12

166 11 5
                                    

Sabi nga nila, habang may buhay, wag kang tumigil na mangarap. Habang may buhay, huwag kang sususko. Kailangan daw nating maging handa sa mga hindi inaasahang pangyayari. Life is full of surprises daw ika nga nila. 

We may not always end up where we thought we were going, but we will always end up where we're meant to be. 

Maayos na ang kalagayan ng babaeng dinala sa ospital. Nakabalik na rin siya at agarang pumunta sa akin upang makapagpasalamat. 

"Maraming salamat sayo iha, kung di mo ako tinulungan baka naubusan na ako ng dugo. Utang ko sayo ang buhay ko." sambit niya. 

Ngumiti naman ako at hinawakan ang kanyang kamay. "Walang ano man po, masaya po akong makatulong." 

Ang sarap sa pakiramdam na makatulong ka sa kapwa. Ang munting pasasalamat nila ay nakapagbibigay sa akin ng labis na kasiyahan. 

"Ang galing mo talaga Isabelle." singit naman ni Ate Maricar. 

Sumama na ang babae sa pulis at bumalik sa selda. 

"Hayys, buti na lang nandoon ka Isabelle, kung hindi baka nga nawala na siya." saad naman ni Ate Amelia. 

"Tungkulin ko pong sumagip ng buhay." sagot ko. Isang alaala na naman ang pumasok sa aking isipan.

"Sa totoo lang po, dahil sa nangyari kay Kapitan ay parang nawalan ako ng ganang tumulong sa kapwa. Dahil baka sa huli ako na naman ang masisi, ako na naman ang magiging masama. Pero, nagpag-isip isip ko na, hindi lahat ng tao katulad ng pamilya ni Kap. Hindi lahat ng tao masama ang intesyon sayo. May mga taong makaka-appreciate ng ginagawa mo. Simpleng pasasalamat lang nila, sobrang sarap na sa pakiramdam." dagdag ko. 

Umupo naman sila sa isang gilid, sumunod na lamang ako. 

"Kumusta pala yung tungkol kay Kapitan? Anong sabi ng abogado mo?" tanong ni Ate Amelia. 

"Mamaya ko pa lang po ulit sila makakausap, pero ang sabi ni Tiya Angel, may tauhan si Atty. Reyes na nag-imbestiga sa kaso." sagot ko. 

"Talaga? Edi magandang balita iyan. Sana talaga at manalo kayo." natutuwang sabi ni Ate Maricar. 

"Sana nga po eh." sagot ko. 

Sana naman magbago na ang ihip ng hangin at maging pabor sa akin. 

Sana talaga. 

Tanghaling tapat nang ginising ako ng isang pulis. Nandiyan na raw ang dalaw ko. Dali dali akong bumangon at naglakad. Nagpaalam muna ako kina Ate Amelia at Maricar. 

"Goodluck Isabelle!" "Kaya mo yan!Laban lang!" sigaw nila. Napatawa na lamang ako at sumunod na sa pulis. 

Agad akong niyakap ni Tiya Angel pagkadating ko. Masigla ang kanyang mukha at nakangiti siya. Masaya ako para sa kanya. 

"Ella iha, may maganda kaming balita sayo." patalon talon niyang banggit. 

Nagulat ako sa sinabi niya at nanlaki ang mata. Anong maganda balita iyon? Nakaramdam ako ng pananabik at kagalakan. Sa wakas, may maririnig akong magandang balita. Sa wakas, pinakinggan ako ng Maykapal. 

Ito na ba ang hinihintay kong pagbabago sa buhay ko?

Is this where I am meant to be? 

I hope so.

Behind Every Bars (Tres Es Series: Second Installment)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora