I nodded. “You too. I know your tired,” I said.

Humiwalay na ako ng yakap sa kanya at ngumiti. Pagkatapos ay pumunta na rin siya sa kwarto nila Mommy at pumasok na rin ako sa aking kwarto.

Mabilisan ang ginawa kong paglilinis ng aking katawan, at nakapagbihis na rin. Humiga na ako sa aking kama matapos kong mabasa ang mensahe ni Dean at ni Sheena.

Una kong binasa ang mensahe ni Dean bago kay Sheena. Naka-silent nga pala 'to kanina ang cellphone ko, kaya hindi ko napansin ang mga mensahe ni Sheena kanina. Napangiti ako. Pinalitan niya talaga ang pangalan niya sa contact ko.

Dean:

Nakauwi na ako. Matulog ka na.

BFF>.<:

Marga!!!

Saan ka ngayon? Kasama mo pa ba si kuya Dean?

Hoy, Mare! Tumawag Mommy mo dito sa bahay. Saan kana? Ano'ng sasabihin ko dito?

At marami pa siyang na hindi ko na mabasa dahil inaantok na ako. Hindi ko alam kung saan ako makokonsensya. Sa pagtatago ba kay Dean sa mga magulang ko… o sa hindi pagsasabi ng totoo sa aking mga magulang.

Isa sa palaging paalala sa akin ni Daddy, ay bawal ako magka-boyfriend, aral daw muna. Kaya wala akong magagawa kundi ang itago sa mga magulang ko ang tungkol kay Dean.

At the end of night. Nakatulog naman ako ng mahimbing… siguro, dahil sa pagod sa nangyari buong araw.

Days passed by, today is February 14, day of hearts. Our js prom was removed on February twenty. Ngayon sana iyon, ngunit dahil sa mga activities ng school ay niremove nila ng February twenty. The day I was born.

Ang sabi ni Daddy, huwag lang daw akong mag-alala dahil maghahanda pa rin kami sa kaarawan ko. Tsaka maaga naman matapos ang JS prom namin kaya walang kaso iyon. At sabi rin ni Mommy, pwede ko namang imbitahan ang mga kaklase at mga guro ko sa bahay, at doon na lang ipagpatuloy ang party. Aapila na sana ako na pwede naman 'yong mga kakilala ko lang ang imbitahan ko kaso hindi pumapayag si Mommy. Kaya wala na rin akong magagawa. Ang mahalaga ay kompleto kami.


Pagpasok ko pa lang ay kitang-kita kona ang mga iba't-ibang kulay ng tent na nakahilera sa ground area. Lahat ng year level ay may sariling booth,

Sa lahat ng booth ay agaw pansin ang kulay itim na tent ng mga senior high. Mas malaki ang tent nila kaysa sa amin, horror booth kasi ang sa kanila kaya malaki ito. Wedding booth naman ang sa grade ten, sa aming grade nine ay love letter reading, sa grade eight ay 'yung blind date, at holding hands naman sa grade seven, kung saan tinatali nila na magkahawak kamay ang dalawang tao na nahuli nila at 'yung couple na 'yon, ay lilibot sa buong Campus ng isang oras habang magkahawak kamay.

Naglalakad ako sa hallway ng unang building, habang ang mga mata ng estudyante ay nakatuon sa akin. Kumunot ang noo ko. May dumi ba ang mukha ko? Tiningnan ko naman ang repleksyon ko sa window glass ng classroom na madadaanan ko lang. Tiningnan ko ang itsura ko kung may dumi ba o buhaghag ba ang buhok ko ngunit hindi naman.

Umismid ako bago nagpatuloy sa paglalakad at binalewala lang sila. Baka masyado lang ako maganda ngayon sa paningin nila.

Malapit na ako sa building namin nang makita kong lumabas si Sheena sa classroom namin. Sinalubong niya ako na puno ng pag-alala. Mas lalong kumunot ang noo ko sa kanya.

“Mare!” Sabay hila niya sa kamay ko.

“Ano ba, Sheena!” reklamo ko sa kanya habang hinila-hila niya ako.

Years of WaitWhere stories live. Discover now