11

163 11 4
                                    

Nurses have a great role in the hospital. Hindi sila katulong ng doctor. Hindi sila "lang". It is a profession where they maintain health and quality of life.

Kahit hindi pa ako graduate ay kabisado ko na ang Nightingale Pledge.

I will do all in my power to maintain
and elevate the standard of my profession,
and will hold in confidence

With loyalty will I endeavor
to aid the physician in his work,
and devote myself to the welfare
of those committed to my care.

Kung maghihintay at tutunganga lang ako dito ay tuluyang mauubusan ng dugo ang babae. Sa lugar na ito, mahirap humagilap ng doctor. Matagal ang paghihintay bago dumating ang tulong.

Halos lahat ng nasa plaza ay nakatuon ang atensyon sa amin. Wala pa ring mga pulis na dumarating.

Nakita kong sinundan naman ako nila Ate Amelia at Maricar.

"Isabelle? Anong gagawin mo? Huy, bumalik ka dito." asik nila.

Pagkarating sa babae ay lumuhod ako, bukas pa ang kanyang mga mata ngunit marami ng nababawas na dugo. Malalaki at maraming saksak ang kanyang natamo.

"Tu..lo.ng" putol putol niyang sabi.

Hinawakan ko ang pulsuhan niya at sinabing "Tutulungan ko po kayo, nurse ako. Huwag po kayong mag-alala. Huwag lang po kayong pumikit ha?" sagot ko.

Iniangat ko siya ng kaunti para mabawasan ang pagdugo. I examined her body then I applied pressure to stop the blood from coming out.

First aid treatment lang ang magagawa ko. Wala akong sapat na kaalaman at kagamitan sa mga susunod na hakbang.

Agad akong nataranta ng nakita ko ang kalagayan niya. She's showing signs of shock. Agad ko siyang inihiga at itinaas ang paa.

"Tumawag kayo ng ambulansya." sigaw ko sa kanila.

Pagkatapos ng ilang minuto ay dumating na ang ambulasya. Naisakay na siya at dinala sa ospital.

Dali daling tumakbo sa akin ang dalawa at niyakap ako.

"Ang galing mo Isabelle."

"Wow! Isabelle pano mo alam iyon?." tanong nila sakin.

"Nursing student po ako, may kaunting kaalaman po tungkol sa ganyan." nahihiya kong sagot.

Tinapik naman nila ang likod ko at nag thumbs up.

"Good job future doktora!" sigaw Ate Maricar.

"Ay hindi po, wala akong planong mag doctor. Matagal at saka mahal iyon." sagot ko naman.

"Hindi rin tayo sigurado diyan. Ang buhay punong puno ng surpresa. Malay mo ngayon o kinabukasan magbabago ang ihip ng mundo mo." napatingin naman ako kay Ate Amelia. Kumindat na lamang siya at inakbayan ako. Inakbayan na rin ako ni Ate Maricar.

"Tara na nga bumalik na tayo sa loob, magbihis ka na rin Isabelle at ang dungis mo na." sabay tawa ni Ate Maricar.

I wonder, what surprises will I receive? What change will I experience?

I just do hope these are good things. Sawang sawa na ako sa sakit. Kahit isang beses lang, gusto kong maranasang sumaya, katulad ng dati.

Behind Every Bars (Tres Es Series: Second Installment)Where stories live. Discover now