CHAPTER SEVEN

28 4 5
                                    

SKYE AVYRENT SANCHEZ POV

Maaga kaming pumasok ni Aezra dahil kami ang inatasang mag aayos ng event hall para sa Freshmen night. Kasama namin sila Ash, Jwell at Eiris na mag aayos para maaga namin itong matapos.

Pagkababa namin ng bag namin ay syang dating naman ni Ash na may  hawak hawak na malalaking supot na may lamang tela.

"Mga sis pakidala na lang itong mga tela doon sa event hall para masimulan na ng iba pa nating mga kasama ang pag dedecorate" wika ni Ash at ibinigay sa amin ang mga supot na may lamang sandamakmak na tela.

Agad agad naman naming dinala ni Aezra sa event hall ang mga ito. Naroon na ang mga taga section 4B talaga nga namang may attitude problem ang mga ito gaya ng sinabi ni Ash dahil pagpasok na pagpasok namin ay nagtinginan ang mga malamit sa amin at bigla bigla kaming inirapan.

"Gosh kanina pa namin hinihintay ang mga iyan tapos ngayon nyo lang dinala dito!" singhal ng isa at hinablot sa amin ang mga supot na hawak namin. Kung kanina pa pala nila hinihintay edi sana sila na lang ang bumili.

"May marunong bang mag paint at calligraphy dito? Pwede patulong?" Announce ng babaeng naka salamin at may hawak na microphone para marinig sya ng mabuti. Tumungin naman si Aezra sa akin at napahingiti ako. Hinila ko sya papunta sa stage kung nasaan ang babae.

"She can paint" wika ko at itinuro si Aezra na nakangiwi lang. Ngumiti naman yong babae at hinila nya ito papunta sa mga styrofoam na wala pang kasulat sulat na nasa gitna ng stage. Sumunod naman ako sa kanila para tulungan sila sa pag pipinta dahil marunong din naman ako.

"Im Kalea Maxine Ybarra from 4B" pakilala nya sa amin habang nakangiti.

"Im Skye Avyrent Sanchez" pakilala ko naman.

"Ako? Im Aezrael Sullivan" maikling wika ni Aezra habang tumitingin ng paint brush.

"Uhm actually Skye, hindi pa ako nakakaisip ng pweding idesign.." nakangusong wika ni Kalea. Napatingin naman kami ni Aezra sa isa't isa.

"Neon party na lang ang gawin natin" singit ni Aezra habang nakatingin sa kabuoan ng event hall.

Napatingin naman kami ni Kalea sa kanya at napakunot noo.

"Yon ang in sa mga kabataan ngayon, ang maraming pailaw at aesthetic tignan" wika ni Aezra habang nakatingin parin sa kabuoan ng hall bago humarap sa amin.

"Ano sa tingin mo?" tanong ni Kalea sa akin.

"Maganda ang naisip nya. Gawin na lang nating modern at aesthetic" sagot ko naman. Maganda naman ang naisip nya kesa naman mag mukhang birthday party ang maging design. Siguradong pupunain lang ito ng mga freshmen.

"Okay I'll take your suggestions. Ipapatawag ko ang mga representatives ng bawat section ng fourth year para mapag usapan ito. In the mean time tumulong na lang muna kayo sa paglilinis at paglalagay ng tela sa mga lamesa at upuan" nakangiting saad ni Kalea at bumaba ng stage para tawagin ang mga representative ng bawat section.

"Infairness maganda ang naisip mo" wika ko at sinundot sundot ang tagiliran nya. Tinignan naman nya ako ng masama bago bumaba ng stage at dumampot ng tela para ipantakip sa mesa.

"Kami na lang ang gagawa nito. Huwag na kayong tumulong" ani ng babaeng kumuha sa hawak kong tela. Tumalikod sa amin yong babae at isinuli sa supot ang telang kinuha namin.

"Edi hayaan mo sila" ani ni Aezra at naglakad palabas ng hall.

Tumingin sa kanya ang mga estudyanteng nasa malapit ng marinig ang sinabi nya bago sila magsimulang magbulungan.

Hindi pa kami nakakalabas ng hall ay nakasalubong namin sila Primo. Nakalabas na pala sya ng hospital paniguradong sasabog na naman tong eskwelahan sa gulo nila.

WHEN WE COLLIDEWhere stories live. Discover now