*TATLO*

307 49 0
                                    

Nagising nga ako ng maaga. Nagdesisyon akong maligo agad. Pagkatapos ay hinanap ang susuotin ko. Pinili ko ang isang simple pero desenteng damit. Dumating na din si Joan.

"Hara, doon na pala tayo kakain sa mansion."

"Di ba pwedeng dito?" Umiling ito sabay sabi.

"Hindi pwede. Si Mayor ayaw ng sinusuway siya."

Pagkatapos ko makapag ayos ay umalis agad kami. Nakasalubong ko si Aling Salud.

"Salamat po ulit Aling Salud. "

Pagkasakay namin sa kotse ay agad pinatakbo ito ni Joan. Mabilis pala itong magmaneho. Narating namin ang mansion sa ilang minuto lang. Bumukas ng kusa ang gate. Sosyal naman sa isip ko. Ipinarada niya ang kotse at bumaba na kami.

May nakikita akong kalalakihan na may hawak na baril. Dinagundong agad ako ng kaba.
"Hoy! Ano ba nangyayari sayo? Para kang tinakasan ng bait."

"Kailangan ba talaga may mga ganyan. Ibig kong sabihin, yung may mga baril."

"Wala ka pang ideya. Huwag mo sila pansinin. Pumasok na tayo. Ayaw ni Mayor ng late. "

Naglakad kami papasok . Sumalubong sa akin ang malawak na sala. Hindi lang pala ito mansion kundi palasyo. May nakita naman akong nakahilera na mga babaeng parehas ang kulay ng uniporme. Mga kasambahay siguro. Iginiya kami nito sa kusina. Pagdating naman doon nalula din ako sa laki.

"I thought, maaga kayo. Your 1 minute late. You know I hate it Joan."
Isang malalim na boses ang narinig ko. Hindi ko aninag ang kanyang mukha dahil medyo malayo ito. Napakalaking mesa ito at puno ng pagkain.

"Pasensya na Mayor. Kailangan ko yata bilisan ang pagpapatakbo."

"Sit down. And let's start eating."

Pauupuin sana ako ni Joan pero nagsalita ang tinutukoy niyang Mayor.

"Sit beside me woman. " Malumanay ang pagkasabi pero may diin. Authorative I think.

Lumapit agad ako dito baka magalit ito. Sinulyapan ako nito. Muntik na ako mahulog sa kinauupuan ko. Para kasing may invisible knife sa mata niya.

"My number one rule. 1 minute late shows incompetency."

Grabe ang taong ito. Mamatay ako ng maaga sa kanya.

"Your against it? Then, go out."

Mas lalo akong natakot. Nanalangin ako ng tahimik sana wala na siyang sabihin baka mamatay na ako ng tuluyan.

Matiwasay namin kaming kumain. Tanging tunog ng kubyertos ang maririnig. Tatlo lang kami kumain pero parang fiesta ang agahan.

Nagsalita naman ito ulit.
"Joan, did you already tell her?"

Tumango naman siya dito.

"Pagkatapos mo kumain, proceed to my office already."

Tumayo naman ito at naiwan kaming dalawa.

"Ganun ba talaga siya?"

"Don't ask anything. Makikilala mo naman siya basta kumain ka nalang."

Hindi ako nagtanong uli. Inubos ko nalang ang pagkain. Ito talaga ang heavy breakfast.

"Yung mesa, lilinisan pa ito di ba?"

Umiling naman si Joan sabay sabi. " Hindi na. trabaho yun ng mga tagapagsilbi dito. Halika na, kailangan na kita ihatid bago siya magalit."

Dinala ako nito sa isang pintuan na may nakasulat. "MAYOR'S OFFICE"

"Dito ka nalang. Buksan mo nalang ito. Paalala ko sayo, be careful when talking okay?"

Tumango ako. Magiging mahinhin ako ngayon. Pumasok ako sa loob. Sumalubong sa akin ang malaking kwarto. May mahogany table dito. Nakasulat ang pangalan niya sa isang name plate. "Mayor Calixter Hermogenio Peñafrancia"
Nakita ko siyang nakatayo sa may bintana. Hawak nito ang alak sa kabila may cellphone sa tenga.

