Chapter eight

41 4 0
                                    

'AMIRA'

KINABUKASAN nagising ako dahil sa ingay Ng alarm signal Ng buong school udyat na ipinapatawag ang Lahat Ng mga estudyante.
Pupunta sa malawak na gymnastics, at mukhang Alam ko na ang dahilan kung bakit.
Tinatamad na bumangon ako sa kama ko saka nag lakad papunta sa Cr habang nag hihikab at kinukusot ang mata.
Mabilis kong inalis ang suot kung damit pang tulog saka ako pumailanlang sa shower.

after a minute of taking a bath mabilis akong lumabas ng cr at saka ako nag bihis, black tight skinny jeans and white fitted v-neck shirt Ang sinuot ko saka ko bahagyang sinuklay ang buhok ko, hinayaan ko lang itong nakalugay saka ako Nag pulbo at nag lip balm.
Mabilis kong sinuot ang white rubber shoes ko saka ko mabilis na kinuha ang bag ko saka ako tumakbo pababa Ng kuwarto ko.
Pagkalabas ko sa dorm ay mabilis akong tumakbo sa hallway hindi alintana ang kapwa ko istudyante na mabilis din ang kilos papunta sa gym.

Bigla nalang akong napatigil sa pag takbo at muntik pa akong matumba sa kung ano Ng bigla nalang may humawak sa Isang kamay ko.
Haharapin ko na Sana kung sino ang may gawa niyon Ng bigla nalang kaming sumulpot sa upuan Ng gym sa likod na bahagi.
Napaawang ang labi ko saka ako dahan dahan na hinarap ang nilalang na hanggang ngayon ay hawak parin ang kamay ko.
Hindi makapaniwalang napatitig ako sa gwapo pero malamig na mukha ni dale.

Yes! Si dale ang may gagawan kung bakit muntik na akong matumba kanina sa hallway!.

Hindi ko na nagawa pang mag salita Ng bigla nalang nag salita si HM sa stage Ng gym.

"Good morning everyone, maybe you all know why I called all of you" panimula ni HM saka ito bumuntong hininga.

"Siguro Naman nakita niyo ang nangyari sa kapwa niyo istudyante na natagpuan sa gitna Ng field kaninang madaling araw, at hanggang ngayon ay hindi parin namin Alam kung sino ang may gagawan non at kung bakit Nila Tayo pinasok." Paused.

"Sa ngayon wala muna tayong klasi dahil may gaganapin na investigation at kung maari ay tumulong kayo sa pag bibigay Ng impormasyon na makakatulong sa pag iibestiga" aniya ni hm habang bahagyang hinihimas ang noo.

Halata ang pag ka stress kay hm dahil sa nangyari at Alam ko na may ibang istudyante na na trauma dahil sa nangyari.

Bigla nalang akong kinabahan dahil sa sunod na sinabi ni hm.
"At nakadadag pa sa problema ang misteryong nilalang na pumaslang sa mga kalaban na pumasok dito sa academy" problemadong Saad ni hm.

Bigla nalang akong pinag pawisan Ng malamig dahil sa narinig at hindi mapakali  sa kinauupuan ko.
Buti nalang wala masyadong magician dito kundi baka nakita na Nila ang pamumutla ko!.

Naramdaman ko ang bahagyang pag hawak ni dale sa nanlalamig kong kamay saka ko narinig ang marahan nitong bulong malapit sa tenga ko.

"Don't worry, I won't tell your secret to anyone" he whispered.

I felt relieve to what I heard but at the same time worried about something that I couldn't explain!.

I just shook my head and didn't say anything.
I just focused all my attention to HM.
And when HM finally say that we can go back to our dorms I immediately stand up and was about to leave but dale hold my hand once again and before I could say anything in just a snap we are no longer in the gymnastics benches!.

I look around and I noticed that we are not in Emerald academy anymore!.

Kung nasaan man kami sa bahagi Ng magical world ay hindi ko Alam.

Malalim akong napabuntong hininga saka ko muling inilibot ang paningin sa paligid,
Natigilan ako Ng may makita akong Ilang mga magicians na papunta sa Isang dereksyon.
Nag tatakang nabaling ang tingin ko kay dale Ng hilain Niya ako papunta sa dereksyon na tinatahak Ng mga magicians,
Hindi ko Alam kung anong meron pero nag pahila nalang ako kay dale hanggang sa makarating kami sa harap ng gate.

Nanlaki ang mata ko Ng mabasa ko ang nakasulat sa itaas Ng malaking gate. "FLOWER KINGDOM"

Anong ginagawa namin dito?, Tanong ko sa sarili.

Bago ako makapag reklamo ay nakapasok na kami Ng tuluyan sa flower kingdom at iisa lang ang pinupuntahan Ng mga magician, sa likod na bahagi Ng kaharian!.

Don na ako napahinto sa pag lalakad saka ko naguguluhan na tinignan si dale.

"What are we doing here?" I asked while looking at his eyes.
He didn't say anything, he just look at my eyes.

"Dale?" I asked again.

Napaiwas Siya Ng tingin bago nag salita.
"I heard that there was a fight to be held in that part of this kingdom" he said while pointing the direction where the magicians Are going.

"A fight?, With whom?" I asked confusedly.

"Hell against flower kingdom's warriors" he answered.
Nanlaki ang mata ko sa narinig, don't tell me na kaya hindi ako pinag training ngayon ni hell ay dahil dito!.

Hindi na ako nakapag salita pa Ng muli akong hilain ni dale patungo sa kinaruruonan Ng mga magicians na gustong makita ang Laban,
Muntik pa akong mag tago Ng makita ko ang Ilan sa istudyante Ng Emerald academy na nandito rin at komportabling nakaupo sa mga benches na nasa gilid Ng mga puno.
Pinili kong umupo sa tagong bahagi Ng mga puno saka ko tinignan ang malawak na gubat.
Naramdaman ko na umupo si dale sa tabi ko at tahimik na nag masid sa paligid.

Ilang minuto ang lumipas bago ko natanaw sa hindi kalayuan ang Isang parang screen na nakikita kung ano ang nangyayari sa loob Ng gubat at Isa Isa nang pumapasok ang mga warriors Ng flower kingdom.

Napamaang nalang ako Ng makita ko ang mahigit tatlumpong warriors pero ang mas nag pamaang at nag patigil saakin ay nang bigla nalang may Isang malamig na boses na nag salita na siyang kinataas Ng balahibo ko!.

"Welcome to my world warriors" nakakakilabot na Saad Ng Isang boses.
Kahit sino man ang makakarinig sa boses na yan ay sigurado akong kikilabutan at mag tataasan ang mga balahibo Nila.

But wait, kilala ko ang boses na yan.

Nag palinga linga ako para siguradohin kung tama ang hinala ko.
Pero hindi ko makita si hell.
Natuon ang atensyon ko sa loob Ng gubat Ng mag simulang mag Laban ang mga warriors sa wala?.

"What happened to them?" Mahinang Tanong ko sa sarili.
Mukhang narinig yun ni dale dahil bigla nalang itong nag tsked bago nag salita.

"They are inside the illusion" baliwalang sabi nito na siyang kina gulat at pagkamangha ko.

Paano yun nangyari?.

Tanong ko sa sarili ko na Alam kung walang makakasagot.













_______________.

THE LONG LOST PRINCE OF DARK KINGDOMजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें