CHAPTER FOURTEEN

10 0 0
                                    

PRIMO YBARRA POV

"Magaling pala si Skye maglaro ng volleyball noh? Hindi halata sa itsura nya dahil payat at maliit sya" wika ni Ryle habang nakahawak sa baba nya.

Andito kami sa Gym para manood dahil may laro ang mga kaklase namin at kalaban nila ang section nila Aezra.

"Pero ayos lang kaya si Aezra? May sugat sya tapos pinaglaro sya?" singit naman ni Chase.

Oo nga pala muntik ko ng makalimutan. Malalim pa naman ang sugat nya at kapansin pasin parin yong mga galos nya sa braso.

"Kaya na nya yan. Malaki na sya" wika ko naman kaya tumawa si Ryle.

"Joke ba yan?" nakangiwing tanong nito.

"Hindi pero kung natawa ka, edi joke nga" sagot ko at itinuon ang paningin ko sa mga naglalaro.

Halata sa mukha ni Aezra na nahihirapan sya kakahabol sa bolang pinapasa sa kanya at kinocontrol pabalik kay Skye at sya naman ang papalo pabalik sa kalaban. Siguro kung wala lang sugat ito ay mas maganda ang laban na ipapakita nila.

Nang matapos na ang laro ay nagpaiwan pa kami sa gym. Kalahating oras ang nakalipas at nagpaalam muna ako sa tatlo na mag c-cr lang ako.

"Hintayin kana lang namin sa room, pre" ani ni Kohen. Sabay sabay na kaming lumabas ng Gym at nakipag hiwalay ako ng dadaanan.

Nang makalabas ako ng Gym ay dumaan muna ako sa room nila Jessica ngunit wala sila roon.

Pumasok ako sa room nila kaya nagsimula na naman ang tilian ng mga estudyante.

"Primo?! Mahal bakit ka andito?" tanong ni Ash at sinalubong ako.

"Tigilan mo ako. Nananakit ako ng hayop" madiin kong wika. Sumimangot naman sya at humalukipkip sa harapan ko.

Nagtawanan naman ang iba, ang iba naman ay kinikilig pa at ang iba sa kanila ay nagtataka kung ano ang ipinunta ko rito.

"Ash, nanjan si Jessica?" tanong ko.

Napakunot noo naman ito at iniikot ang paningin. "Wala kaming kaklase na Jessica ang pangalan. Sino ba yon?" takang tanong nito sa akin.

"Anong wala? Kakatransfer lang nya" nakakunot noo kong wika. Saan nagpunta yon?

"Hmm wala nga" ani nito.

"Ahh si Jessica ba? Ang alam ko bukas pa sila papasok. Narinig ko kasi kanina kausap nila si Mr Chen at nagpapaalam ang mga ito na kung pwede ay bukas na sila pumasok. Kaya wala sila ngayon" singit ni Skye na umiinom ng iced coffee.

"Ay wow teh, marites ba pangalan mo?" nilingon sya ni Ash at pinamewangan.

"Tse!" umikot ang mata nito at sumipsip sa iniinom nya.

"Hindi kita kinakausap pero sige" ani ko at umalis na sa room nila.

Bakit hindi nya sinabi sa akin? Nanliligaw ako sa kanya kaya dapat ipaalam nya sakin ang mga gagawin nya. Nagmukha na naman akong tanga sa harapan ng ibang tao. Kaninang umaga pa sya kumikilos ng hindi normal. Naninibago ako dahil simula ng pumasok ako sa subdivision nila ay nag iba na ang mood nya.

Agad ko syang tinext at tinanong kung nasaan sya at bakit hindi sya pumasok. Kahapon ay excited pa ito na pumasok at napag usapan naming susunduin at ihahatid ko sya araw araw tapos ganito ang gagwin nya.

"Hoy nang iinis kaba? Bakit ganyan ka makatingin? Akala mo mapapalagpas ko yong pag sipa mo sa akin?!" rinig kong sigaw ng lalaki sa corridor papuntang CR.

Hindi ko na sana papansinin kung sino man ang mga iyon ng marinig ko ang pamilyar na boses.

"Alin sa mga tanong mo ang gusto mong una kong sagutin?" ani ng babae.

WHEN WE COLLIDEWhere stories live. Discover now