Humiwalay ako ng yakap kay Daddy. Lumapit ako kay Mommy at agad na hinalikan siya sa kanyang pisngi.

“Hi, Mom.” pagbati ko.

“Pasok na tayo sa bahay para makakain na. And…” tiningnan ako ni Mommy mula ulo hanggang paa. “you need to change clothes first, Marga.” sabi sa akin ni Mommy.

Tumango agad ako bago umakyat sa itaas. Sumalubong naman sa akin si yaya Mina. Hinila niya ako papasok sa aking kwarto, hindi ko alam kung bakit parang marahas ang pagkakahila niya sa 'kin. Sinarado niya agad ang pinto nang makapasok kami sa kwarto ko. Nabigla ako nang pinalo niya ang puwet ko kaya napahawak ako doon sa gulat.

“Yaya! What was that for?!” Takang tanong ko sa kanya.

“Wat waz dat poor ka pa diyan! Nakita ko ang ginawa mo, a! Nakita ko 'yon!” sigaw niya habang tinuturo ako.

Kumunot ang noo ko.

“A-anong ginawa?!” kuryosong tanong ko.

Lumapit siya sa 'kin habang tinuturo pa rin ako.

“Nakita kong hinalikan mo si Dean sa labas ng gate,” mariing bulong niya sa akin. “Ikaw'ng bata ka! Hindi ka man lang nag-ingat. Pa'no kung nakita kayo ng Daddy mo, ha?” sabay palo niya ulit sa puwet ko.

“Yaya!” sigaw ko.

Baka mamamaga pa ang puwet ko sa kapapalo niya. Ngumuso ako dahil medyo masakit na ang puwet ko..

“Ang bata bata mo pa, ang lalandi mo na!” saway niya sa akin. “Kailan naging kayo ni Dean, ha?” kuryosong tanong niya, at may ngiti na sa kanyang labi.

“Nung nakaraang linggo lang po,”

Pagkatapos kong sagutin ang tanong niya ay may kasunod pa iyon. Hanggang sa tinawag na ako sa baba para sa dinner namin. Bumaba naman agad ako at nakita sila Mommy at Daddy na nakaupo na roon sa engrandeng lamesa.

Nasa kabisera si Daddy habang nasa kanan naman si Mommy. Umupo naman agad ako sa kaliwa ni Daddy. Wow! Pakiramdam ko unang beses ito nangyari sa tanang buhay ko.

Ang kumain nang sabay sabay kasama ang aking magulang.

'Wish granted! Thank you Lord.' I mentally said.

“Mukang masaya ang prinsesa natin ngayon, a.” puna ni Daddy nang mapansin niya na nangingiti ako habang kumakain.

I looked at them. “Masaya lang ako Dad dahil kompleto tayo ngayon,” I said with a smile.

Tumango silang dalawa sa 'kin at saglit na nagkatinginan sa isa't isa.

“And we're happy too, anak.” sabi naman ni Mommy, at ngumiti sa akin.

Nagkwentuhan kami habang kumakain. Kinuwento sa amin ni Daddy ang mga nangyari sa kanya sa ibang bansa… at kung saan-saan lugar na siya nakaabot dahil sa trabaho niya, at kung ano ang ginagawa niya roon. Kinuwento rin niya kung gaano niya kami namiss ni Mommy habang nagtatrabaho siya sa ibang bansa. At kung gaano kahirap mawalay sa pamilya niya.

“Bakit hindi na lang kayo dito magtrabaho, Dad?” biglang tanong ko sa kanya.

“Ija, mas maganda at mas malaki ang kikitain ko sa ibang bansa kaysa dito.” sagot naman ni Daddy sa tanong ko. “Mas malaking proyekto ang ipapagawa nila sa akin sa ibang bansa kaysa dito na simply lang at... barya-barya pa.” sabi niya pa.

“But Dad, marami na rin naman tayong naipund—” pinutol agad ni Mommy ang dapat kong sabihin.

“Its your Dad's passion, Marga.” Mommy said. “Kaya hindi pwedeng tatanggihan niya lang ang malaking offer sa ibang bansa at ipapalit niya dito na maliit lang ang kita. Hindi tayo mabubuhay sa maliit lang, Marga.” mariin na sabi ni Mommy.

Years of WaitWhere stories live. Discover now