CHAPTER 22

5.3K 98 7
                                    

A/N: Hello! Author here! Back with some slight action scene. Puro na lang kasi drama, nasobrahan na ako sa drama, nakakaumay na :) hehe. Anyway, thanks sa mga bumabasa nito at mabot pa hanggang dito! Thank you so much! you know who you are :) You're awesome!

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Napabuga ko ng iniinom kong kape nang tumambad ang pagmumukha niya. Kahapon lang nang magkita kami ulit, ba’t nandito ulit siya?! May humintong itim na sasakyan sa labas lang ng gate namin, kasama niya ulit si Ela na lumabas mula sa sasakyan. Mukhang nagtatarabaho si Ela para sa kanila. At paano naman niya natuntun kung saan ako nakatira? Patay.

“Hey Mom! It’s the stupid guy again!” Mabilis na tumakbo si Raye mula sa porch ng bahay papuntang gate bago ko pa man siya napigilan.

“Raye. Stop calling him stupid.” Although he might be stupid sometimes, he’s still you Dad. On second thought, he maybe stupid at may sayad pa.

“Good Morning Miss Azul! I brought you flowers!” Nakangit siya habang ibinibigay ang mga bulaklak sa akin. Shit! Paano mo agad nalaman kung saan ako nakatira?! Mukhang sinadya niya talagang pumunta ngayon dito.

“Ahehe. Thanks…Az na lang ang tawag mo sakin. Ah! Ba’t ka pala nandito?” Nakangiti kong bungad sa kanya. Tsk. Babatukan kita mamaya pagpumasok ka dito!

“Az, anak, sinong mga  bisita mo?” Lumabas mula sa pinto si Mira at Alphonse.

“ Mira! Alphonse!” Malapad na ngumiti si Gray at dire-diretsong pumasok sa gate namin. Napaface-palm na lang ako.

“I have business with them...” Lumingon siya sa akin at ngumiti.

“Oh dear Gray, I’m glad you came.” Matamis na bati sa kanya ni Mira.

“Then shall we go inside at pag-usapan yan?” Tanong sa kanya ni Alphonse.

Pumasok na silang apat habang karga-karga naman ni Gray si Raye at ako naman naiwan sa labas. Kailan pa sila naging close? Anong klaseng business ba ang pag-uusapan nila? I never thought na magkakilala pala si Gray at mga Rodriguez. Matagal ng pinutol ng Dolore ang koneksyon nila sa labas. Teka…Ang akala ni Alphonse may amnesia ako. Baka kumpirmahin ni Gray ang tunay kong pagkatao! Baka malaman niya na nadampot lang ako ni Alphonse at ni Mira at hindi ako ang tunay nilang anak! Shit! Ang aga-aga pa para mabuko ako!

“Mom! Dad!” Sigaw ko. Dali-dali akong naglakad pabalik sa bahay. Tsk. Ano ba kasing klaseng damit to, napakahirap gumalaw! Inangat ko ang palda ko at tumakbo. Nang malapit na ako, biglang may gumulong na kung ano, parang lata sa hagdan. Teka, hindi to lata, Granada to!

“DAPA!” Sinipa ko papalayo ang Granada at agad na tumalon papasok ng bahay at kaagad na dumapa. Tinakpan ko ng kamay ang ulo ko to protect myself from debris at naghintay ng pagsabog. Isang segundo…limang segundo…sampung segundo…

“Az…Anong ginagawa mo?” Boses yun ni Mira. I opened my eyes to see them curiosly staring at me. Mag-isa akong nakadapa sa carpet at nakatayo lang silang tatlo na nagtataka kung anong nangyari sa akin. Hindi ko din alam ang nangyari. Bakit hindi pumutok yung Granada? Sinong naghagis nun?

“Ah..Eh..naapakan ko ang palda ko at nagwawarning lang na madadapa ako?” I faked at laugh.

“But Ms. Rodriguez, you’re wearing a mini skirt…” Singit ni Gray na malapad na nakangiti. Tsk. Nasira na ang image ko na mahinhin na anak ng mga Rodriguez.

“What? Ah sige lalabas na muna ako.” I said while faking a smile.

Lumabas na muna ako para hanapin kung saan napunta ang sinipa kong Granada kanina. Sino ang may pakana nun? Natuntun na ba ako ng mga kalaban? I surveyed the area, malamang hindi pa siya nakakalayo. Walang anu mang malapit na sasakyan sa paligid, at ang tanging tao lang ay…si Ela.

My Girl Got a Gun?! (Romance X Action X Comedy) [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora