Sila mama at papa na papasok pa lamang sa rest house ay kaagad na naalerto lalo na nang makita ang limang magsasaka na tauhan ni Mamita. Sila ay nakapalibot sa buong bahay habang hawak ang mga bote ng alak at nagtatawanan nilang pinapanood ang pagliliyab nito.

Madaling kumilos si papa at walang pagdadalawang isip na pinasok ang bahay para sagipin ako sa itaas. Si mama naman ay napipilitang nagpaiwan sa labas dahil halos matupok na ng apoy ang buong kabahayan. Humahagulgol, kanyang kinompronta ang mga tauhan ni Mamita. At tama nga ang hinala niya, ito ay utos ng matanda.

Inutos ni Mamita na sunugin ang bahay para patayin ang batang anak sa kahihiyan habang pinakikisamahan nila ang mga magulang kong makasalanan.

I can still remember how my mama Angeline broke down while telling me their painful stories. Na maski ako, hindi mapigilang humagulgol at sabayan siya kahit na nasa musmos na gulang pa lamang ako.

Dahil sa boses pa lang ni mama, at sa kasawiang nakapinta sa mga mata niya habang nagkukwento ay ramdam ko agad kung gaano ito kasakit at kahirap.

Mapait akong napangiti habang nagpapatuyo ng buhok gamit ang blower. Mula sa salamin ay malaya kong nakikita ang pamamaga ng mga mata ko dahil sa matinding pag-iyak. Maski nga ang labi ko ay nagkasugat na dahil sa diin ng pagkagat-labi ko kanina.

Napailing na lamang ako at winaksi na sa isipan ko ang mga sakit na ala-ala ng nakaraan ko. Tinapos ko ang pag-aayos sa sarili ko saka tumayo na para bumaba at mag-ikot naman dito sa El Grande Paraiso. Tabi ng resort na ito ay ang naggagandang hotel building para sa mga turista at cabin naman para sa may balak magtagal o magbakasyon.

Sa sinabi rin ni Markus sa akin bago niya ako iwanan sa cabin ay may villas din dito sa Isla de Provincia. Sa mga villas naninirahan permanently ang mga taong may registered nang pagkakakilanlan sa El Securidad. Isa sa mga bagay na dapat laging dala ng tao rito ay ang kanilang assigned membership pass. Ang membership pass ay isang card na tila ba identity ng mga taga Isla de Provincia. Mahalaga ito dahil ang QR code na nakatalaga sa card ay ang siyang magiging entry access ng sinoman para sa malayang paggalaw rito sa isla.

Napatingin ako sa red number sa itaas ng bahagi nitong elevator. At nang pumalit na ang 2 sa 1 ay kaagad akong naghanda para lumabas. Ganun din ang mga kasama ko rito. Gaya ko ay may kaniya-kaniya silang gayak para maglibot sa isla.

"Dalawang Tapsilog with brown coffee, please." pormal na sabi ko sa waitress saka naupo sa itim na monoblock.

Sa kakaikot ko sa resort ay nakalabas na ako at sa hindi kalayuan ay natagpuan ko naman ang mga food stall na humilera sa tabi ng mga maliliit na shop rito sa isla. Mga mumurahing souvenir items na hindi tataas sa dalawang daan ang presyo ayon sa price tag na nakalagay sa harapan ng mga ito. Hindi ko nga makuhang tignan ang mga 'yon dahil ayokong lumapit sa tukso.

Kilala ko ang sarili ko, basta mga souvenir item ay bibilhin ko hanggang sa wala na namang matira sa wallet ko. Kaya hangga't nasa proper state of mind pa ako ay hindi ako susulyap doon para makaiwas na sa mga posibilidad nang paggastos. Hangga't kaya ko lalayuan ko ang tukso dahil hindi iyon ang lalayo sa akin.

"165 pesos lang po ma'am," ani ng cashier dahilan para iurong ko ang one thousand pesos ko.

Gusto kong mapahiyaw sa tuwa dahil kaunti lang ang nagastos ko sa araw na ito. Mukhang ito na ang magiging tambayan ko sa araw-araw. Mas makakatipid ako kapag dito ako kakain.

Fire Of The Burning Sands [Isla de Provincia Series] Where stories live. Discover now