Inubos ko na ang aking pagkain bago umakyat sa aking kwarto. Nang makapasok, napag-isipan kong magmaligo kaya agad ko na itong ginawa. Habang nakababad ang aking katawan, naalala ko ang nangyari sa baba. Pakiramdam ko napaso ang aking balikat no'ng hawakan niy ako. Kada lalapit siya, pakiramdam ko sasaktan niya ako.

Alam kong wala dapat akong ikatakot kay Thrale dahil kapatid ko siya pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na matakot dito. Ayokong malapit siya sa akin, hindi na magbabago ang aking isip. Napahinga na lang ako nang malalim, naligo nalang ako saka nagbihis. Pabagsak kong hiniga ang aking sarili sa kama. Pinikit ang aking mga mata, pakiramdam ko pagod at inaantok ako ngayon. Gusto ko nalang matulog muli. Unti-onti naman akong dinalaw ng antok kaso nawala iyon nang may kumatok.

"Thrizel." Sa pagtawag nito sa aking pangalan ay napadilat ako, napalitan ng pangamba. Boses ito ni Thrale.

Kumatok ulit ito. Ayoko siyang makausap para akong batang biglang sumiksik sa gilid ng aking kama at niyakap ang unan.

"Thrizel." Tinawag niya ang pangalan ko gamit ang matigas na kaniyang boses. Maowtoridad na naman.

Ayokong buksan ang aking pintuan kaya agad akong nagtalukbong ng kumot. Niyakap ang unan bago ipinikit ang aking mga mata. Umalis ka na lang, Thrale please.

"Mukhang nagpapahinga na siya." Rinig kong sabi ni ate Anissa sa kaniya.

Nakarinig ako ng mga yabag papaalis sa aking kwarto kaya nakahinga ako nang maluwag. Matutulog na sana ako kaso bigla kong naalala si Link. Nasaan na ba ang lalaking iyon? Siguro bukas nandito na siya. Yes, bukas ay nandito na iyon kaya magpapahinga na ako para bukas pwede kaming lumabas. Napangiti naman ako sa aking naisip. Alam kong tinutupad ni Link ang kaniyang pangako.

Maaga akong nagising at agad na inayos ang aking pinaghigaan. Pagkatapos n'on ay naglinis ako ng katawan. Ang saya ng gising ko. Hihintayin ko si Link na umuwi pagkatapos kong maligo. Pinatuyo ko ang aking buhok at agad na lumabas ng aking kwarto.

Nagmamadali akong bumaba, saktong pagbaba ko siya naman ang pagbukaa ng pintuan. Akala ko si Link na ang papasok pero nanlumo ako nang si Thrale ang nakita kong pumasok. Mukhang galing super market dahil may mga bitbit ito. Tiningnan ko na lamang siya ng saglit at hinayaan ko na lamang ito.

Dumiretso ako papuntang dinning area. Naupo ako sa aking pwesto, nakahain na rin dito ang mga pagkain. Kasunod ko lang silang pumasok kaya pagkaupo ko ay naupo na rin sila.

"Thrizel, aga mo yatang nagising."

Napatingin ako sa nagtanong na si Ate Anissa.

Ngumiti na lamang ako sa kaniyang sinabi at kumuha na ng pagkain. Tahimik lang akong kumakain samantalang sila Arella at Thrale ay nagdadaldalan, palaging ganito ang set up. Ang pinagkaiba lang ngayon, wala si Link para kausapin ako.

Mabilis kong tinapos ang aking pagkain. Agad akong tumayo at pumuntang hardin. Dito ko na lang ba hihintayin si Link? Napabuga na lang ako ng hangin dahil naiisip ko na naman kung nasaan si Link, hindi ko na naman alam kung saan siya hahanapin. Sinubukan ko na siyang tawagan pero walang sumasagot dito. Uuwi siya. Maghintay ka lang, Thrizel.

Pumasok na ako ng bahay, nakita ko sila Thrale at Arella na nagkukulitan. Napatigil sila ng saglit dahil sa aking presensya pero hinayaan ko na lamang ang mga ito. Sa oras na 'to, nakukuha ko nang mawalan ng pakialam sa kanila. Pumunta akong kusina para makainom ng tubig.

