9

175 13 12
                                    

Life indeed is a great blessing. To be born in this world is something we should be grateful for.

Life is a cycle. From the bits of particles to the dust that joins the air. From nothingness to nothingness. From seeing colorful things to forever darkness.

Ibinato ko sa dingding ang hawak na baso. Namimilipit sa sakit ang aking puso. May isasagad pa pala lahat ng sakit na ito. May idadagdag pa palang bigat sa dibdib ko.

"Huminahon ka Ella, parang awa mo na." pag-aalo sa akin ni Tiya Angel.

Ngunit tila ba parang wala akong naririnig. Sigaw ako ng sigaw sa lungkot at galit.

"Hindi ko man lang siya nakita." sigaw ko. 

"Hindi ko man lang siya nayakap."

Hinawakan ko ang dibdib ko habang lumuluhod. Ang sakit sakit. Sobrang sakit.

Ano bang ginawa kong mali para parusahan ako ng ganito? Ayoko na, ang sakit sakit na.

Sana ako na lang yung nawala. Sana ako na lang at hindi si Nana Selia. Tanginang buhay ito! Pinaganak lang ata ako para magdusa.

"Tiya naman, bakit ganito? Bakit sabay sabay? Akala ko ba matatapos na ito? Pero bakit habang tumatagal, para na rin akong pinapatay?" nanghihina kong tanong sa kanya. 

"Ella, iha. Halika dito. Uminom ka muna ng tubig. Sige na iha." binigyan niya ako ng tubig ngunit tinitigan ko lang ito.

"Ako nga ata ang malas sa buhay niyo Tiya, kung sana wala ako, masaya kayo at kumpleto. Sana hindi na lang ako pinanganak." sambit ko habang patuloy ang pag luha.

Wala na akong pakialam sa paligid. Sagad na sagad na ako. Pagod na pagod na ako. Gusto ko na ring mag pahinga.

"Huwag mo sabihin iyan Ella, hindi yan totoo. Alam mo sa sarili mo na ikaw ang kamayanan namin ng lola mo. Kayong magpipinsan ang tanging kayamanan namin sa mundo. Hindi matutuwa si Nana kung ganyan ang iisipin mo." sunod sunod niyang sabi.

"Hindi na nga siya natuwa diba? Kaya po siya inatake? Dahil sa balita mong itutuloy nila ang kaso at matatagalan ako sa pag labas? Diba?"

"Alam ko tiya, kahit anong sabihin mo, kasalanan ko. Inatake siya dahil sa sama ng loob at putangina!, kasalanan ko." dagdag ko. 

Itinapon ko ulit ang binigay niyang tubig at nagsimulang saktan ang sarili ko.

"Isabelle, tama na." pakiusap ni Tiya habang umiiyak.

Sinampal at sinabunutan ko ang aking sarili. Halos mapunit ang aking balat dahil sa labis na pag-lukot ko dito ko. Sinusuntok ko ang aking tiyan at mukha, hinihila at sinasabunutan ko ang aking buhok. 

Naramdaman ko ang pag agos ng dugo mula sa aking ilong ngunit wala akong halos naramdaman. Manhid na ata ako.

Putangina! Dapat ako na lang. Wala na ring kwenta ang buhay ko. Pagod na pagod na ako.

"Ella! Ang ilong mo. Halika muna at magpahinga ka. Sige na naman Isabelle at huwag ng matigas ang ulo mo." pakiusap niya sa akin. 

Dahan dahan siyang lumapit sa akin at pinunasan ang aking mukha. Ramdam ko ang banayad niyang kamay na para bang hinihele ako. Huminga ako ng malalim at kinalma ang aking sarili.

"Tiya, bakit ngayon pa? Bakit ngayon pang wala ako sa tabi niya? Ni hindi man lang ako nakapag-paalam. Ang tagal naming hindi nagkita. Kung makalabas man ako dito, wala na rin akong babalikang lola. Wala na siya." mahinahon kong banggit habang patuloy ang pag-iyak.

