2

319 19 13
                                    

Sa buhay, may mga pangakong napapako. Sa una lang magaling dahil may kailangan, at kapag nakuha na, balewala ka na. That's what I've learned while growing up, at ngayon, napatunayan ko ngang, oo. Totoo ito. 

"Bibigyan ko kayo ng isang buwang palugit, mag empake na kayo at umalis sa lugar na ito!"

"Huwag na kayong makulit kundi may sasaktan pa!" 

Nagising ako mula sa himbing ng pagkakatulog dahil sa maingay na kapaligiran. Agad akong tumayo at sumilip sa bintana. Nanlaki ang aking mga mata nang makitang nagkakagulo sa labas. Dali dali akong tumayo at lumabas ng  kuwarto, muntik ko na ngang matapakan ang mga pinsan kong mahimbing ang tulog at tila ba hindi naapektuhan ng ingay sa labas. 

"Nay Selia, ano pong nangyayari?" tanong ko sa aking lola na hindi naman niya nasagot dahil nakikiusisa rin sa pintuan. 

"Tiya Angel, bakit po may kaguluhan sa labas?" bumaling na lamang ako at nagtanong sa aking tiyahin. 

"Itinuloy nila Kap ang pagpapaalis satin dito Ella. Mga walang isang salita!" himutok niya sa akin. 

"Huh? Edi ba po ang sabi niya, kapag nanalo ulit siya ngayong eleksyon eh hindi na niya tayo papaalisn? Kaya nga natin siya binoto, hindi ba?" tanong kong nalilito. 

Noong nakaraang buwan kasi ay ginanap ang presedential election, kasama na ang election sa pagka-mayor at kapitan. Si Kapitan Cruz na ang namumuno sa lugar namin mula noong bata pa lang sina Tiya Angel. Nangakong pag binoto ulit siya ng mga tao ay hindi na kami mapapaalis dito dahil bibigyan niya raw kami ng titulo. 

Kaya nagtataka ako? Bakit ngayon eh nandito mismo ang mga alagad niya at binibigyan kami ng palugit?

"Nangako si Kapitan Cruz sa amin, Melchor. Wala na kayong karapatan dito sa lugar namin." narinig kong sabi ni Tatay Jojo, kababata ng aking Nana Selia. 

"Manahimik ka Jojo! Wala kayong titulo sa lupaing ito. Hawak pa rin ito ng gobyerno. Aalis kayo sa ayaw at sa gusto ninyo." sigaw ng isang tanod. 

"Kayo ang manahimik, umalis kayo sa lugar namin. Mga sakim!" pagpupumilit  ni Tatay Jojo. 

Dahil doon ay tila nandilim ang mata ng tanod at pinagpapalo si Tatay Jojo, tinulungan pa siya ng kaniyang mga kasamahan. Kitang kita ng aking mga mata kung paano siya pinaghahampas sa mukha gamit ang kanilang batuta. 

"Wala po bang aawat sa kanila?" tanong ko habang nanginginig sa takot. 

"Ella! huwag ka na riyan sa pintuan. Pumasok ka sa loob." sigaw sa akin ni Nana Selia ngunit ramdam ko ang sakit at lungkot sa kaniyang mga salita. 

"Pero po.. si Tatay Jo.."

"Wala ng pero pero Isabelle. Pasok." dagdag ni Tiya Angel habang isinasara ang pintuan at bintana. 

Nagtagal akong tulala sa aming sala. Nagising na rin ang aking mga pinsan at ni isa samin ay walang nagsalita. 

Bakit ganon sila? Hindi ba trabaho ng mga tanod na tulungan at paglingkuran ang taong bayan? Bakit ganon sila umasta? Iyan ang paulit ulit na tumatakbo sa utak ko hanggang sa basagin na ni Tiya Angel ang katahimikan. 

"Wala na si Uncle Jojo. Dead on arriaval daw." sambit niyang nagpagulat sa aming lahat. 

Napatayo ako sa upuan at hindi makapaniwala sa nangyari. Pinagmasadan ko si Nana Selia na dahan dahang umalis sa kaniyang upuan patungo sa kwarto. 

"Tristan, tulungan mo ang lola mo. Ella! kumuha ka ng tubig." asik niya sa amin. 

Mabagal ang lakad ko sa pagkuha ng tubig dahil hindi ko ma proseso ang nangyari. Wala na si Tatay Jojo. Ang itunuring kong parang ama. Wala na siya. 

Mabilisang lumandas ang mga luha sa aking pisngi. My only father figure was gone. Kinuha ng mga sakim na iyon. Masasama silang tao! Walang konsensya. 

Maaga akong naulila. Minutes after I was born, my mother died. At dahil sa hirap ng buhay, hindi na rin ako pinanagutan ng aking tatay.

Sina Tiya Angel at Nana Selia kasama ng mga pinsan ko ang tinuring kong pamilya. Sila ang nagpakain at nagpalaki sa akin. Utang ko sa kanila ang buhay ko. 

Ang lugar namin ay maliit, nasa nay estero kami malapit sa dagat. Dahil dikit dikit ang mga bahay dito, magkakakilala kaming lahat. Kasama na doon si Tatay Jojo.

Habang lumalaki ako ay itinuring kong parang ama si Tatay, siya lang kasi ang tumutulong at nag-aalaga sa amin noon habang nagtatrabaho si Tiya Angel. 

Kaya ngayong wala na siya ay hindi ko alam ang mararamdaman. Galit? Dahil sa nga demonyong iyon? Lungkot? Kasi wala na siya?

Hindi ko alam.

Ang alam ko na lang ay pagkatapos ng isang linggo ay nailibing na si Tatay Jojo. At dahil may koneksyon sa batas, hindi na rin nakulong ang mga hayop na pumatay sa kanya.

Ganyan daw ang buhay. Ang mga nasa posisyon ang nagmamalabis at nang aabuso. Sila lang ang angat, sila lang ang magaling. Kaming mahihirap, lugmok na nga papahirapan pa nila.

Ganyan nga ang buhay.

Ang buhay na unti unti kong mararanasan.

Behind Every Bars (Tres Es Series: Second Installment)Where stories live. Discover now