"I told you! Wala sa ugali ko ang tanggapin ang isang pagtanggi sa offer ko! Francis, if you don't want to got fired, you must do everything. It's your life and career are at stake. Don't call me if it's another lame excuses. I need results." Pinatay na nito ang cellphone. Lumagok ito ng alak.

"Your eavesdropping woman."

"Hindi po Mayor. Nagkataon lang po na pagpasok ko may kausap ka." Sinubukan ko magsalita ng mahinahon. Mukhang nakumbinsi ko ito. Umupo ito.

"You sit down." Umupo agad ako. Tiningnan naman ako nito. Hindi ko maintindihan ang facial expressions niya. Poker face ba o inis siya sa akin?

"You already know your job here. "

"Opo."

"Do I look like an old hag to you?" Umiling Naman ako.

"Then simply call me Mayor. " I nod.

"I have rules Ms. Shahara Garcia, if you have ears listen to it carefully. "

Grabe talaga ang lalaking ito. Akala niya wala akong pandinig. Sarap niya barahin.

"I told you already the number 1 rule. 5 rules ang meron ako para sayo. The second rule, I hate dirt and unorganized things. Third, no gossiping at work. Fourth, no guy while your with me or not even with me. Fifth, just do the 4 rules and we're good."

Tindi Naman ng 4th rule niya. Akala naman niya sa akin malandi ako. Pinalaki akong matino.

Tumayo ito at umupo sa harapan ko. Tinitigan ako nito. Mula sa mukha ko tumigil ito sa bandang dibdib. Nahiya ako bigla. Kita kasi ng kaunti ang cleavage ko.

"May ipag-uutos po ba kayo sa akin Mayor?" Nakayanan ko magsalita kahit na sasabog na ako sa kaba. Lumapit pa ito lalo sa akin. Closing the gap between us. Parang mauubusan na ako ng oxygen sa katawan. His face is inches away from me. Ang simpleng diskripsyon ko dito. Adonis.

"If I told you, kiss me."

Maikling sabi nito pero nagpagulo ito sa buo kong sistema. Napansin nitong di ako nagsalita.

"Anyway, kailangan ko makipagkita sa isang kliyente for some business. Kailangan mo sumama." Napabalik ako sa katinuan.

"Sige Mayor."

Kinuha nito ang cellphone at coat niya. Lumabas kami sa opisina niya. Para siyang higante kung maglakad. Ang hahaba ng hakbang. Kaya binilisan ko din. Natagpuan ko si Joan kausap ang mga iilang tauhan ni Mayor.

Sumakay na kami sa isang kulay pulang kotse. Pinagmaneho kami ng driver niya.

"Magandang araw Manong," bati ko dito. Nagtaka naman ito. Hindi ito sumagot. Magkatabi kami ni Mayor sa likod.

Tahimik kami buong biyahe. Narating namin ang isang lugar. Isa ito mamahaling restaurant sa San Leonardo. Tumigil na ang pag-andar ng sasakyan. Pinagbuksan kami ng driver. Diretso kami pumasok. Sinalubong kami ng isang lalaki. 50 taon na ang tantya ko sa edad nito.

"Mayor, akala ko wala kang balak makipagkita sa akin. Alam mo naman na may tiwala ako sayo sa negosyo nais kong pasukin."

"Senyor Gregorio, I do what I say. You don't need to remind me always. " Matapang niyang sabi dito.

"I know it, you will be a good partner in business. So want some food to eat? You have a beautiful companion. "

"Don't bother. Kailangan ko na umalis dahil may mahalaga akong gagawin. And Mr. Gregorio, just mind the business not my woman. "

Umalis na agad kami. Mabilis itong humakbang papunta sa kotse. Umupo ito sa likuran . Kunot ang noo ito. Salubong ang kilay. Galit nga siya. Tikom ang bibig ko pagtabi ko sa kanya.

"That damn man! His testing my patience." Tinitigan ako nito. Like his swallowing me.
"Ugh! Shit! Kanor, sa paupahan tayo."

------

Suportahan niyo ako hanggang dulo.

TAMING HIS HEART(completed)Where stories live. Discover now