CHAPTER ELEVEN

28 3 5
                                    

CHASE ALCANTARA POV

Habang nag d-drive ako papuntang school may nadaanan akong kotseng tumirik sa gitna ng daan. Huminto muna ako para tignan kung anong nangyari.

Nakita ko si Jwell na nakaupo sa gilid ng kalsada at palingalinga kaya nilapitan ko.

"Jwell, anong nangyari dito?" tanong ko. Sumimangot ito at itinuro ang sasakyan nyang nasa gitna ng kalsada.

"Tumirik yong sasakyan ko. Tumawag na ako ng maghihila, pwede bang sumabay sa pagpasok?" nahihiya pa ito habang nagsasalita. Ngumiti naman ako at iniabot ko ang kamay ko para tulungan syang tumayo.

Pinagbuksan ko sya ng pinto. "Ahh hindi na. Ako na" namumula ang pisngi nya habang nag iiwas ng tingin.

Lalo naman akong napangiti dahil sa reaction nya. "Are you a tomato?" natatawa kong tanong ng makasakay na ako. Napatingin naman sya sa akin na may halong pagtataka.

"W-why?"

"Ang pula ng mukha mo"

Lalo syang nag iwas ng tingin at hinawakan pa ang dalawang pisngi. Umiling na lang ako at nag drive na.

Nang makarating kami ng halos yumuko na sya sa upuan nya para hindi sya makita ng mga estudyante.

"Bakit kaba nagtatago jan?" bumaba ako ng sasakyan at pinag buksan sya ng pinto.

"Shh baka may makakita sakin" sumilip pa sya sa paligid bago bumaba. "Salamat" ngumiti ito sa akin at mabilis na tumakbo palayo sa akin.

Napailing naman ako dahil ang cute ng reaction. Hindi ako interesado sa mga babae pero kung ganong babae ang makikilala ko.. why not.

"Pre sino yong isinakay mo kanina? Akala mo ba hindi ko nakita?" dahan dahang lumabas si Kohen mula sa likod ng kanyang kotse.

"H-ha?" inayos ko ang aking uniform at lumapit sa kanya. "Wala yon" tanggi ko dahil alam kong bibigyan na naman nya ito ng malisya.

"Anong wala yon? Nakita ko, babaeng maganda, maputi at seksing babae ang bumaba jan sa sasakyan mo" tumawa ito at tinapik ako sa balikat.

Napakamot ako ng batok. "Siraulo. Si Jwell yon taga kabilang section, isinakay ko kasi nasira yong kotse nya sa daan" paliwanag ko pero tinignan nya lang ako at ngumiti ng nakakaloko. "Bahala ka nga jan"

Ilang saglit pa ay magkasunod na pumasok si Aezra at Skye sa parking lot kaya sinalubong namin sila agad.

"Aezra kamusta ka?" nag aalalang tanong ko ng makalapit kami sa kanila.

"Eto buhay pa naman" nakangiwing wika nito. Nagkatinginan naman kaming dalawa dahil obvious naman na buhay sya dahil nasa eskwelahan sya ngayon at kausap namin.

"Dalawang araw pa lang ang nakalipas nong nangyari iyon. Dapat hindi ka muna pumasok" wika ni Kohen. Nag aalala ako dahil malalim ang natamo nyang sugat at dapat nya itong ipahinga.

"Huwag nyong babanggitin iyan" masama ang tingin ang ibinigay nito sa amin kaya napahawak ako sa bibig ko.

"Mauna na kami" paalam ni Skye ng malapit na kami sa elevator.

Tumango naman ako at ngumiti tsaka nagsara ang pinto ng elevator.

"Grabe hindi ko akalaing ganong tao sila.." sambit ko.

"Kahit ako.. kaya pala kinakaya kaya nya lang si Primo. Biruin mo hindi nya sinasaktan ng ganon kalala si Primo kahit kaya naman nya" ani ni Kohen. Mukha silang sinanay para lumaban dahil kahit walang utos sa kanila ay nakakagawa sila ng plano ng mabilis.

"Sa tingin mo member kaya sila ng sindikato?" kinutusan nya ako bigla dahil sa sinabi ko.

"Mukha ba silang mga sindikato?" kukutusan nya sana ulit ako pero nahawakan ko na ang kamay nya at napigilan.

WHEN WE COLLIDEWhere stories live. Discover now