Naramdaman ko ang init ng yakap mula sa aking tiyahin.

"Alam mo ba ang huling sinabi niya bago siya tulyang bawian ng buhay?." bigla akong napatingin sa kanya. Hinigpitan niya ang yakap bago nagpatuloy. Ramdam na ramdam ko ang naguumapaw na emosyon mula sa kanya. 

"Si Ella, ang matalino kong apo." naramdaman ko ang pag-angat ng kaniyang labi. 

"Sinabi niya iyon habang nakangiting itinuturo ang larawan mo sa huling pagkakataon."

Nanigas ako sa kinatatayuan. Humilab na naman ang aking puso. Para itong tinutusok sa sakit, pighati at kalungkutan. Ako ang iniisip ni Nana Selia bago siya mawala? Hindi ba siya galit sa akin? 

"Kaya huwag kang susuko Ella ha? Patunayan mo sa lola mo na totoong matalino ka. Na pagkalabas mo dito ay magsisimula kang muli at makakamit mo ang iyong pangarap. Kaya kapit lang Isabelle ha?" ramdam ko ang pagkabasag ng kaniyang boses.

"Alam kong mahirap, alam kong hindi madali. Walang easy access sa mundong ginagalawan natin. Pero tandaan mo ha? Nangako ka sa lola mo na iaahon mo kami sa hirap. Huwag kang susuko hanggat hindi mo iyan natutupad. Patunayan mo sa kanya na kahit wala na siya, tatayo ka at lalaban sa buhay." 

"Paano ako lalaban Tiya? Hindi ko na alam. Pagod na pagod na po ako. Araw araw na lang ako umiiyak, hindi na halos makakain at makatulog. Tas biglang ganito? Yung dahilan ko para lumaban, wala na? At dahil pa sa akin?"

"Hindi pa ba kami sapat Ella para lumaban ka? Nandito pa kami para sayo. Yung mga pinsan mong makukulit palagi kang hanap. May mga naghihintay pa sa pag-uwi mo." sabay ngiti niya.

Napangiti na rin ako sa sinabi niya. Oo nga pala, may pamilya pang naghihintay sa akin. May mga tao pang nangangailangan sa akin.

Tumingin ako sa itaas kahit purong kisame lamang ang nakikita. Itinaas ko ang aking kamay at dinama ang presensya ng aking lola.

"Nana Selia!" sigaw ko. "Naririnig niyo po ba ako?" 

"Sorry ha pasuko na ako! Sorry dahil nawalan ako ng pag-asa!" patuloy kong sigaw habang nakatingala. Unti unti na namang namuo ang luha sa aking mga mata. 

"Huwag kang mag-alala Nana, makakalabas ako dito. Makakamit ko ang pangarap ko! Matalinong apo ako diba? Papatunayan ko iyan sayo!" determinado kong sabi. 

"Alam kong palagi mo akong gagabayan! Kahit wala ka na, alam kong lagi mo akong tinitingnan! Ikaw pa naman chismosa ka!" sabay pilit na tawa.

"Ako na ang bahala kina Tiya Angel ha? Magpahinga ka na diyan! Kasama mo na si Ma..." hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil sa labis na pagluha.

"...Ma. Si Mama Theresa." humagulgol kami pareho ni Tiya Angel dahil sa mga sinabi ko.

Magkasama na silang dalawa. Ang mama ko at si Nana Selia. Iniwan na naman nila ako.

Pero katulad ng dati, tatayo ako at babangon. Lalaban at hindi magpapatalo sa hagupit ng buhay.

Ako si Therese Isabelle Conjuanco, ang mag-papatunay sa inyo, na kahit puro pasakit at hirap ang buhay, mayroon pa ring dahilan upang magpatuloy.

There will be always light in the dark. The important people you lost will light that dark path for you to see that life is worth fighting for. Life is worth living for. That life is indeed a great blessing to all of us. 

Behind Every Bars (Tres Es Series: Second Installment)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum