CHAPTER THREE

35 8 2
                                    

AEZRAEL SULLIVAN POV

Anong problema ng mga estudyante sa Daemson International School. Bakit ganon sila makitungo sa mga transferee lalo na yong lalaking pinaglihi sa sama ng loob. Ubod ng sama ng ugali, parang anak ni satanas sa sama ng ugali.

"Aezra, masakit paba yang tyan mo? Nakwento ko nga pala kay Azrill yong nangyari sa school kanina " nakangiwing wika nito at nag peace sign pa.

"Hindi" maikli kong sagot at pumasok na sa kwarto ko. Bakit pa nya sinabi kay Azrill, mamaya kung ano ano na namang gawin non.

"Pupunta nga pala sya sa school" wika nito habang nakasilip sa pinto. Napalingon naman ako sa kanya at tinignan sya ng nagtataka.

"Bakit?" takang tanong ko. Pumasok naman sya sa at umupo sa kama ko.

"May pag uusapan daw sila ng Dean ng DIS. Ewan ko kung tungkol saan" sagot nito at humiga sa kama ko. Umupo naman ako sa upuang malapit sa kama ko at napakunot noo.

"Hindi ba nya sinabi kung tungkol saan?" tanong ko ulit. Umiling na lang sya bilang sagot. "Sinabi mo bang sa DIS tayo nag transfer?" pahabol kong tanong at umiling naman ito.

"Hindi ko binanggit na sa DIS tayo nag aaral pero nabanggit ko na napag tripan tayo sa bago nating school. Yon lang" paliwanag nito. Nakahinga naman ako ng maluwag ng malamang hindi pa alam ni Azrill na sa DIS nga kami nag enroll.

"Sige matutulog na ako" wika ko at napasimangot naman sya. Gumulong sya sa higaan ko at pumwesto sa kanang bahagi.

"Dito ako matutulog" wika nito at pumikit na.

"Hindi" maikli kong sagot at hinila ang kumot tsaka tinaas kaya nahulog sya sa higaan.

"Biro lang..." nakangiwing wika nito habang hawak hawak ang pwet nyang tumama sa sahig. "Goodnight!" wika nito habang unti unting tumatayo at naglakad palabas ng kwarto ko.

Inabot ko yong libro ng biology na binabasa ko kahapon pa. Nagbasa basa muna ako hanggang sa dalawin ng antok.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagbabasa ko ng makaramdam ako ng gutom at dahil hindi pa kami nakakapag grocery. Napagpasyahan kong lumabas muna para bumili sa malapit na convenient store ng noodles.

"Uy san punta mo?" tanong ni Skye na nasa sala pala nagbabasa rin.

"Convenient store" sagot ko at naglakad palabas ng bahay.

"Sama akooo" wika nito habang humahabol sakin

"Edi sumama ka" wika ko bago ko binuksan ang garahe para ilabas ang motor ko.

"Mag momotor ka?" tanong nito. Napabuntong hininga na lang ako dahil napaka obvious naman na mag momotor ako dahil hawak hawak ko ang aking helmet.

"Buksan mo muna yong gate. Kunin ko lang yong helmet ko. Di mo kasi sinabing mag momotor ka!" nakangusong wika nito at tumakbo papasok ng bahay para kunin ang helmet nya.

Binuksan ko naman yong gate at inilabas ang motor ko.

"Tara na?" nakangiting wika nito ng mailabas narin nya ang motor. Tinignan ko naman nya at hinintay kong maalala nyang isara ang gate.

"Anong tinitingin tingin mo jan? Tara na" wika ulit nito habang nakangiti at sinindi ang motor nya. Bumaba na lang ako sa motor ko at isinara ang gate.

"Mauna kana sunod ako" wika ko habang inaayos ang buhok ko para hindi lumipad kapag nag drive na ako.

"Okay! Adios!" nakangiting sigaw nito at pinaharurot ang motor nya paalis.

Mabilis ko ring pinatakbo ang motor ko para habulin sya. Wala pang ilang minuto ay nasa likod na nya ako. Lihim akong napangiti dahil matagal tagal rin akong hindi nag drive ulit simula nong ipatapon ako ni Mr Morrison sa Korea.

WHEN WE COLLIDEWhere stories live. Discover now