*Dalawampu't Dalawa*

100 5 0
                                    

Bawat araw pahina ng pahina si Calix pero sinisikap ko maging masaya pa rin. Ilang buwan na rin ang dumaan pero heto ako lumalaban.

Nagpatingin kami sa isang ob-gyne para malaman na ang gender ng baby ko. Almost 6 months na din ang tiyan ko. Hindi nagpapigil si Calix at sumama pa talaga. Kaya naman daw niya. Pumasok kami sa isang private clinic dito sa San Leonardo. Kilalang-kilala ito ni Calix. Isa pala ito sa naging bisita sa kasal namin.

Pumasok kami sa loob at pinahiga ako sa kama. Nandoon na lahat ng gagamitin niya. May pinahid itong madulas sa tiyan ko tapos sinimulan nitong paikutin sa tiyan ko ang may bilog sa dulo. May monitor na din na na konektado dito.

"Your baby, wait, I mean babies. Your having twins Mr. And Mrs. Peñafrancia,"deklara nito. My tears began to tear endlessly. Napakaswerte naman naming dalawa. Tiningnan ko si Calix. His eyes start to tear up too.

"Let's check their gender. It's a girl and a girl again."

Naramdaman ko nalang ang mainit na yakap ni Calix sa akin. Bumitaw na kaming dalawa sa isa't-isa. Nahiya tuloy ako sa doktor.

"Congratulations! Just continue taking vitamins."

Nagpaalam na kami pagkatapos at maingat si Calix sa akin. Siya nga dapat inaalalayan ko.

Habang sa nasa biyahe kami hindi mapawi ang ngiti niya. Sana habangbuhay ko masilayan ang pagngiti nito.
Diretso agad kami sa taas para daw makapagpahinga ako. Tabi kaming naupo sa kama.

" I hope I will be able to watch you give birth to our twins. That's the last thing I wish."

"Makikita mo sila pag ipinanganak ko. I know that because your strong."

Nilingon ako nito at ginawaran ng isang mainit na halik. Pagkatapos niya ako halikan, hinanap ko ang bag dahil nandoon ang cellphone ko. Iniabot niya ito sa akin.

It took 5 minutes before my call was accepted. I called Rose to inform them a good news.

"Pinsan, kumusta ka na dyan?"

"I'm fine Rose. I have some good news for you. Loudspeaker mo nga ang phone."

"Tapos na. Now tell me, ano ba yang good news."

Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"I'm having twins. Both of them are girls."

"OMG! Naunahan mo nga ako."
Sumingit sa usapan sila Papa at Mama.

"Anak, iha, congratulations! Napakagandang balita nga,"si Mama ang nagsalita. Napaluha ako. Pinunasan agad iyon ni Calix.

"Anak, alam mo, nasurpresa ako. Proud ako sayo at sana magpakilala na sa amin ng personal yang asawa mo,"singit ni Papa.

" I will sir. I'll visit next week with her."

Dahil sa sinabi ni Calix, gumuhit ang ngiti sa labi ko.

Tinupad nga nito ang pangako niya kay Papa at Mama. Nakasakay kami sa private van. Isinama din namin si Calton. Ito ang nagmamaneho para sa amin. Mabagal lang ang pagpapatakbo dahil natatakot silang mapaano ako. Dalawang OA sa buhay ko.

Punong-puno ng excitement dahil sa wakas magiging official na ang aming husband and wife relationship. Sabi nila matulog raw ako para hindi mapagod ang twins. Sumandig ako kay Calix at sinimulang pumikit. Walang putol ang biyahe namin pwera lang sa traffic.

TAMING HIS HEART(completed)Where stories live. Discover now