*LABINGANIM*

147 15 0
                                    

Busy ako sa pag-aayos ng schedule niya nang nakaramdam ako ng hilo sa ulo. Bago pa man ako makalakad palabas natumba agad ako.

Nagising ako sa kwarto ko. Tumingin ako sa paligid. Nandoon si Joan na mababakas ang kalungkutan sa mata nito. "Are you okay,"tanong nito na puno ng pag-aalala sa akin.

"Paano ako nakapasok dito?"

"Binuhat ka ni Doc." Tukoy niya sa lalaking nakatayo sa malapit sa pintuan. Kumaway pa ito sa akin.

"Ano daw findings sa akin?"

"Si doc ang magsasabi sayo."
Biglang kumabog ang dibdib na ubod ng bilis. Kinakabahan sa posibleng sabihin nito sa akin. Lumapit si Calton sa kama at umupo sa gilid nito.

"Congratulations, your 3 weeks pregnant."

Kaya pala ako kinakabahan. Paano na ngayon? Para akong mauubusan ng hangin sa katawan at ramdam ko ulit ang walang tigil na pagkabog ng puso ko.

"You must be joking Doc?"

"Mukha ba akong joker pagdating sa ganyan? You have to tell him."

"No. It's not good I think."
Hindi ko pa alam paano ito sasabihin sa kanya. We have no romantic relationship after all. My head start to ache again because of the news.

"Then, how long you will hide it to him?"

Hindi ako makapagsalita sa tanong niya. For how long, I can keep it? Mababaliw ako sa pag-iisip nito.

"Don't pressure her. Kailangan niya magpahinga."

"Okay. Basta I advice you, wag mo ng patagalin okay?" Tumango lang ako mula dito. Naiwan kaming dalawa ni Joan.
"Don't worry much Hara. Magiging okay din ang lahat."

"Thank you Joan."
Iniwan na ako nito para daw makapagpahinga. I touch my belly. I can feel happiness within me but I feel sadness too because I am not ready to tell him. Paano nalang pag lumaki itong tyan ko?

I called Rose to talk about my condition. Ilang rings ay sumagot naman ito.

"Shit!  Pinsan, I'm in the middle of something here."

"Sorry."

"It's fine. Ano ba kailangan mo at napatawag ka?"

"I have good and bad news for you."

"Good news muna." Huminga ako muna ng malalim bago ito sabihin sa kanya.

"I'm pregnant. It's 3 weeks already."

Hindi muna ito nagsalita sa kabilang linya pero nabingi ako ng sumigaw ito.

"Oh my God! Naunahan mo pa ako."

"Huwag kang sumigaw?"

"Sorry. Excited lang. Who's the lucky guy?"

Nanahimik na naman ako ulit. Paano ko sasabihin na nagpabuntis ako kay Mayor? This make my mind completely crazy.

"Bakit ka natahimik? Hinayupak yung nakabuntis sayo?! Sabihin mo sa akin at ng masentensyahan ko siya. You make me worried,"sabi pa nito sa malungkot na boses. Napabunga ako ng hangin.

"Don't worry I can handle it. Isipin mo ang sarili mong buhay."

"Okay sige pero huwag kang maglihim sa akin ha. Kailangan mo ingatan yang sarili mo. Wala kami dyan to take care of you."

"Oo na. I'll be fine promise. Ingat ka din dyan."

Tinapos na namin ang tawag. Kahit papaano nakaramdam ako ng kaluwagan sa dibdib ko. Ang tanging problema ko na lamang ay paano ko sasabihin sa kanya. Is he ready to be a father? What if he doesn't accept it?

Sa sobrang dami ng tanong sa utak ko, hindi ko man lang napansin na may tao. Paglingon ko si Mayor pala. He look at me with worried expression.

"Are you trying to kill me for worrying about you?"

"Ayos lang ako. Siguro napagod lang ako."

Umupo naman ito sa tabi ko. Malayo ang tingin nito at kahit nakatagilid ito sa akin ramdam ko ang kalungkutan sa mga mata niya.

"What if someone will tell you, he loves you so much but someday he'll leave you? Can you still love him?"

Nakakagulat ang mga tanong niya sa akin kahit alam ko ang tinutukoy niya.

"I will love him until my heart and mind gets tired."

Tumahimik naman ito ulit. Humiga ito sa tabi ko na diretso nakatingin sa mata ko. His eyes is searching for something that I can't figure out. Nagsalita na naman ito ulit habang nakatingin sa akin.

"Can I love you even if it's killing me?" His voice sound desperate and sad at the same time. Nakabuka ang bibig ko pero walang salita na maibigkas.

"Can I,"tanong nito ulit sa akin. Parang pinipiga ang puso ko sa pagsusumamo nito. Can I love him even it hurts me too? Kailangan may sabihin ako sa kanya. Ayoko na itago ang nararamdaman ko.

"Oo, walang kaso yun sa akin. Mahal din naman kasi kita."

Isang ngiti ang binigay niya sa akin sabay halik agad sa akin. Bahagyang nagulat ako pero ngumiti din ako sa huli. Mixed emotions are evident to me.

His sweet to me for how many days. I can feel butterflies in my stomach sa tuwing magkasama kami. I feel like teenager again. Gusto niya ako palaging yakapin. Kahit hindi ko alam kung ano ba talaga kami. Gusto ko itanong sa kanya pero nahihiya ako.

Ang mahalaga nalang siguro sa ngayon ay ang pagmamahal na ibinibigay niya sa akin. When he confirms our relationship, I will tell him everything. Sana maging maayos ang lahat sa aming dalawa.



💙💙💙💙💙💙💙💙💙💙💙💙💙💙💙

Salamat sa pagbabasa ng Taming His Heart !!! Mahal ko kayo madam/sir💜

TAMING HIS HEART(completed)Where stories live. Discover now