1

565 30 11
                                    

Pula. Purong pula ang nakikita ko sa paligid. Ang aking kamay ay nababalot ng likidong nagmula sa lalaking naliligo sa sarili niyang dugo.

Hindi ko maigalaw ang aking katawan. Nakatuon ang atensyon ko sa matandang lalaking luwa ang mata dahil sa labis na saksak na natamo. Ang kanyang mukha ay hindi na halos makilala, ang kanyang katawan ay tila ba hirap na hirap bago tuluyang pumanaw. 

Bumalik na lamang ako sa katinuan noong may narinig na sirena ng ambulansya at patrol ng pulis. Dali dali kong tiningnan ang aking sarili. Ang aking puting uniporme ay nabalutan na ng dugo, ang mga gamit ko ay nakakalat sa sahig. Shit! Hindi pwede ito. Baka mapagbintangan ako dito. Walang cctv sa lugar at ako lamang ang nakakita.

Ano Ella? Tatakbo ka ba o dito ka lang? Hindi naman siguro ako pagbibintangan dito hindi ba? Potential witness ako kung sakali. Teka? Eh pano kung sakin mabaling ang sisi? Edi makukulong ako?

Dala ng takot at pangamba, napagdesisyunan kong tumakbo. Ngunit bago ako makahakbang, narining ko ang mga katagang nagpahinto sa akin. 

"Itaas mo ang kamay mo! Napapalibutan ka namin" mutawi ng mga pulis. 

Nanginginig kong itinaas ang aking mga kamay at marahas nilang hinila upang lagyan ng posas. Isinakay ako sa kotse at dinala sa police station. 

Habang patungo doon ay hindi maayos ang takbo ng aking utak. Maraming katanungan ang namumutawi sa aking isipan. Hindi ko na namalayang nandito na pala kami sa istasyon, marahas muli akong hinila papasok sa loob. 

"Walang hiya ka! Anong ginawa mo sa asawa ko?" sinalubong ako ng sigaw at sampal ng isang babaeng naghihimutok sa galit. Nang pinagmasdan ko ang kaniyang mukha ay nanlaki ang aking mata. 

Siya si Mrs. Cruz, ang asawa ni Kapitan. Ibig sabihin ba nito na si Kap ang lalaking nakalatay sa eskinita? Papaanong nangyari iyon? 

Hindi ako nakalaban sa mga sabunot at sampal niya dahil hindi rin naman siya pinipigilan ng pulisya. Oo nga pala, hawak nila ang lugar na ito. 

"Wala po akong kasalanan. Nakita ko lang po siyang nakaratay doon at puno ng dugo ang mukha kaya't sinubukan ko po siyang tulungan." sunod sunod kong sabi sa kanya, umaasang maiintindihan niya ang nangyayari. 

"Anong walang kasalanan? Yang katawan mo, punong puno ng dugo? Walang hiya ka! Mabubulok ka sa kulungan! Demonyo!" at nagpatuloy siyang saktan ako. 

Ang bigat at sakit sa aking pakiramdam ay hindi na alis hanggang sa dumating ang aking tiyahin. 

"Ella? Iha? Anong nangyari?" dahan dahan niyang lapit sa akin. 

Bigla na lamang tumulo ang aking luha at niyakap siya. "Tiya Angel, wala naman po akong ginawang masama. Nakita ko lang po siya at sinubukang tulungan. Nursing ako diba? Kaya akala ko matutulungan ko siya. Tiya, wala akong kasalanan." 

"Alam ko iha, hindi ka ganoong tao. Huwag kang mag-alala, makakaalis ka rin dito ha?" 

"Gutom ka na ba? Namumutla ka oh. Halika nagdala ako ng paborito mong kaldereta." dagdag pa niya. 

Tiningnan ko lamang ang pagkain at umiling. "Hindi tiya, wala akong ganang kumain. Sa bahay na, paguwi ko." sagot ko sa kaniya. 

Bigla naman dumating ang babaeng pulis at agad akong hinawakan. "Nene, dito ka muna magpapalipas ng gabi. Diyan ka sa isang selda." 

"Po?" nanlaki ang aking mata sa gulat. "Bakit po? Wala naman po akong ginawang masama." dagdag ko pa.

"Huwag ka nang madaming satsat, sumama ka na lang." sabay hila niya sa aking pulsuhan kung saan mas nahigpitan ang posas na nakasuot sa akin. 

"Ah, aray po! dahan dahan lang." daing ko 

"Teka naman Ma'am, dahan dahan lang sa paghila sa pamangkin ko. Susunod naman siya." asik ng aking tiyahin. 

"Iha, pupuntahan kita uli dito bukas at sabay tayong uuwi. Magpakabait ka diyan at magdasal ka ha?" dagdag niya pa.

Pagkadating sa selda ay agad niya akong tinapon dito na para bang basura. Tumama ang aking katawan sa isang babae. 

"Hoy Nene! Kabago bago mo dito! Umayos ka ah! Uupakan kita." sambit niya na nagbigay sa akin ng matinding takot. 

Pinagbihis na rin pala ako ng damit. Pareho na ang kulay ng suot ko sa kanila, kulay kahel at may nakasulat na detainee sa likod. 

Dahan dahan akong naglakad at naghanap ng mapuwestuhan. Ang sikip dito sa pinagdalhan sa akin, naamoy ko rin ang mga masangsang na amoy nila. Sanay ako sa hirap, sanay ako sa mabahong amoy, pero iba ito! Nakakasulasok at nakakasuka, dala na rin ng kasikipan ng lugar kaya mahirap makahinga. 

Nakahanap ako ng munting pwesto sa may sulok. Siniksik ko ang sarili ko doon at inalala ang mga pangyayari. Kung bakit ako nandito kasama ng mga taong hindi ko kakilala. Kung bakit ko kailangang manatili rito gayong wala naman akong ginawang masama. 

At dahil sa pagod ay unti unti ko ng isinara ang aking mga mata. Nakabaluktot at hindi na inaalala ang kapaligiran.

Behind Every Bars (Tres Es Series: Second Installment)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें