina kayo! Wala naman sigurong pupunta rito maliban sa nurse.”

“Sige basta libre niyo,”

Nagtawanan ang mga nagbabantay sa apat na binatang bumugbog kay Cyrus, at lumabas ng ICU hallways para kumain, dinig na dinig ko ang kanilang pinag-uusapan, simula pa kanina. Dahil pinahigpit ni Chairman Thebeon ang siguridad dito para maka siguro na ligtas ang kaniyang pamangkin, kaya naman nang tinawagan ako ni KLoere kanina, sobrang na buhayan ako dahil ito na ang aking pagkakataon para makita kung tunay bang tatak na X ang nakita ko nung mga nakaraan.

I know that my action is out of being an agent of TAW, kaya maraming na-inis kung bakit ako di nagdalawang isip na labanan ang mga bumugbog kay Cyrus, sa una akala ko nung tumawag si Kaliw kay Maria ay para sabihin sa amin na may mission kami sa ibang headquarters, kaya naman nagulat ako nang makita ang mga binatang pinag-bubugbog ang isang taong kina-iinisan ko, nung gabing ‘yun madaraan ko lang sana sa paki-usapan ang mga nangyari, kung di ko lamang nakita ang isang pamilyar na pilat sa mismong batok ng isa sa mga binata, anim silang lahat ang isa ay nagtatago sa may liblib, ngumingisi sila at natatawang pinagmasdan ang walang malay na si Cyrus.

“Ah… narito na pala ang mga b’wisit na agents ng TAW,”

Walang pag-aalinlangang sumugod ang mga binata sa amin, kami lang ni Maria ang kasama ni Kaliw nung mga oras na ‘yun, kaya mukang minamaliit kami nang mga batang ‘yun. Med’yo nahirapan si Kaliw sa pakikipag palitan ng mga suntok at sipa sa kaniyang kalaban, kaya naki pag warm-up na kami ni Maria, para silang mga lantang gulay nang buong lakas kong dambaan ang pagmumuka ng isa sa kanila, nakita ko kung paano tumalsik ang dugo sa ilong nito. Naramdaman ko ang pagkatigil nang lalakeng nakasalamin, mukang bihasa ang mga binata na makipag bugbugan kahit kanino, hindi basta basta ang istilo ng kanilang pakikipaglaban sa amin, dahil nakikita kong hindi sila pangkaraniwang mga estudyante o anuman. May mga dala kaming baril, kaso hindi kami p'wedeng gumawa ng kahit na ano na siyang magpapasira sa buong pangalan ng TAW.

“Sino ka?” tanong ng isang lalake na nakasalamin sa akin. May mga dala silang kutsilyo sa bulsa at 'yun ang ginagamit nilang pang atake.

Napangisi ako at mabilis na sumugod patungo sa kaniyang gawi, napa-atras pa ang kaniyang kaliwang paa at aambang sisipain ako, ngunit agad akong lumiko pakanan patungo sa lalakeng nakasigarilyo sa may dilim, halatang gulat silang lahat dahil sa ginawa ko.

Narinig ko pang bumulong sina Kaliw at Maria.

Mabilis na naka-iwas sa suntok ko ang lalakeng na kasumbrero nasiyang naninigarilyo, naramdaman ko ang pagtaas niya ng kaniyang kamay at mabilis na ibinato sa akin ang labi ng kaniyang sigarilyo, napangisi siya at nag-angat nang  tingin, do’n ko nakita ang kaniyang muka.

Ang malalamig na mga mata, ang matangos niyang ilong at mapupulang labi na nagmistulang maskara sa kaniyang pagkatao, isang may itchurang nilalang na siyang gumagawa ng hindi maganda, agad niya akong dinambaan ng malakas na suntok, ngunit agad akong yumuko at sinipa siya ng malakas sa kaniyang paa, ngunit mabilis siyang tumalon at patakbo sa may daanan, nangunot ang noo ko sa kaniyang ginawa, ngunit dahan dahan siyang lumingon at mabilis na tinuro ako.

"I will see you," wika niya tsaka tumakbo ng mabilis, mukang ayaw niyang makipaglaban, hindi ko ‘yun inisip dahil wala naman akong pake do’n. Pero nang sugurin naman ako nang mga kasamahan niya, mabilis kong sinangga ang mga atake ng dalawa na parang normal na kalaban lamang.

His BodyguardWhere stories live. Discover now