CHAPTER TWELVE

25 1 0
                                    

AEZRAEL SULLIVAN POV

"Anong tinitingin tingin nyo ha?! Ikaw baka gusto mong masaktan?!" sigaw ni Allison na nasa labas ng room nila Primo. Umiiyak ito at kalat kalat na ang make up nya. Nagmukha na syang clown sa party.

"Tara na nga" bulong ko kay Skye pero focused na focused ito sa panonood na akala mo interesanting palabas. Umatras ako para mapunta sa likuran dahil dinudumog na ng mga estudyante si Allison at baka masiko pa nila ang sugat ko.

"Grabe isa na namang babae ang pinaiyak ni Primo" natatawang wika ni Eiris na nasa harapan ko.

"Ikaw ba naman ihatid sundo ng isang Primo Maximum Ybarra, ewan ko lang kung hindi ka din mahibang" bulong naman ni Ash habang naka pamewang na nanonood katabi ni Eiris.

"Iba pala talaga ang epekto ng isang Primo sa mga babae. Para silang mga asong nauulol kapag nadidikitan nya" nakangiwing wika ni Skye at nakipag appear pa kay Eiris.

"Si Primo yong description ng bawal pero masarap!" kinikilig na wika ni Ash.

Sa dinami rami ng lalaking pagpapantasyahan nila, isang mapayat at aroganteng lalaki pa talaga ang napili nila. Tama nga sila, nakakabobo at nakakabulag ang pag ibig.

"Ano bang nakikita nyo sa Primo na yan bukod sa gwapong mukha?" napakunok ko ng sunod sunod dahil nasa isip ko lang iyon pero dahil traydor ang bibig ko, naisatinig ko ito.

"So inamin mo ring gwapo ako?" bulong ng lalaki sa likod ko. Ramdam ko ang hininga nya sa leeg ko kaya nagsitayuan ang buhok ko sa batok. Dahan dahan akong lumingon at nanlaki ang mga mata ko dahil isang maling galaw lang ng isa sa amin siguradong magdidikit na ang nga labi namin.

Buti na lang walang nakapansin sa pagsulpot nya kaya hindi nila nakita kung gaano kalapit ang mukha namin sa isa't isa.

"A-ano ba" utal kong wika at itinulak sya dahil baka makita kami ng mga estudyante ay pag initan na naman ako.

Tumawa ito ng malakas kaya naagaw ang atensyon ng mga estudyante. Nakatitig lang ito sa akin habang nakangisi.

"Bakit ba kayo nandito? May liveshow ba?" umiling iling pa ito habang nakatingin sa akin. "Huwag mo akong titigan ng ganyan baka matunaw ako" wika nito habang naglalakad papasok sa room nila.

Tumaas naman ang gilid ng labi ko na parang nandidiri sa sinabi nya. Huminga ako ng malalim at naglakad paalis kaya sumunod na rin sila Skye sa akin.

"Sinong kinakausap non kanina? Huwag raw titigan baka matunaw. Huwaaaat?!" maarteng wika ni Ash habang nakahawak sa braso ko.

"Huwag mo akong hawakan, masakit yong pilay ko" nakangiwing wika ko. Idinahilan kong napilay ako kesa sabihin kong nasaksak ako. Mas maganda nan pakinggan yong napilayan kesa nasaksak diba?

"Ano ba kasing pinag gagagawa mo at napipilayan ka pa? Nag aacrobat kaba?" hinawakan pa ni Eiris ang braso ko na sumakto sa sugat ko kaya napangiwi ako. Buti na lang talaga nag jacket ako para matakpan ang buong kamay ko kung hindi uulanin na naman nila ako ng mga tanong.

"Nag t-taekwondo ako" palusot ko at tumingin kay Skye.

"Ah oo nag t-taekwondo kami. Alam nyo na pang self-defense" tsaka tumawa ito ng pilit.

"Ganon ba? May gwapo ba don" napatingin naman ako sa kanya ng masama kaya napatikom ito ng bibig. Natakot ko ba sya?

"Wala nga e" walang gana kong sagot.

"Alam mo ba Aezra, para talagang namumukhaan kita. Hindi ko alam kung saan kita nakita pero parang nkita na talaga kita" wika ni Eeris na nakatitig sa akin ngayon at kaharap ko.

WHEN WE COLLIDEWhere stories live. Discover now