CHAPTER 18

5.1K 90 6
                                    

 A/N: Waah! Sorry for the late upload! Super duper busy talaga this week, and I think sa next week din. Sorry din kay partner @jocharen at hindi ko pa natatapos basahin ang story niya! X( Medyo lame to kaya pagtiisan nyo na muna XD

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

                “RED!!”

My senses were fading but I can still hear him. May humaharurot na motorsiklo sa likod lang ng kotse namin, malamang siya yun. Kahit kailan ang tanga-tanga niya talaga. He was following us, there were gunshots echoing, he tried to shoot the car were in. And with the last drop of consciousness I had, I peered over the window to see that desperate face he has while running after us.  I smirked. Stupid.

~~

“RED!” Gray shouted. Nasa likod niya naka-angkas si Ela at kasalukuyang pinagbabaril ang sasakyan ni Gerardo. They were running at 180kph already pero ang layo pa rin ng sasakyan na hinahabol nila.

“Shit!” Nang malapit na sila, dumungaw si Gerardo sa bintana and nag-umpisang magpaulan ng bala. The motorcycle swerved left and right habang iniiwasan nilang matamaa, but unfortunately, may dumaplis na isang bala sa kaliwang braso ni Gray. Napaliko sila ng di inaasahan at muntik nang sumagi sa gilid ng railings. Malulula ka sa makikita mo. Small falling debris of rocks fell unto the rocky sea under the cliff.They were almost 100 feet above the sea on the side of this cliff at muntik na silang mahulog kung di lang sila nakapreno agad.

“Damn. They’re getting away!” Gray shouted when he spotted Gerardo’s car was almost out of sight. Isang liko na lang mawawala na sa kanila paningin ang kotse at hindi na nila maabutan.

“Kumapit ka! Akong magmamaneho!” Pinaharurot ulit ni Ela ang sasakyan and with-in a minute, they were able to close the gap of the car to them.

“Barilin mo ang gulong ng paparating na sasakyan dali!” Isang malaking trailer truck ang sumasaalubong sa kanila. Walang segundong sinayang, binaril kaagad ni Gray ang gulong ng truck gamit ang kanang kamay. Nagpagewang-gewang ang truck at muntik nang mahagip ang sasakyan ni Gerardo. Pero sinuswerte pa din sila, bumalandra ang sasakyan at humarang sa daraanan ng kotse ni Gerardo. Napatigil ang sasakyan nila at ilang metro na lang at maabutan na nila si Gerardo.

Mabilis na lumbas ang tauhan ni Gerardo sa kotse at pinababaril sila. But Gray shot the guy dead while Ela was still driving towards the car. At sa wakas nang maabutan nila ito, Gray jumped out of the motorcycle immediately at inuksan ang pinto ng passenger seat ng sasakyan at itinutok ang dalang baril sa bungo ni Gerardo.

“Ha! Parang awa mo na! Gusto ko lang makasama ang anak ko!” Ibang Gerardo ang tumambad sa kanya, he was pleading desperately. Napahinto siya sa nakita.

“Or not…” Gerardo smirked. Shit! He was caught off guard. Gerardo kicked him backwards at hinablot niya ang tulog na Red at tinutok ang hawak na  baril dito. He was confident, habang hawak-hawak niya si Red, hindi siya nila sasaktan. Dahan-dahan siyang umatras  at binuksan ang pinto sa likod niya.

                ~~

                Pain woke me up. Parang may humuhugot ng buhok ko at kinakalad ako sa sahig na puno ng matutulis na bagay. When I opened my eyes , nakita ko agad si Gray and his lifeless eyes,  na nakatutok ang baril at si Ela sa likuran niya na anumang oras handa ding bumaril. I heart almost leaped out because of joy! I was glad to see na ayos lang si Ela pero Bwisit! Ginagamit ako ni Gerardo ngayon na panangga!

My Girl Got a Gun?! (Romance X Action X Comedy) [COMPLETED]Where stories live. Discover now