Anissa's POV

Tahimik lang ako nakaupo sa sofa habang pinapanood ang pagkukulitan nila Thrale at Arella. Para silang magkapatid kung titingnan. Napatigil sila sa pagkukulitan nang pumasok si Thrizel. Mukhang galing siya sa hardin, tinapunan niya lang ng tingin ang dalawa saka na muling umalis. Nagpunta itong kusina, pansin ko ang pagiging tahimik niya, hindi niya rin gaanong kinakausap si Thrale. Hindi 'gaya noon na para silang aso't pusa.

"Ang tahimik mo hon, may problema ba?" Tanong ni Thrale sa akin habang nakayakap mula sa aking likod.

Ngumiti ako sa kaniya at hinawakan ang kaniyang kamay saka sumagot. "Wala naman."

Umalis din ito sa pagkakayakap. Hinalikan ako sa noo nagpaalam na may kukuhanin siya sa kaniyang kwarto.

Hinanap ko naman si Thrizel para kausapin. Agad akong pumunta sa kusina pero wala siya rito. Pumunta sa hardin ngunit wala rin dito. Tiningnan ko naman sa kaniyang kwarto pero 'gaya ng noong sa hardin, walang Thrizel dito.

Tatanongin ko sana si Thrale kung nakita niya ba si Thrizel kaso naalala kong umakyat pala siya sa kaniyang kwarto. Lumabas ako baka sakaling nandoon siya at hindi nga ako nagkamali. Nakaupo at nakatingin sa may gate, mukhang hinihintay niya si Link na dumating. Agad ko siyang nilapitan para kausapin. Kanina ko pa napapansin na may hinahanap siya.

"Thrizel." Nakangiting tawag ko sa kaniya.

Tumingin naman ito sa akin at ngumiti bago magsalita. Halatang tinatago niya ang pangungulila kay Link, napansin ko iyon dahil puro siya ngiti sa kaniya. Ngayon nalang kami mag-uusap ng ganito.

"Ate?"

"Ayos ka lang ba?"

Tumango at ngumiti lamang ito sa aking tanong. Bumalik kami sa pagiging tahimik. Gusto ko siyang tanongin kung anong problema niya pero ayokong mapresyon ito. Hihintayin ko nalang na kusa itong mag-open up sa akin. Pero kilala ko siya, tatahimik hangga't kaya niya pa.

Thrizel's POV

Nandito ako sa labas ng bahay, nakaupo sa may harap ng aming gate. Hinihintay si Link habang nakatingin sa labas. Habang naghihintay ako, may tumawag sa aking pangalan, si Ate Anissa. Ngumiti naman ako sa kaniya bago magsalita, tinanong niya ako kung ayos lang ba ako. Ngiti at tango lang ang aking naging sagot sa kaniya.

Pansin ko naman na parang may iniisip ito kaya agad ko siyang tinanong kung may problema ba. Sabi niya naman ay wala, sinamahan niya akong maupo at maghintay kay Link. Habang nakaupo ay nag-uusap kami ng kung ano-ano. Magaan talaga ang loob ko kapag kasama ko si Ate Anissa. Gumagaan ang pakiramdam ko, mabuti nalang ay nandito siya para kausapin at mapagaan ang aking loob.

Abala kami sa pag-uusap nang biglang may tumawag sa kaniya. Si Arella, nagpaalam muna sa akin si Ate Anissa na tutulungan niya lang si Arella sa mga ginagawa nito. Tumango na lamang ako sa kaniyang sinabi. Agad akong napatingin kay Arella na ngumiti sa akin, maaliwalas ang mukha niya. Kahit matamis na ngiti ang kaniyang binigay, hindi ko nakuhang ngumiti pabalik.

Muli, ako na naman ang mag-isa rito. Nakaupo lamang ako. Napatingin ako sa langit, maghahapon na pala kaya nakakaramdam akong kinakagat ako ng lamok. Hindi ako umalis sa aking p'westo, nananatili ako sa ganito.

Ang tagal ko sa labas hanggang tumulo na lamang ang aking mga luha. Taas-baba ang aking mga balikat at walang humpay ang pagbuhos ng mga luha ko. Tahimik sa labas kaya rinig na rinig ko ang mga hikbi ko.

Fuck, where's Link? My parents? My protective Thrale? Bakit parang nag-iisa lang ako?! Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now