Babalik na sana ako sa kwarto ni Thrizel nang maalala kong kukuhanin ko nga pala ang aking charger. Nawawala ito sa pinaglagyan ko, nasaan na iyon? Hanap dito, hanap diyan hindi ko talaga makita. Tinignan ko ang ilalim ng aking kama at doon ko ito nakita. Bakit napunta 'to sa ilalim?

Inaabot ko ito nang bigla kong marinig ang sigaw ni Thrizel. Tinatawag ang pangalan ko kaya agad akong napatakbo palabas ng aking kwarto. Pagkabukas ko ng pintuan, nakita ko si Thrale na malapit kay Thrizel. Ito naman ay nakapikit habang may tumutulong luha sa kaniyang mata 'gaya lang noong kanina. Agad kong hinawi si Thrale at niyakap si Thrizel upang kumalma ito.

"L-Link."

Tiningnan ko si Thrale bago sumagot. "Shhh, I'm here." Pagpapatahan ko rito.

"Nagpapahinga na ito, lumapit ka pa. Kita mong takot sa 'yo. Just leave her room, Thrale." Patungkol ko kay Thrale.

"Why? This is my sister's room." Matigas talaga ang ulo ni Thrale. Ayaw na ayaw magpatalo.

"Kung dati ay p'wede kang pumasok, ngayon ay iba. Lumabas ka na, Thrale. Ayaw kumalma ng kapatid mo."

"Bakit ba parang nilalayo mo sa akin ang kapati-"

"Ikaw mismo ang gumagawa ng paraan para lumayo ang loob ng kapatid mo sa 'yo." Natigilan na naman si Thrale sa aking sinabi.

Nagdadalawang isip ito kung lalabas ba siya. Pero hindi katagalan, lumabas na ito ng kwarto ni Thrizel.

Hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak kaya nagsalita akong muli sabay hagod sa kaniyang likuran. "He's not here, tahan na."

Thrizel's POV

Nandito si Link para alagaan ako. Siya ang gumaganap bilang kuya ko na dapat ay si Thrale ang gumagawa. Napabuga na lamang ako ng hangin dahil sa aking na isip. Ano bang magagawa ko? Tama na nga kakaisip sa kaniya, Thrizel.

Wala pa si Link, ang tagal niyang bumalik. Tatayo na sana ako kaso mas lalong sumakit ang aking hita. Baka tuluyan ko na itong hindi mailakad kung pipilitin. Mamaya nalang ako tatayo.

Abala ako sa pagtitig sa kisame nang biglang bumukas ang pinto. Ang akala ko ay si Link kaya agad akong tumingin at ngumiti. Nawala ang aking ngiti ng dahan-dahan. Natakot dahil hindi si Link ang pumasok sa kwarto ko kun'di si Thrale.

Habang papalapit ito sa akin lalo akong natatakot. Nasaan ka na, Link? Kailangan kita. Hindi siya nagsasalita, lumalapit lang siya nang lumalapit sa akin. Ako naman ay hindi makakilos. Magkapalit na ang mukha namin, anong gagawin niya? Natakot na ako baka kung anong sunod na gagawin niya.

"Thrizel." Tinawag niya ba ako? Binanggit ang aking pangalan? Bakit punong-puno ng takot ko ang buong kwartoooooo?

"Thrizel, how are you?"

Hahawakan niya sana ako sa aking kamay nang pumikit ako at sumigaw. "Linkkkkkk!" Kahit nakapikit ako, alam kong nagulat si Thrale.

Huminga siya nang malalim at lumayo ng kaunti. Ramdam kong nakatayo siya.

"THANK YOU." Sagot ko kay Link nang makita kong lumabas na si Thrale. Doon ako kumalma.

Hindi siya sumagot, ngumiti lamang siya at ginulo ng kaunti ang aking buhok. Nandito na si Link na lagi akong pinagtatanggol. Anong gagawin ko na lang kung wala siya? Nakatitig lang ako sa pinsan ko ngayon na nagsisilbing kuya ko.

"Baka matunaw ako sa titig mo."

Natawa naman ako sa kaniyang sinabi. "Hindi naman siguro, pasok na lang kita sa ref kapag natunaw ka." Parehas kaming natawa sa aking naging sagot sa kaniya. Corny naman.

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now