CHAPTER 14

5.3K 119 22
                                    

A/N: Yo! Author here! Sorry sa medyo late update! Thanks again sa nagbabasa nito. Medyo busy kaya baka matatagal ang update! Thanks!

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

“Oi! Gumising ka na nga jan!” Sinipa niya ang upuan kung saan ako nakatali ngayon. Kapatid ko nga siya pero makakatikim siya ng mainit-init na bala pag-nakatakas ako dito anumang oras.

  “Tsk. Distorbo sa namamahinga.” Namamaga pa din ang buo kong katawan, mahapdi pa din ang mga sugat ko mula sa mga bala. Pagkatapos kong mamanhid at mawalan ng malay, nagising ako na nakatali dito sa napakamabahong kwarto na to, amoy nabubulok na bangkay. Hindi pa ako nakakapasok dito dati pero alam ko na ito ang kwarto kung saan ‘pinaglalaruan’ ni Gerardo ang mga nahuhuli niya. Sapat na ang mga bakas ng dugo sa sahig at dingding, mga butong halos durog na, scalpel, kutsilo at iba’t-ibang klaseng mga gamit na siguradong pati buto mo mababali pag-ginamit sa iyo.

                “O. Pagkain mo.” She placed me a plate of food infront of me. I rolled my eyeballs.

                “Paano ko kakainin to? Kita mong nakatali ako dito!”

                “Edi gawan mo nang paraan!”

                “Bwisit! Sayo na to! Lamunin mo lahat! Magpabusog ka!” Sinipa ko ang pinggan na nakalagay sa harapan ko. Nagulat ako sa ginawa niya. Lumapit siya sa akin at humugot ng kutsilyo.

                “Hwag kang magdadalawang isip na isahan ako at tumakas, o bubutasin ko yang mga paa mo pagnagkataon.” Pinutol niya ang tali ng mga kamay ko. Alam kong ibabalik din niya ang tali pagkatapos kong kumain pero kapag lumakas-lakas na ako, tatakas ako dito.

                “Hmp. Ano to? Utang na loob?” Sinong mag-aakala na nagpapatayan kami ngayon papakainin niya ako?

                “Bahala ka sa gusto mong isipin.” Natahimik kaming dalawa.

                “Tapatin mo nga ako. Paano ka napadpad dito sa lungga ni Gerardo? Bakit ka ganito ka galit sa akin?!”

                “Mahabang kwento.”

                “Bwisit! Wala akong paki-alam! May buong araw ako para makinig sa mga kwento mo.”

                She was silent for a while, sighed and started talking.

                “Mom was a famous model. She loved Dad so much. Maliit pa ako noon pero alam ko kung gaano niya kamahal ang ama natin. Wala akong pagkakataon na makilala si Dad noong maliit pa ko. Hindi siya kahit kalian bumibisita, nagpapadala lang siya ng pera palagi. Pero isang araw, sulat na lang ang natanggap namin, sinasabing may iba nang asawa ang Dad at iyon ang ina mo...”

                “Hindi siya naging asa—“

My Girl Got a Gun?! (Romance X Action X Comedy) [COMPLETED]Where stories live. Discover now