CHAPTER NINE

29 5 5
                                    

PRIMO MAXIMUM YBARRA POV

Masaya silang nag kwekwentuhan at nakwento rin ni Jessica kung paano nya ako iligtas.

Samantalang ako ay lumilipad parin ang isip at maraming tanong kung ano ang koneksyon ni Aezra kay Azrill. Hindi kaya boyfriend nya ito?

"Aezraaaa!" sigaw ng babae sa labas.

Napatayo naman ako agad at mabilis na lumabas. Nagtama ang mata namin ni Aezra at hinila sya paloob bigla nong babaeng tumawag sa kanya.

"Si Aezra ba yon?" takang tanong rin ni Kohen na nakasilip rin.

Tumango naman ako at bumalik sa loob. Napansin ko namang sumama ang aura ni Jessica ng marinig na pinag uusapan namin ni Kohen si Aezra.

"Marami talagang tinatago ang magkaibigan iyon" iiling iling na sabi ni Ryle bago ininom ang wine nya.

Sobrang dami..

Anong koneksyon nina Aezra at Skye kay Azrill? At bakit halos lahat ng tao rito ay kilala sila.

"Sa tingin mo anong koneksyon nong dalawa kay Azrill?" singit ni Chase.

Nag kibit balikat ako at tinungga ang laman ng baso ko.

"How come na kilala nyo si Aezra at Skye?" nakacrossed arm na nakatayo sa harapan namin si Jessica.

Nagkatinginan naman kaming tatlo dahil sa gulat. Kilala nya pala sila..

"Schoolmate" maikling wika ni Kohen.

Bahagya namang natawa si Kendra bago umiling. Kahit madilim ay halatang nagulat naman si Jessica sa sinabi ni Kohen kaya napakunot noo ako.

"Kilala mo ba sila?" anong naman ni Chase. Umiling naman si Jessica.

"I know them" walang kagatol gatol na sabi ni Kendra.

"Tell us about her" mabilis kong turan. Bakit pati sarili kong bibig trinatraydor na ako. Napapaghalataan  akong interesado sa kanila kahit hindi.

"Si Aezra Sullivan ang girlfriend ni Azrill Morrison. Kaya sya kilala dito sa East Horizon dahil lagi syang dinadala dito ni Azrill bago ito pumunta sa Korea para doon mag aral" paliwanag ni Kendra.

Kung boyfriend nya si Azrill bakit kailangan nya itong pagtaguan nong pumunta sya sa DIS? Hindi kaya si Azrill ang naghahabol sa kanya? Hindi naman sya mukhang kahabol habol kaya malabo.

"Girlfriend sya ni Azrill Morrison? Sigurado ka ba jan?" kunoy noong tanong ni Kohen kay Kendra. Tumango naman ito.

Kung totoo ngang girlfriend ni Azrill si Aezra, ang masasabi ko lang.. kawawa naman si Azrill.

"Si Azrill Morrison daw mismo ang umamin na girlfriend nya si Aezra"

Napangiwi naman ako. "Sobrang baba naman ng standard nya sa babae" natawa ako ng bahagya dahil wala ng umiimik.

"Hmm... nasa kabilang room lang sila Aezra diba? Puntahan ko mamaya" nakangiting wika ni Ryle.

Alam kong hindi sila Aezra at Skye ang pupuntahan nya roon kundi yong babaeng sumigaw kanina. Kanina pa nito pinopormahan iyon at binigyan sya ng suntok sa tyan bago umalis.

"Mamaya hindi lang suntok ang gawin sayo non. Malalaman na lang namin nasa hospital kana rin" pagbibiro ni Chase.

"Ganyan ang napapala ng mga babaero"  natatawa namang wika ni Kohen.

"You wanna dance?" bulong sa akin ni Jessica. Ngumiti naman ako at inabot ang kamay nya para dalhin sa dancefloor.

Sakto namang slow music ang tugtog kaya bagay na bagay sa aming dalawa ito. Tinitigan ko syang mabuti, maganda talaga sya. Kahit sinong lalaki ay talagang mapapalingon sa kanya kapag nakasalubong ito.

WHEN WE COLLIDEWhere stories live. Discover now