Pagmasdan mo ang timbangan ng buhay. Kapag may pera, angat ka. Kapag mahirap, nasa ibaba ka ng lipunan. Sa isang iglap ay nagbago ang buhay ni Isabelle nang madawit siya sa krimeng hindi niya inasahan. Napatunayan niyang kapangyarihan ang nagpapaikot sa mundong ito. Sa laro ng mayayaman, talo ang nasa laylayan. Talo ka, Isabelle. Hanggang kelan niya pagbabayaran ang krimeng nagdulot sa kanya ng kapahamakan?Anong buhay ang naghihintay sa kanya sa loob ng rehas ng kasalanan? Abangan!