"Anong ginagawa mo diyan? Tanga, ga-graduate ka pa ngayong week tapos birthday mo pa next week!"

"Kahit hindi ako um-attend ng graduation ceremony ay makukuha ko lahat ng papeles ko." I licked my lips then gulped. Iba na rin lasa ng laway ko. Kailangan ko na talaga ng tubig. "Saka anong pinagkaiba ng pagbi-birthday diyan at dito sa Sariaga? Madadagdagan pa rin naman ang edad ko."

"That's not it! Lokohin mo na lahat pero huwag ako, Felix. If there's one day you'll never want to miss among the three hundred sixty plus days of the year, that's definitely your birthday."

"Why? Can I not celebrate it here?" I chuckled dryly.

Napalingon ako sa tindero ng tubig ngunit wala na siya sa tabi ko. Papatulan ko na sana ang trenta kasi nauuhaw na talaga ako at nalalasahan ko na ang mga sukang muntikan ko ng iluwa sa bus. Isa pa, kawawa naman. Mukhang isang malakas na ihip ng hangin lang ay tatangayin na siya. Kung may extra rin akong pera ay pati pampa-salon ay bibigyan ko. Gandang lalaki sana kaso mukhang jejemon. Piercing na lang kulang mukha na siyang gang leader ng mga batang hamog.

"Huh?" Nangunot ang noo ko nang mapansin ang mga iniwan niya. Itinutok ko ang kaliwang palad sa bunganga ko saka binugahan ng hininga at inamoy. Inulit ko pa ito ng tatlong beses.

"Hindi naman ganoong kabaho ang hininga ko ah!" Napalakas yata ang pagkakasabi ko dahil may mangilan-ngilang napalingon sa akin.

Salamat sa mineral water niyang may diamond at sa menthol-flavored candy. Gusto ko ng ipulupot sa mukha ko ang hoodie.

"Hoy! Narinig mo ba ako?"

I gritted my teeth. Inilapag ko ang cellphone sa lap ko at kinuha ang bottled water at saka binuksan.

"Felix, nandyan ka pa ba? Hello! Huy!"

"Nandito," sagot ko pagkalunok ko ng huling lagok ng tubig. "Wala akong pakialam kung anong salita pa ang gamitin nila para pag-usapan ako. Kung gusto nila, pagtsismisan nila ako in Greek."

"Gago, nagawa mo pang magbiro. Nang-kick pa ako ng dalawang kaklase natin para sa'yo."

"Add mo ulit. Sabihin mo rin na sa Sariaga na ako mag-aaral. Kung may tanong pa sila, daan na lang sila sa inbox ko." Natigil ako sa pagbukas ng candy nang may babaeng huminto sa harap ko. I mouthed 'bakit?'.

"Kayo po ba si senyorito Felix?"

Nangunot ang noo ko nang marinig ang kanyang tanong. Ang mga taga Barrio Celeste lang naman ang tumatawag sa akin ng senyorito. Sino ʼto? Tauhan nila lolo? Pero hindi pa naman ako tumatawag sa kanila.

"Nasaan ka ngayon?" tanong ko kay Kevin sa kabilang linya.

"Nasa bahay niyo. Kasama si kuya Val."

I made a breathy oh sound. I bid goodbye and without waiting for his answer, I ended the call.

"Ako po si Luisa, isa sa mga katiwala ni senyora," pagpapakilala niya. "Tumawag po kaninang umaga si senyorito Val at sinabi pong umuwi ka ng Sariaga."

I checked her from head to toe. Mukhang kaedad lang niya iyong tindero ng tubig kanina. Mas maayos nga lang manamit. She also talks like a stereotyped corporate assistant who got a straight A grades when she was in school. A bit flat and boring for her age. O sadyang sanay lang ako sa mga tunog makikipag-away gaya ni Kevin.

"Drop the 'po' and 'senyorito'. Hindi ako sanay. Kahit Felix na lang."

"Hindi rin po ako kumportable na pangalan lang sa amo ko." she smiled superficially. Ganitong klase ng empleyado na ba ang kinukuha nila Lola?

Silence enveloped us and it's awkward. Wala akong masabi. Mas gusto ko pang kausap ʼyung scammer ng tubig na nilalait na pala ako sa isip niya.

Tumayo ako at bahagyang nag-inat. Napansin ko ang panakanakang tingin kay Luisa-o saʼmin?-ng mga taong dumadaan. Anong meron?

"Ako lang ba ʼto o ano? Kanina ko pa nararamdaman na pinagtitinginan tayo ng mga dumadaan." Sinamaan ko ng tingin ang isang dumaan na sumipol pa. Panglima na ʼyung kakadaan lang.

The girl's eyes quivered. Palinga-linga rin siya sa paligid at hindi mapakali ang kamay niya. Mukhang may gusto siyang takpan sa likod o ano.

"Ahm-saan naka-park ang sundo?" Dinampot ko ang mineral water na souvenir ko na medyo napahiya ako sa terminal ng bus.

"Wala po kayong bagahe?" gulat at nagtatakang tanong niya na sinipat-sipat pa ang paligid ko.

I chuckled shyly. "Naglayas ako sa amin. Pati nga itong mga suot ko pa ay hiniram ko lang din." Napakamot na lang ako sa ulo. I might sound impulsive and proud to some but what dad did crossed my bottomline as the stupid son. Oras na rin para itigil ko ang kakasingit ko sa sarili ko.

"Lead the way," I said, using my mouth to point the direction.

Nang makatalikod na siya ay kaagad kong hinubad ang hoodie ko at patakbong lumapit kay Luisa. I wrapped my arms around her waist and that made her stop. Itinali ko ang sleeves ng hoodie upang takpan ang stain sa puting shorts niya.

Pasensya na sa branded hoodie mo, Russco. Emergency lang.

"S-Senyorito-"

"It's okay. I got you," I smiled at her and at the same time wrapped my arms around her shoulder.

Gulat siyang napatingin sa akin na kaagad napalitan ng hiya. Nag-iwas siya ng tingin nang ma-realize niya kung anong nangyayari.

"Daan tayo sa convenience store para makapagpalit ka."

"Kaya ko na po." Sinubukan niyang umalis sa pagkakaakbay ko pero mas hinigpitan ko pa ang kapit.

"Pinagtatawanan ka nila." Tinuro ko ang limang babaeng nagbubulungan habang pasulyap-sulyap kay Luisa. "Experiencing embarrassing things is less embarrassing if you have a handsome boy-"

Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang may lumipad na bottled water sa mukha ko. Ramdam ko pa ang tigas ng yelo at ang basa nito.

"Matapos kita ilibre ng tubig, mamanyakin mo ang kapatid ko!" sigaw niya habang pinapalo sa braso ko ang malamig na bottled water.

"What the-" Nasapo ko ang aking noo. Tinanong ako ni Luisa kung ayos lang ako at tumango lang ako bilang sagot. Binalingan ko ang sumisigaw na bubwit sa harapan ko at hindi nga ako nagkakamali ʼyung scammer nga na tindero.

"Luis! Ano ba? Tumigil ka nga!"

Ahh. What a small world.

▰▰▰▰ღ▰▰▰▰

02/05/2022. 1st month

FLS #5: Felixir Gatcheco Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon