8

178 14 9
                                    

Ang sabi nila huwag daw mangarap ng mataas, para kung bumagsak hindi ka masyadong masasaktan. I've always thought that's bullshit. Why would you limit the possibilities of becoming a greater version of yourself? You can be more, more than what you can think of yourself.

But right now, I wonder. Maybe it's just their self defense. Ayaw nilang masaktan kaya't hindi na umaasa sa mga pangarap nila.

Sana ganon na lang din ako. Sana hindi na lang ako nangarap ng mataas, dahil ngayon parang nadudurog na ang puso ko. Gumuho lahat ng pangarap ko, nawala ang mga pinaghirapan ko.

"I am going to be honest with you Isabelle. This case is really hard to win, I can't assure you anything. The plaintiff is a member of a political family. They have the power to manipulate the results, even the judge himself."

Ngayon ay kausap namin ang nakuhang Attorney ni Tiya Angel. Si Atty. Reyes anga aking magiging defense lawyer. Maganda naman ang win strike niya kaya lang tama siya, iba ngayon, miyembro ng political family ang kalaban namin. Mahirap manalo sa larong alam na kung sino ang panalo una pa lang.

"Paano iyon Atty.? Makakalabas ba si Isabelle dito? Kahit habang hindi pa nahahatulan ng korte?" tanong ni Tiya Angel.

"She can be temporarily released here while the case is ongoing. I can file a petition for bail if you want. However, it can be really expensive and we cannot guarantee it since we need the discretion of the trial court." sagot niya.

Agad akong umiling. Hindi na. Hindi na ako gagastos para sa pansamantalang kalayaan. Hindi na namin kaya kung magbabayad pa ng piyansa.

"Okay lang ako Tiya, kahit dito na lang muna ako. Mahihirapan tayo kung dadagdag pa iyon sa bayarin natin. Magtitiis na lang po ako dito hanggang sa makalabas ng tuluyan."

Gustong kong umuwi. Gusto kong mayakap si Nana Selia, pero hindi ito ang paraan. Ayoko ng dumagdag sa gastusin ni Tiya. Siya na nga ang magbabayad sa lawyer, dadagdagan pa niya ng pang piyansa ko. Hindi na.

Okay lang ako dito. Kakayanin ko.

Kinalma ko ang sarili ko at tumingin kay Tiya. Hinawakan ko ang kanyang kamay. "Malakas ako Tiya. Huwag kang mag-alala sa akin sa loob. Kilala mo ako diba? Hindi ako nagpapatalo." tumawa ako kasabay ng pagpatak ng aking luha.

Nakita kong tumulo na rin ang luha niya. Niyakap niya ako at sinabing "Pangako Isabelle, ilalabas kita dito. Hinding hindi kita papabayaan ah. Tandaan mo yan. Magkakasama uli tayo, tibayan mo lang ang loob mo."

"I love you Tiya, thank you sa lahat ng tulong. Kung wala ka, hindi ko alam kung saan ako pupulutin. Maraming maraming salamat po Tiya. Utang ko itong lahat sayo."

"Ikaw na bata ka, mahal na mahal din kita Ella. Huwag mong alalahanin ito, nangako ako kay Ate Theresa na aalagaan kita. Kaya huwag mong isipin iyan. Basta lumaban ka para mabuo na tayong pamilya."

Niyakap ko siya ng huling beses bago ako pinabalik sa loob ng selda. Sinulyapan ko siya at ngumiti. Tila ba pinapaabot sa kaniya na okay lang ako, huwag na niya akong isipin.

"Oh, kumusta Isabelle? Anong balita?" paunang bungad ni Ate Amelia.

Sa loob ng ilang linggo kong pananatili dito ay sila ni Ate Maricar ang palagi kong kasama.

"Hindi ako pwedeng mag bail out ate, mahal at saka wala din namang kasiguraduhan. Sa isang buwan ang trial, doon daw malalaman kung anong hatol sa akin." malungkot kong sagot sa kanya.

"Naku! Magtatagal ka pa pala dito. Sana naman ay maipanalo niyang lawyer mo ang kaso mo." sambit naman ni Ate Maricar

"Tiwala lang Isabelle, kakayanin mo ito. Lalaban ka ha? Para sa pamilya mo." dagdag naman ni Ate Amelia.

Oo, lalaban ako para sa pamilya ko. Para kay Nana Selia, Tiya Angel at mga pinsan ko.

Pero bakit ganon, malas ba ako sa buhay?

Kinaumagahan ay nakatanggap ako ng balitang ikinaguho ng tuluyan ng aking mundo.

Paano ako lalaban kung ang dahilan ko para magpatuloy ay tuluyan ng binawian ng buhay?

Behind Every Bars (Tres Es Series: Second Installment)Where stories live. Discover now