chapter 26

21 1 0
                                    


Chapter 26

"Kumusta ang araw mo anak?" -si mama habang nilalagyan ako ng beefsteak sa plato, I don't want to talk about it.

"Like the usual ma," walang ganang sagot ko, pekeng nangiti si mama at sinenyasan ang mga kasama kong kumakain pa.

Tumikhim ako at sumimsim ng tubig, kumain narin at hindi na umimik ang mga bodyguards ko.

"How was your day?"

Muntikan na akong mabulunan nang marinig ko ang malumanay na boses ni Leyard. Natuon ang mga mata namin sa kaniya, ngunit siya'y walang ibang pinagmamasdan maliban sa walang kwentang Shawn, na ngayon ay marahang tumango at ngumunguya.

"Hindi mahirap... pero okay narin sa tingin ko," wika ni Shawn at marahang tinitigan si mama na ngayon ay ngumingiti at dinagdagan din si Shawn ng ulam.

"Kumain kapa Hija,"

"Salamat po."

Gusto kong umirap at bigwasan sila, ngunit bakit ba ako nagkakaganito? Bakit ba tila nakakaramdam ako ng kakaibang klase ng inggit. Lahat sila nakangiti habang pinagmamasdan si Leyard, nakangiti sila dahil sa simpleng galawan ni Leyard, how I wish I could protect myself from danger like a hero or let's say just like Leyard who always do the job perfectly.

Naramdaman nila ang aura ko kaya pinasadahan ako ni Leyard ng tingin at nagsalita, "I heard what happened, there is a victim of bullying inside the campus... I'm glad to know that you're safe."

Gusto kong matawa.

"Hindi ako safe, dahil hanggang ngayon..." sobrang nag-ngitngit ako sa galit, kaya di ko na tuloy ang sasabihin ko.

Natulala ako... dahil una sa lahat, wala akong karapatang magalit dahil wala naman silang ginagawang masama. Tsaka... nakakalungkot lang, dahil ang tatapang nila at malayo sa katulad kong lampa.

"Tama ka."

Napatitig ako sa nag salita, it's Shawn. Pati mga kasamahan namin sa hapag, di nakapag salita dahil sa sagot ni Shawn sa reklamo ko.

"Tch!" Malamig kong titig sa kaniya.

"Shawn, I think you are doing good naman sa school," pag-iiba ng topic ni Lee sa usapan. Ngunit mas lalo akong kinabahan nang dugtungan niya pa ang mga katagang nabitawan na niya.

"You're not safe,"

"S-shawn."

Nanginig ang kamay ko, paano niya na atim na sabihin sa akin ng harap harapan ang ganito.

"Ah... hija? Juice gusto mo?" Pagbasag ni mama sa katahimikan sa hapag, feeling ko pati siya kinabahan sa sinabi ni Shawn.

Liningon siya ni Shawn at tumango. Lahat kami na windang sa tunog nang kubyertos habang hinihiwa ni Shawn ang ulam, ung kaba ko kakaiba. Feeling ko pinagpapawisan ako, sa boses niya palang kinikilabutan na ako. Hindi ko na alam kung ano ba talaga ang gustong mangyari ng mga lokong agent nato sa 'kin. Bakit ba feeling ko mas malakas pa ung threat nila sa 'kin kesa sa mga bully sa school namin.

"The school is not safe,"

Napatitig ako ng deretsahan kay Shawn.

"Mukang na untog ata ung ulo mo," nguso ko, kasi ang seryoso nila sa pagtitig sa akin.

Mukang napa-isip din sina Lee sa sinabi ni Shawn.

"That place is not safe for those weak,"

Nanlamig ako, dahil kung iisipin ng mabuti, tama ang mga katagang binitawan niya. If you're weak, you are not able to be there from the first place unless you have the people to rely on.

His BodyguardWhere stories live. Discover now