CHAPTER FOUR

32 7 1
                                    

NICOLAI KOHEN LOPEZ POV

Isang linggo na ang nakalipas ng magsimula ang klase. Balik na ulit sa normal class kaya inagahan ko na ang pagpasok ko.

"Uy Kohen ang aga mo ah" bati sakin ni Skye na nakasandal sa kotse nya.

Isang Lykan Hypersport ang kotse nya. Isa sa mga pinaka mahal na sasakyan. Paano ko nalaman? Dahil meron din akong kotseng kagaya nya.

"Oo para iwas violation" natatawa kong sagot.

Tinignan nya ang relo nya at tinatanaw ang mga sasakyang papasok sa parking lot. Mukhang hinihintay nya si Aezra dahil wala pa ito.

"Akala ko pa naman exempted kayo since mga oh-so-called-popular-students kayo" wika nito at umikot pa ang mga mata nito.

Natawa naman ako ng mahina dahil ganon pala ang tingin nya sa amin. Pag aari ng pamilya ni Primo ang eskwelahang ito at isa ang pamilya namin sa mga may pinaka malaking share dito.

"Medyo awkward yan. Pero dito muna ako sa pwesto mo tutal wala pa yong tatlo kong kasama" wika ko.

Tumango naman sya at muling tinignan ang kanyang relo.

Lumipas ang kalahating minuto halos sabay na dumating si Ryle at Chase. Pagkapark nila ng kanilang mga sasakyan ay lumapit sila sa amin.

"Astig ng kotse mo ngayon pre" bati ni Ryle at tinapik pa ang sasakyan.

Umiling naman ako at nagkamot ng batok. Ngumiti lang si Skye at tumango.

"Kotse nya" turo ko kay Skye.

Nagulat naman silang dalawa at parang hindi makapaniwala na sya ang nag mamay ari non.

"Pasensya na akala ko kay Kohen" natatawang wika ni Ryle.

Tumawa na lang din sya at tumayo na sa pagkakaupo nya kanina ng matanaw ang isang sasakyang papasok ng parking lot.

"Anjan na pala si Primo, akala ko malelate na naman sya" wika ni Chase at kumaway sa kanya. Hindi naman kami mahirap makita dahil iilang sasakyan palang ang naka park at nasa bungad lang kami.

Pagka park ni Primo ng kanyang sasakyan ay may isa pang magarang sasakyan ang pumasok. Napahinto rin si Primo sa paglalakad para tignan kung kaninong sasakyan ito.

"There she is" nakangtiting wika ni Skye at sumenyas sa sasakyang pumasok.

Pinark nya ang sasakyan nya sa tabi mismo ng sasakyan ni Primo. Hinintay naming bumaba ang kung sino mang estudyanteng may ari ng sasakyan.

"Aezra!" sigaw ni Skye ng makababa ng sasakyan si Aezra.

Napanganga na lang kami dahil sya pala ang may ari ng sasakyang isa sa pinaka mahal sa buong mundo, isa itong Lamborghini Veneno Roadster.

Naglakad sya palapit sa amin samantalang naiwan naman si Primo na nakatingin sa kanyang sasakyan.

"Goodmorning" bati ni Ryle.

Tumango lang sya at naglakad na papuntang elevator para umakyat ng building kaya nagpaalam na rin sa amin si Skye at sumunod na rin.

"Napaaga ata pasok mo?" natatawang bati ni Chase kay Primo na kakalapit lang sa amin.

Nakasalubong ang mga kilay habang nakapamulsa sya. Mukhang nainis na naman sya dahil nakita nya si Aezra. Psh

"Ang tigas talaga ng mukha ng babaeng yon. May gana pa syang pumasok sa dami ng ginawa ko sa kanya" inis na wika nya.

Sa buong isang linggong orientation ilang beses din silang nagkasagutan at nagkasakitan. Kapag bumawi si Primo, babawi rin si Aezra kaya walang nananalo sa kanila.

WHEN WE COLLIDEWhere stories live. Discover now